CHAPTER 5

56 17 9
                                    

CHAPTER 5

TRAINING DAY PART 1


Habang nasa Puerto sila Clavé, Miekha,at second-in-command Moyaj ay nag paalam na sina Jezul at Brendant.

"Oh paano mga binibini hanggang sa muli, ibabalik ko ang taga pag handa na siya"  wika ni Jezul at hinalikan pa nito ang kamay ni Miekha, at Clavé.

Iminuwestra naman ni second-in-command Moyaj ang kanyang kamay para halikan ni Jezul.

"Lala hindi kapa ganap na binibini" pero inabot ni Jezul ang kamay ni second-in-command Moyaj at dinampian ng palad nya.

" Hay Jezul kailan naman ako magiging ganap na binibini sa paningin mo?" Bakas sa mukha ni second-in-command Moyaj ang pagkadismaya, habang sinasabi niya iyon.

"Sa tamang panahon" nakangiting sagot ni Jezul.

"Sige Ginoong Jezul hanggang sa muli" paalam ni Miekha, at tumango naman sa kanya si Jezul.

"Pwede nyo din akong tawaging baliw kagaya ng iba" biro nito, at nagkatawanan naman sila.

Matapos ihatid ni Jezul at Brendant ay dumeretcho na sila sa isang lugar na kanilang pag sasanay na malapit sa kweba na tinitirhan ni Jezul.

"Handa kana ba taga Earth?"

"Alam kong nakapasok kana din sa sekretong silid ni master Gernanth. Kaya pamilyar ka doon sa bukal na iyon."  sabay turo ni Jezul sa tuyong bukal na nasa gilid ng kweba na tinitirhan nya.

"Oo ginoong Jezul, kaso wala namang laman yan" pagtatama ni Brendant.

"Mamaya mag kakaroon yan pagkatapos natin mag sanay." Wika ni Jezul.

"Sige atakehin moko at gamitin mo ang natutunan mo sa dalawang iyon" utos ni Jezul.

"Pero p-pano mo nalaman ang tungkol doon?" Tanong ni Brendant.

"Dahil kay master Gernanth dumaan sya dito bago kayo makarating dito, kaso di naman nya ako inabisuhan na ako ang magtutuloy nito."

"Ramdam ko na may hindi magandang nagaganap sa Ler."  dugtong pa niya

"Sige na taga Earth gamitin mona ang natutunan mo." Utos ni Jezul

"Wag ka mag alala taga Earth tayong dalawa lang ang nandito, at sinilyado ko ang lugar na ito para walang  mapinsala." Dugtong pa nito.

"Sugod na taga Earth" utos muli ni Jezul.

Hindi alam ni Brendant ang gagawin bigla siya dinalaw ng pagkalito, at ng masumpungan ni Jezul ang pagkalito at pagdadalawang isip, ay sinugod nya ito.

Mabilis namang nagbalik si Brendant sa kanyang ulirat ng malapit ng lumapat ang kamao ni Jezul sa mukha nya, kaya nasalag nya ito, pero may sipa pa itong kasunod at mabilis naman nasangga ni Brendant ng kanang braso nya ang sipa na iyon.

"Magaling ang ensayo niya sa close quarter combat, pero may hindi pa ako nakikita na nakita ko kay Gaspen noon."  Sambit ni Jezul sa kanyang sarili.

"Property of Distraction: blue Cannon" sambit ni Jezul at mula sa palad nya na nakatutok kay Brendant ay may lumabas na isang diagram at mula doon ay may lumabas na isang azul na enerhiya.

SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon