CHAPTER 10
WHAT ARE YOU GERNANTH?
Naagaw naman ang lahat ng atensyon nang mga naroon dahil sa nagsalita. At bigla naman ito agad nagpakita.
"Ginoo at binibini magsitabi muna kayo" wika ni Gernanth.
Hindi na nakipagtalo si Yayo at umalis na dahil alam nyang mag kakaroon ng isang matinding sagupaan sa pagitan ng captain level na guardians, habang si Vhi-en naman ay nakatitig parin kay Gernanth at halos manlambot ang kanyang mga tuhod.
"Binibini may problema ba?" sabay nagtapon ito nang tingin kay Vhi-en, at lumapit pa ito.
Mas lalong hindi nakagalaw si Vhi-en at wala na syang ibang nakikita kundi ang mukha ni Gernanth.
"A-anong gagawin ko halos nasa harap ko na sya" sambit ni Vhi-en sa sarili nya.
"Hoy sistah gumising ka sa kahibangan nayan!!!" isang boses ang narinig ni Vhi-en kaya naman bumalik ito sa kanyang ulirat.
"Umalis ka dyan Vhi-en--" dugtong pa nito.
" -- at ikaw Gernanth tigilan mo ang mga kapatid ko" bulalas nito.
"Wala naman akong ginagawa sa kanya kapitana Ortsac tinatanong ko lang kung may problema ba sya." sabay dampi ng palad nya sa noo ni Vhi-en para malaman kung may sakit ito.
Sa sobrang pagkalito at lakas ng kabog ng dibdib ni Vhi-en ay mabilis syang lumayo kay Gernanth at pumunta sa tabi kung nasan ang ibang pa, at labis na ikinataka naman iyon ni Gernanth.
"Rahiga, Kei, at Gloreta tumabi na muna kayo" marahang wika ni Andreux, at sumunod naman ang mga ito.
"Kailangan pa ba natin syang labanan?" tanong ni Anajo.
"Pinilit lang naman ako ni Aria" sambit ni Andreux, at napapailing pa ito.
Napansin naman ni Andreux ang galos sa pisngi ni Anajo. "Ano yan napalaban ka ba?"
"Sana oo. Kaso buwisit na Edour.. ayun di ako nakaporma, dahil nang lumitaw ako eh tinamaan ako nang paghawi nya at nagising nalang ako nang maramdaman ko ang pwersa mo kaya sinundan ko iyon." paliwanag ni Anajo.
Naghanda naman sila sa pag atake kaya naman napatikhim ang mga nasa gilid na waring may inaabangan na eksena sa isang palabas.
"Seryoso kayo na lalabanan nyo ako?" bakas sa mukha ni Gernanth ang pagkagulat.
"Oo at kasama ako." Biglang lumitaw si Aria, kaya naman napatingin ang lahat.
" A-ang commander-in-chief ng buong guardian force ng Ler." mahinang sambit ng mga naroon.
"Si Aria Covalt" sabay sabay pa nilang sambit.
" Hi Fans" wika ni Aria at naka peace sign pa.
Nagulat naman ang mga nasa gilid na iyon dahil sa kinilos ni Aria.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasyHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA