GBGB 18

305 6 0
                                    

Chapter 18 Enjoy =)))

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn’s POV

Oa nila ko ayusan eh. Parang party lang naman, kailangan ba mag-paganda ako ng bongga? Tsk. Mapapatay ako ni Dj neto.

“Bel! Paabot nung hairspray, bilis!!” sigaw ni Bel kay Ian

“Oo! Teka! Wag mo kong sigawan!” sigaw pabalik ni Ian at inabot kay Bel ang curling iron. Ni-curl naman ni Bel ang buhok ko. Si Cha? Kausap si Seth sa baba, inaayos yata yung misunderstanding nila kanina. Si Aela naman, inaayos yung accessories ko para mamaya, di ko pa nga nakikita eh. Nasa labas kasi siya. Si Ian, siya nagm-make-up sakin. At si Bel, obviously, siya sa hair ko.

“Tapos na ko, Ian! Matagal pa ba iyan?” iritadong tanong ni Bel

“Saglit nalang ito.” Mahinahong sagot ni Ian

“Sige. Tawagin ko na sina Cha.” At nag-nod nalang si Ian.

Pumasok sina Cha, tapos na hair and make-up ko, naks. Dala dala ni Cha damit ko.

“Tadaaaa!” Kulay mint green yung top tas may yellow skirt tas blue-green stilettos. Maganda naman ang fashion sense ni Cha kaya’t di na ko nakipag-talo.

“Suotin mo na!” sabi ni Aela. At sinunod ko naman ang sinabi niya. Ang ganda ko. Haha! Joke pero nagmukha akong tao.

“Shet, Chicks!”

“Witwew”

“Gandersss”

“Ikaw na dyosa”

Ang mga sari saring pagpupuri nila sakin.

“Loka. Tara na?” aya ko sakanila at umalis na kami.

***************

Nakarating kami sa isang restaurant at kumain muna upang di kami antukin mamaya. Nung tapos na kami at laha’t lahat.

“Guys, wag nalang tayo mag-party. Boring, dun nalang muna tayo tumambay kina Kath.” Hala?

“Loka loka kayo! Nag-effort kayo na ayusan ako tas ganun?” grabe naman kasi.

“Okay lang yan. Tara na uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo.” May magagawa pa ba ako?

*********

“Girl, una ka na, aayusin lang naming tong kotse, i-ready mo na movies and don’t forget popcorn!” yep, napagdesisyunan naming mag-movie marathon nalang.

“Eh? Osige, sunod kayo ha.” At pumasok na ko sa loob, patay nga yung ilaw eh. Pagka-on ko may nakita akong papel na nasa gilid neto.

Hey, babe. Follow this post-its for you to know the surprise. There’s no turning back, you just have to follow kung ano mang iuutos ng post-its, four lang yan. Don’t worry.

Who might be this person? I tried to go outside para itanong kina Aela kung kilala ba nila ito pero hindi ko mabuksan, parang may ayaw magpalabas sakin, oh well. Nakita ko ulit ang isang note na nasa kabilang side ng switch.

Hey babe, Number four ka ba? Kasi FOURever is not enough para ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal. Go to the kitchen, love you!

Now I know who this is. Shit, naiiyak ako. I followed what the note said and pumunta na sa kitchen, tas mayroon doong bouquet ng flowers.. and another post-it note.

You know what? Ang bastos mo! Ano bang problema mo?

Di ko na-gets to, bakit siya biglang nagalit? ay meron pa pala.

Continuation in the back part at binaliktad ko iyon.

..At bigla bigla kang pumapasok sa isip ko? Go to the living room, honey.

And again, sinunod ko ang sinabi niya, pumunta ako sa living room with the flowers that he gave. And then may bear sa sofa, with a note.

Babe, anong sabi ng Cow sa kotse? Edi Beef-beef! Eh ano naman ang sabi ko sayo? Edi mahal kita. Last post-it note on your bedroom.

Mamamatay na yata ako sa kilig. Last post-it, pumunta na ako sa bedroom ko then I saw my bed was full of petals of roses. Then a box na maliit tas nung binuksan ko, may note.

Si Willie ka ba? Willie-you marry me?

And then I broke down.. someone hugged me from behind.

“..Dj” sabi ko then nag-speech siya.

“Hi babe. Ang tagal na natin no? I’m very lucky to know that you love me. Pangit na umpisa ang made-describe mo sa unang meeting natin but I know I will have a beautiful ending with you. Ms. Kathryn Bernardo, I am asking you to spend your forever with me, under all circumstances we will be at each other’s back. So..” then he knelt down

“Will you be my wife?” Argh. Alam niyo kung ano mas nakakaiyak? Lahat ng mga kaibigan ko, at kapamilya ko, lumabas sa pinagtataguan nila at may hawak na banner na will you marry me?

“Yes Dj, yes.” Napaluha na ko sa tuwa, nakarinig ako ng mga kantyaw o jokes galing sa mga tao dito. Binuhat ako ni Dj.

“Thank you, Kath! I’m the happiest man alive right now!” Sigaw niya.

“I’m also the happiest lady right now, Dj.” Then we stared in each other’s faces habang papalapit.. ng papalapit.. ng papalapit. Then we kissed at puro hiyawan naman ang narinig ko. Pero isa lang ang nasa isip ko.

              Soon.. I’m going to be the bad boy’s wife.

---------------------------------------------------------------------------

Yieee. nag-enjoy ba kayo? =))))) Comment, vote and be a fan kung pwede :)

Cha-inwonderland

 

 

 

Good Boy, Gone Bad. (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon