CHAPTER 6
THE WARRIOR OF JUSTICE AND VALOR
Habang nakatayo at pinagmamasdan ni Juros si Brendant na nakahandusay, ay bigla itong gumalaw.
"Nagawa nya na kaya ang pakikipag kontrata sa kanyang Maté?" Sambit nya sa kanyang sarili.
"Isa sa mga kailangan para makamit iyon ay ilagay sa bingit ng kamatayan ang user nito kapag sa mabilisang proseso. Dahil pag namatay ang user mawawalan ng tirahan ang Maté at mamamatay din kapag di ito nakahanap ng karapat-dapat na user nya" dugtong pa niya.
Nagulat si Juros at si Jezul dahil mabilisang tumayo si Brendant at nawala ang mga galos nito, at unti-unti lumalabas ang liwanag sa kanyang katawan.
"Contract of the warrior of justice and valor!!!" sigaw ni Brendant at nagkaroon ng isang diagram sa taas niya at dahan dahan itong bumababa sa kanya.
"Ignion!!!" Sambit ni Brendant at umilaw ang markang nasa leeg nya at napalitan ng imahe ni Ignion.
"Ang Ignion star ng katarungan, hustisya, at katapangan, na nasa ilalim ng konstera Zuantholibra(the bear wielding the libra of truth)" sambit ng isang lalakeng nakamaskara at nakamasid mula sa puno ng Pandago, at biglang nawala ito.
Napatingin si Jezul sa direksyon ng Pandago dahil parang may nararamdaman sya na kanina pang nakamasid sa kanila.
Nababalutan si Brendant ng enerhiya nang magsalita si Ignion "Sige subukan mo kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng hustisya at katarungan"
"The fist of justice and valor" sigaw ni Brendant bumuwelo sya matapos ay itinutok niya ang kamao nya sa kaharap nyang si Juros, at isang liwanag ang lumabas galing sa kamao ni Brendant.
"Prizektuz"marahang sambit ni Juros, at nakagawa sya ng isang energy shield. Pero sa lakas ng pinakawalan ni Brendant na tira galing sa kanyang Maté ay ramdam nya ang pagyanig at pressure ng kapangyarihan na iyon.
Hingal na hingal si Brendant matapos ng tirang iyon.
"Magaling o sya mag pahinga na muna tayo, at bukas mag sasanay tayo muli" utos ni Jezul.
"Magaling Brendant" at ngumiti naman si Juros kay Brendant, matapos ay mabilis na lumapit ito at sinalo si Brendant dahil nawalan ito ng malay.
"Ganyan karin noong natutunan mo ang iyong Maté" wika ni Jezul.
"Kahit sino naman" ngumiti si Juros matapos ay pinasan nya si Brendant sa kanyang balikat.
Minulat ni Brendant ang kanyang mga mata at nasumpungan nya na nasa bukal na sya na kanina ay walang laman, pero ngayon ay meron na.
"Kamusta?" bati ni Jezul sabay inakbayan sya nito.
"Medyo nanghihina pa ako" mahinang tugon ni Brendant.
" Ano ba ang nangyari?" Dugtong niya.
"Nawalan ka ng malay maraming Sinerg ang nawala sayo" sagot ni Juros na naroon din.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasyHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA