Bago ko simulan ang chapter 1 gusto ko Lang pasalamatan si rheahime sa support nya. Actually last year pa ito salamat friend.
CHAPTER 1
THE SEED OF SENTINEL
EARTH
Sumilay narin sa wakas ang haring araw matapos ng malakas na bagyo. Bagong liwanag na galing sa sikat ng araw. Bagong buhay para sa mga mamamayan na ang kinabubuhay ay pagsasaka.
"Tay paano kaya natin mababawi yung hirap at pagod natin sa pag tatanim dahil sa pinsala na dulot ng malakas na bagyo" nanlulumong tanong ni Brendant sa kanyang ama.
"Anak ganyan talaga ang buhay, dapat talaga nakahanda ka sa lahat ng mga bagay na alam mong dumarating, at tanggapin naman ang hindi inaasahan mong darating" sagot naman ng ama nito.
"Mabuti nalang may naitabi ako na pang bili ng binhi, at magsimula tayo ulit sa pag huhukay bukas para makapag tanim." dugtong pa nito.
"Oh kayong dalawa kumain na kayo" sigaw ng ina ni Brendant.
Akmang lalakad na sila paalis ng kanilang palayan ng bigla lumakas ang hangin at dumilim ang paligid, at nagliwanag ang kalangitan dahil sa liwanag na galing sa kulog.
Unti unting nagbubukas ang isang portal sa kalangitan at mas lalong lumalakas ang hangin, kaya naman madaling nag-alisan ang mga taong nasa kani-kanilang palayan, ganun din ang mag amang si Brendant at Brent.
Biglang may dalawang kidlat ang tumama sa mismong harapan ni Brendant at ng kanyang ama. Halos gulat na gulat si Brendant dahil sa dalawang kidlat na iyon.
Matapos ng kidlat ay dalawang babae ang nasa harapan ni Brendant at halos ka edaran nya ito.
Lahat naman ng kalalakihan na naroon ay lumuwa ang mga mata, at pinag babatukan ng kani kanilang mga asawa, habang nakatulala lang si Brendant dahil sa suot ng mga ito na halos pinapakita na ang kapirasong pisngi ng kanilang dibdib.
"Siya nga iyon fourth-in-command, yung taga Earth na sinasabi ni kapitan Sulturian" pagkukumpirma ni Miekha sa kasama nyang si Clavé.
Tumango lang si Clave at nilapitan si Brendant at hinawakan sa damit at hinatak.
"Ikaw sumama ka samin, kailangan ka namin" Hindi na nya hinintay ang sagot ni Brendant, at walang pakundangang hinatak ito ng tuluyan.
"Teka babae saan nyo dadalhin ang anak ko?" Tanong ng ina nito habang mabilis siyang naglalakad papalapit dito.
"Ibabalik din namin sya." Sagot ni Miekha
"Mga alien ba kayo" tanong ng isa sa mga taong nasa palayan.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasyHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA