CHAPTER 7
Dedicate spongebob_8117
THE START OF A NEW REBELLION?
Habang nasa loob ng commanding office sila Gernanth, Miekha, Clavé at Lala, ay tumikhim muna si Gernanth bago sya mag salita ukol sa pag atake sa kanila.
"Ito ang rason bakit inatake tayo ng kapwa natin guardians" paumpisa ni Gernanth at sumenyas kay Miekha na mag timpla muna ng kape.
Matapos magtimpla ni Miekha ng kape ay naupo na ito at hinanda ang sarili para makinig sa sasabihin ni Gernanth.
"Makinig kayo, ilang araw na ang nakakalipas ng nag karoon ng pag pupulong and seven royal guardians at ang supreme royal guardians, ay napag desisyunan na patayin si Brendant dahil may masamang dugo ang nananalaytay sa kanyang Sinerg stream." mahabang paliwanag ni Gernanth.
"Kaya ba dinala mo si Brendant sa Osmon hindi lang para sanayin kundi para nadin maprotektahan sya habang nagsasanay." Sambit ni Clavé.
"Magaling magaling Clavé" at mahinang pumalakpak si Gernanth.
" Pero bakit sa taong iyon?" Tanong ni Miekha.
"Para di na tayo mahirapan, di sya maari manatili sa silid ng pinagsasanayan nya. Dahil alam ko na hahanapin nila si Brendant kahit na pigilan natin sila." Sabay higop ni Gernanth ng kape.
"Pangalawa. Takot sila na pumunta sa lugar ni Jezul, dahil pili lang ang nakakapasok doon." Dagdag pa nito.
"Kahit ang six supreme royal guardians ay takot sa taong iyon?" gulat na gulat na tanong ni Miekha.
"Miekha siguro kung nabubuhay ka sa panahon namin nila Jezul, Braun, Edour, at Juros. Malamang makikita mo kung gaano kabangis at kalakas si Jezul." napangiti nyang wika, dahil naalala nya nanaman ang panahon na iyon.
Hindi mawari nila Miekha at Clavé na si Jezul ang dinidipina ni Gernanth na isang mabangis at malakas, dahil mukhang mahiyain ito.
"Teka bakit master ang tawag ni Jezul sayo?" Tanong ni Miekha.
"Mahabang kwento" sabay napatawa si Gernanth pag naalala nya noong bago pa lang sya sa serbisyo.
"Kapitan pwede ba magkwento kayo tungkol kay supereme royal guardian Graxia. Gusto ko kasi maging katulad nya." Pakiusap ni Miekha.
Biglang may sumipa ng pintuan nila at nakita nila ay dalawang lalake na pamilyar sa kanila nakasuot ng Sendar at sa kapa nila ay may letra at numero ng mondexo-galethian na ang ibig sabihin ay 2nd division at 8th division.
"Nako ayan na ang dalawang payaso" wika ni Gernanth.
"Kamusta mga tropapips" bati ni Edour na kapitan ng ika-walong dibisyon.
Kumaway naman si Gernanth at ang kanyang mga opisyal.
"Nakarating na saamin ang balita" panimula ni Braun na kapitan ng ikalawang dibisyon.
" Oo nga tropapips nasabi nasa amin ni Graxia" Sabat ni Edour.
"Oo at nag sisimula na sila na umatake sa aming dibisyon" wika ni Gernanth at humigop ulit ng kape.
Sandaling natigilan ang lahat, pero mabilis na binasag ni Braun iyon.
" Maiba ako ano na ang plano natin?" Sambit ni Braun.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasyHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA