CHAPTER 2
BRENDANT
Mabigat ng minulat ni Brendant ang kanyang mga mata, matapos ay may naaninag sya na isang batang babae na nakatayo sa harap nya. Sapilitan nyang minulat pa ang kanyang mga mata para malaman kung sino ang batang iyon.
"Magandang umaga taga Earth" bati ng batang babae na nasa limang taon hanggang anim na taon gulang, kulay asul ang buhok nito na naka gupit panglalake, at may hawak itong marking pen.
Napatayo agad si Brendant dahil unti unti na nyang naalala ang mga nangyari. Matapos ay napaharap sya sa salamin na nasa tatlong metro ang layo sa kanya, at nag tataka sya kung anong meron sa mukha nya kaya lumapit pa ito.
Panay guhit ang mukha nya, at may guhit pa sya ng bigote ng katulad sa Mejicano, kaya madali syang lumingon sa batang babae na may hawak na marking pen kanina.
"Ayos ba taga Earth" masaya pang sambit nito.
Nainis naman si Brendant dahil nagmistulang sketch pad ang mukha nya.
"Aba nakuha mo pang maging masayang bata ka!" Galit na turan nito sa bata.
Unti unti namang nag iba ang anyo ng batang babae, at namumuo na ang mga luha nito, at nagbabadya ng umiyak.
"Teka bata pasensya na pero mali kasi ang ginagawa mo" paliwanag ni Brendant habang sumisinghot singhot naman ang bata.
Tuluyan ng umiyak ang bata, at mga ilang sandali ay nakarinig na si Brendant ng yabag palapit sa lugar nila. Kaya kinabahan ito baka anak ng alien ito-- oo dahil naalala nya na may dumating at nandnukot sa kanya, mga babae ito na halos labas na ang pisngi ng dibdib sa suot nila.
Nanlaki ang mata ni Brendant dahil pamilyar ang babaeng lumapit sa batang iyon, maging ang sumunod na babae. Oo di nya makakalimutan iyon dahil yun yung babaeng humatak sa kanya at dinampot na parang wala syang kabigat-bigat.
"Second-in-command bakit ano nangyari?" Sabay binuhat ni Miekha ang batang babae na patuloy sa pag iyak.
Lumapit naman si Clavé at hinawakan ang neckline ng damit na suot ni Brendant bago ito nagtanong. "Anong ginawa mo sa second-in-command namin?"
"Relax! Pinagsabihan ko lang sya na di maganda yung ginawa nyang pag guhit sa mukha ko" bahagyang naka-angat pa ang kamay nito para ipahiwatig na hindi sya lalaban.
Inangat naman ni Clavé at halos nasakal na si Brendant at nagbara na ang hingahan nya kaya pilit nyang inaalis ang pagkakahawak ni Clavé sa neckline ng damit nya. Ngunit sadyang napakalaks nito at di nya mapigilan ito.
" Gising na pala ang taga Earth-- at Clavé pwede mo ba syang bitawan baka mamatay yan "
Nagsilingon naman ang lahat at binitawan naman ni Clavé si Brendant at bumagsak ito sa sahig, at tumakbo naman palapit sa nagsalita si second-in-command at maluha luha pa ito.
"Naku pasensya kana taga Earth sa kapilyuhan ng aking second-in-command" habang napakamot ito sa sa batok nya, at napansin din ni kapitan Sulturian ang mga marka sa mukha ni Brendant.
"Masanay kana dahil lahat kami ay naging biktima nya" dugtong pa nito at saka lumapit kay Brendant na habol na habol sa kanyang hininga.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasyHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA