CHAPTER 11

37 14 0
                                    

CHAPTER 11

Mabilis nakarating sila Miekha, Clavé at Brendant, at mabilis din silang nakapasok sa loob ng kaharian ng Ler. Ngunit bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat dahil parang dinaanan ng matindig kalamidad ang lugar na pinagpasukan nila. Hindi naman nakasama si Lala sa kanila pabalik dahil bumukod ito sa kanila, dahil importante daw ang pupuntahan nito.

Matiim nilang sinuri muli ang paligid ng west gate ng palasyon ng Ler. Hindi nila inaakala na muling magkakaroon ng ganitong pangyayari.

"Grabe ang pinsala dito sa west gate ng kaharian ng Ler." wika ni Miekha at pinalibot pa nito ulit ang kanyang mga mata.

"Nararamdaman ko na may nag lalaban sa parteng iyon" tinuro ni Brendant ang nasa timog-silangan mula kung nasan siya nakatayo.

Nagulat naman ang dalawa dahil walang kahirap hirap nitong naramdaman ang presensya at lokasyon ng dalawang nag lalaban na kapitan na sina Braun at Collana.

"Hindi man lang sya makatama sa kalaban nya." dugtong pa nito.

"P-paano mo nalaman eh wala ka naman doon???" Sambit ni Clavé.

"Naririnig ko, nararamdaman ko iyon, kundi ako nag kakamali isang babae at isang lalake iyon" maiksing sagot ni Brendant.

Biglang may malakas na pag sabog ang nangyari sa lugar na itinuro ni Brendant, kaya naman labis na pagka-gulat at may pagka mangha ang gumuhit sa mukha nila Miekha at Clavé.

"Tara na Brendant" yakag nila Miekha at Clavé.

Habang tumatakbo at patalon-talon  sila sa ibabaw ng mga gusali ay itinuro ni Miekha ang lugar kung saan makikita ang tore, at bigla silang naalarma ng may naramdaman silang presensya na palapit sa kanila kaya sinabi ni Miekha na bilisan pa nila.

Napakabilis ng pangyayari dahil may humarang agad agad sa kanila kilala nila ito, at pamilyar din ito kay Brendant. Ang taong kaharap nya ay ang tao na halos sirain ang ribcage nya.

"Bazel" mahinang sambit ni Brendant.

Napatingin si Brendant ng napasinghap sila Miekha at Clavé, ngunit nag tataka sya dahil mabilis itong nawala.

"Wag ka mag alala taga Earth si Hudon na ang bahala sa kanila" prenteng sambit nito at dahan dahan pa itong lumapit kay Brendant.

Hinanda naman ni Brendant ang kanyang sarili sa maaring pag atake nito.

"Balita ko sinasanay ka daw ni Gernanth-- pero wala akong maramdaman na kahit na ano sayo" sarkastikong sambit nito.

"Madali nalang kitang madadala sa supreme guardian" sambit ni Bazel at mabilis syang nawala para atakihin si Brendant.

Ngunit gumuhit ang pagkagulat nito nang lumihad lang si Brendant ng kaonti sa sipa na ginawa ni Bazel. Ngunit hindi sya nag patinag kaya naman ay nagpaulan siya ng mabibilis na sipa,at suntok, pero iniilagan naman ni Brendant yon ng hindi man lang gumagalaw sa kanyang pwesto.

"Property of destruction: The Grand press"  matapos sambitin ni Bazel iyon ay may mabilis na lumabas na kulay asul na enerhiya at pababa ito sa pwesto ni Brendant.

Isang malakas na pag sabog ang nangyari at unti unting nawawala na ang usok na dulot ng pagsabog, ngunit nakatayo parin si Bazel dahil pinapakiramdaman nya pa si Brendant.

Nawala na ang usok at laking gulat ni Bazel dahil hindi man lang inilagan ni Brendant ang ginawa nyang atake.

"P-paanong?" tanong ni Bazel sa kanyang sarili.

SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon