Kathryn’s POV
“Ba’t ba ang cold mo?” unli ka koya? Sinagot ko na ‘to kanina ah.
“Sinagot ko na yan kanina di ba? Unli ka ba?”
“Alam kong sinagot mo na kanina, pero hindi pa sapat yung sagot mo.”
“Bakit? Anong gusto mong sabihin ko?”
“Yung totoo, Kath. Gusto ko sabihin mo sakin yung totoo.” Alam kong wala rin namang mangyayare kapag nagsinungaling ako, edi sabihin ko nalang yung totoo, di ba? Eto na. wooh kaya mo yan Kath!
“Ayoko na Daniel, di ko na kaya magpanggap.”
“Anong ayaw mo na? anong hindi mo kaya sa pag-papanggap?”
“Yun na nga eh! Di ko na kaya mag-panggap kasi m..”
“ano?” ayoko. Di ko pala kaya umamin ngayon. Di pa ‘to ang tamang oras.
“kasi tinatamad na ko, gusto ko na maging malaya.”
“Sige. Huling week na pag-papanggap na ito.” Weh? Siya? Pumayag? Salamat naman.
“Osige. Pwede ka na bang umalis? May pasok na bukas.”
“Ge. Bye” cold na pagkakasabi niya sa akin.
Pagkatapos nun ay umalis na siya, ni-lock ko na ang pinto, pumasok sa kwarto ko at nagpag-isip ko na siguro, pagkatapos ng pagpapanggap na ito, magkakaroon na ko ng oras para lumayo sakaniya, oras para mawala ang feelings ko para sakaniya. Kasi pag magkasama kami mas lalong lumalala feelings ko sakaniya, ayoko nun. Makatulog na nga, at may pasok pa ko bukas.
*kring kring* (A/n: alarm yan ha. HAHAHA.)
agh. Ayoko pa bumangoooon. Nakakatamad pumasok grabe. Pero kailangan kaya babangon na ko. Pagkabangon ko, diretso banyo na ko at naligo, nagbihis, nagtoothbrush etc. pagkatapos ko, bumaba na ko at yung apat andun na sa lamesa ready na kumain.
“Kain na! kayo nalang ni Cha iniintay eh” sabi ni Ian. Yan kasi pinaka-maaga gumising samin.
“Asan ba si Cha?” tanong ko.
“Magtataka ka pa ba?” sabi naman ni Aela, pangalawang maaga gumising samin.
“Oo nga pala. Lagi naman yung huli sating lahat eh” Onga pala, nakalimutan ko bagal nga pala gumising yung babaeng yun.
“Rinig ko yon oy!” speaking of. Kakababa palang ni cha, halatang nagmamadali.
“totoo naman eh.” Ian.
“Che! Tara na nga’t kumain, gutomers na ko.” Cha.
At kumain na kami, pagkakakain naming lahat, umalis na kami. Saglit lang naman ang pag-punta sa school kaya’t nakarating kaagad kami ng hindi nal-late. Flag ceremony nga pala ngayon!
“mga babaita, flag ceremony pala ngayon?” sabi ko, pusta nakalimutan rin ng mga to.
“ay tae. Oo nga no! tara na punta na tayo sa pila bago mahuli ni ma’am!” sabi ni Bel,sabi na eh. HAHAHA. Agad kaming tumakbo papunta sa pila ng section namin, pagkapila naming ay chinika sila ng mga boylet nila. Anyare sakin? Iyak na. joke kinausap din ako ni Daniel.
“Babe.” Shet. Yung puso ko, mamamatay na ko joke. Bumilis yung tibok. Dug dug dug.
“Yo.” Yan lamang ang nasabi ko.
“We need to talk later.”
Bigla naman akong kinabahan dun, talk later? Ano kayang ibig sabihin niya dun?
------------------------------------------
dun dun dun dun! pabitin ulet hahahaha. may sasabihin po ako, malapit ko na pong tapusin itong gbgb. huhu wait punas muna ako ng luha. jk hahahaha ayun, di pa naman pero malapit na :---) Comment, vote. salamuch :*
![](https://img.wattpad.com/cover/10133574-288-k920164.jpg)