hi. special chapter ni Aela at Lester hihi.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Aela's POV
"will you be my girlfriend?"
"yes!"
"thank you Kat! I love you!"
"I love you too JC!"
ayan ang kasalukuyang nagaganap ngayon. ang pagsagot ni Kat kay JC. kala niyo ako no? hahaha. pero naalala ko yung scene na yan eh. ganyan din ginawa ni Lester nung niligawan niya ko at sinagot ko siya. haha gulat kayo no? yes. naging kami ni Lester, dati nung summer matagal tagal din kaso yun nga. nagbreak din kami kasi akala namin di na namin makikita yung isa't isa. gulat ko nga nung nagkita kami sa school eh. parang bumabalik yung feelings ko pero hindi dapat! ugh help me.
"huy Aela! okay ka lang?" bungad ni Kath
"bakit ka tulala diyan?" sabi naman ni Bel
"tapos na sagutan oy" sabi ni Cha
andun pala si Kat. kasama si JC at aalis daw kasi sila. magddate. psh kabitter. hahaha. so ayun gabi na kasi. kaya paguwi namin nagbihis ako at natulog na.
Lester's POV
gulat kayo no? naging kami pala ni Aela. yes, akala kasi namin di na ulit kami magkikita. eh alam ko namang hindi nagana ang ldr most of the time. kaya we decided na wag nalang ituloy. then nagulat ako nung same school kami. then may spark pa din eh. alam ko na mahal ko parin siya. tae makauwi na nga. pagkauwi ko kumain lang ako ng burger na gawa ni mama then nagpalit na ko ng damit at natulog.
pagkagising ko ay agad akong naligo at kumain dahil may plano ako ngayon. bumili ako ng flowers. sasabihin ko na nga sainyo. yes liligawan ko si Aela. mamaya =)) dahil sure na ako sa nararamdaman ko. pagdating ko sa school pumunta ako sa teacher namin sa last subject buti pumayag siya sa plano ko.so ayun inintay ko until lunch break para maligawan siya. and sht eto na last subject na. ugh lester bakla ka ba ha? lakasan mo loob mo! eto na, pagpasok niya nagsitahimikan ang mga tao at tumingin sakin. So eto na unti unti nakong lumapit kay aela.
Aela's POV
Ano meron? Lumalakad sakin si lester palapit at may hawak na bulaklak. Nung malapit na siya sakin bigla siyang lumuhod at sinabing..
"Aela, pwede ba kitang ligawan?" Hala? Joke ba to? Asan yung hidden camera?
"H-huh?" Yun nalang nasabi ko. nagulat kasi ako. May past nga kami les diba? Pero naisip ko rin.. Bigyan ko kaya siya second chance?
"Pwede ba kitang ligawan?" Nakatingin parin siya sa mata ko. Kitang kita ko ang sincerity niya.. Napagdesisyonan ko na sagot ko.
"Sige :)" oo, pumayag ako. Obvious ba? Hahah joke. Naisip ko kasi ligaw lang naman diba? And why can't I give him another chance? Eh halata namang may feelings parin kami sa isa't isa.
So after nung "ligawan session" na yun, umuwi na kami. Hinatid niya ako. Sabi ko nga wag na eh, eh namilit. Nililigawan daw niya ko eh. Eh di sige bahala siya. Haha.
"3 weeks later"
Lester's POV
3 weeks ko nang nililigawan si aela. May balak kaya ko sagutin nito? Aish. Erase erase. Patience is a virtue nga diba? Tiwala lang. Think positive :)
"Hi aela!" Bati ko sa girlfr- este seatmate ko pala.
"Hi les!" Aba, mukang good mood to ngayon ah. Bakit kaya? Ah bahala na. Di ko napansin nagsasalita na pala si ma'am.
"Class, we have a game today. You will write something about your seatmate on a piece paper. I will give you 2 mins. To think about your answer. Start now."
Seatmate? Edi si aela? Ano kaya isusulat ko para sakanya? Hmm. Ah alam ko na!
"Time's up! give it to your seatmate now." Ano kaya sinulat sakin ni aela? Kinakabahan ako.
"Yes, For the second time :)" yan ang nakasulat sa papel. Yes? Para san? Anong second time? Ang gulo.
"Aela ano ibig sabihin nung yes?"
"Les, sinasagot na kita. Ano ba"
Teka. Ano daw? Sinasagot na niya ko? Totoo ba tong naririnig ko?
"Ha? Pwede pakiulit?"
"SINASAGOT NA KITA LESTER GIRI!"
Napatingin samin dalawa buong klase. Pero la ko pakielam. Sinagot na ko ng babaeng mahal ko. Ano pa bang hihilingin ko?
"THANK YOU AELA MONTES! DI MO PAGSISIHANG SINAGOT MO KO! WOOO THANK YOU LORD!" Di ko na napigilan saya ko. Kinarga ko siya at inikot. Ang saya ko talaga grabe na to!!
"Aba dapat lang no!" Sabi sakin ni aela. Haha kaya siguro to good mood kaninang umaga. Sasagutin na niya kasi ako. Feeler ba masyado? Hahah yaan niyo na, masaya eh :)
Buong araw magkasama lang kami kahit nung recess at lunch. Tas nung uwian, hinatid ko na siya. First day palang namin together, ang saya saya na. Pano pa kaya sa mga susunod? Haay.
Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung ano sinulat ko, eto yun:
"I'm inlove with you Aela Montes, for the second time around."
