hi! eto na ang update ko. :) sana magustuhan niyo.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Kathryn's POV
hayyyy. sa apartment na ko nakastay ngayon/
"Kathryyyyyn! gising na at may bisita ka" huh? bisita ke aga aga? hilo lang?
"sino daw? inaantok pa ko eh!"
"Eh boypren mo daw? ayun binubulabog kami" ah boyf-BOYFRIEND KO DAW? SINO KAYA? bigla kong naalala. ah putek. yung deal nga pala.
"oo susunod na ko maliligo lang ako"
"aba bilisan mo gaga" hulaan ko si aela 'to. naman hahaha
hay naman yong lalaking yon! tapos na ako maligo hahaha dami kong iniisip eh. kung anong reaksyon nung 4. hay makapatoothbrush na nga!
pagkatapos ko magtoothbrush ay bumaba na ako. andun na pala si Daniel sa dining, kasama yung apat. nakabusangot.
"oh bakit kayo nakabusangot?"
"eh yang 'boyfriend' mo eh! kanina pa kami kinukulit. amp dito pa kumain" sabay pout ni ian. haha kaya pala asar yan eh. alam nga pala nila yung about sa deal.
"ayan ka na pala eh tara na alis na tayo" si monster.
"teka kakain pa ko"
"wag na tara drive thru nalang tayo sa mcdo"
bigla namang nagsi epalan 'tong mga kaibigan ko haha.
"wow rich kid" Cha
"bongga" ian
"mcdo for breakfast wow hiya naman kame" sabel
"osiya alis na" aela haha grabe to!
"talaga!" monster atat umalis. ayun hinigit na ko
(sa kotse)
"bakit ka ba nagmamadali ha? kita mong kakain pa ko eh!"
"eh kasi maaga pumasok yun si Liza sa school, kaya kailangan maaga din tayo doon!"
"aish." yan nalang nasabi ko
habang nasa byahe. inantok ako, ayon nakatulog ako.
Daniel's POV
naks may POV din ako hahaha jk. talaga naman 'to si Kath! natulog pa eh. magddrive thru nga kami sa mcdo, di ko tuloy alam ioorder ko dito.
"hi sir, may I take your order?" aish. ano kayang gusto nito ni kath. hmm sige na nga
"pancakes na 2 pcs. then coke tsaka fries. yun lang"
"sir you may now proceed to counter 2"
andito na ko sa counter two yung ibibigay na yung bayad. hala yung babae ayaw pa tanggapin, nakatitig pa sa gwapo kong mukha. hay nako. gwapo ko naman. ayun buti kinuha din. nung nasa counter 3 na kinuha ko agad yung pagkain baka magtitigan session nanaman yung babae eh.
pagdating namin sa school, gigisingin ko na dapat si Kathryn. biglang napansin ko.. ang ganda niya pala talaga. ganda ng mata, tangos ng ilong, mala anghel ang mukha. kaya di imposibleng madami ang mahulog sakanya kahit ak- teka ano ba 'tong pinagsasasabi ko? hindi pwede 'to! ginagamit ko lang siya para mapagselos si Liza, at yun lang yon! hay nako.
