Kathryn's POV
*Kring kring*
Tunog yan ng alarm ko. Babangon na sana ako pero ansakit ng mata ko, siguro kakaiyak kahapon. Ayoko pumasok! :--( pero kailangan. tsk. hirap naman oh. bumangon na ako, ginawa ang rituals ko tuwing umaga at bumaba, naabutan ko yung apat.
"Uy himala! Naunahan ako ni Cha."
"Magbabagong buhay na ko. HAHA loko lang"
"Gaga. Oh siya, kain na?"
tumango sila. tas habang nakain kami, nakatitig lang sila sakin. May mali ba?
"Uy okay lang kayo?"
"Hindi, kasi alam naming hindi ka okay." sabi ni Ian. aww dahil sakin hindi sila okay.
"Okay lang naman ako eh"
"Wag ka ng magsinungaling, mugto nga yang mata mo eh" sabi ni Bel. nagulat ako. hala! namumugto pala mata ko.
"Nakagat lang to ng ipis ano ba kayo" tas nag fake smile ako sakanila.
"Isa pang kasinungalingan na lumabas diyan sa bibig mo, iiwanan ka namin dito" sabi naman ni Aela. may kawala pa nga ba ako?
"Oo na hindi na ko okay, ayan inamin ko na! okay ba ba?"
"Aamin din pala eh" sabi ni Aela.
"Okay lang yan! gagawin namin makakaya namin para pasayahin ka. Okay?" sabi ni Bel. tumango na lamang ako.
"Osiya, bilisan mo na kumain! aba may drama session pang nangyare eh!" sabi ni Ian. natawa naman kaming lahat.
Pagkatapos kumain ay dumeretso na kami sa school.
*Sa school*
"Oh tara na sa klase" aya ni Cha.
habang naglalakad kami, bigla akong hinila ng mga babaeng to sa ibang daan.
"Teka! Teka! bakit ba kayo nanghihila basta basta?!" inis na tanong ko.
"Ah wala naglalaro kasi kaming hila hilahan, akala namin kasali ka." sabi ni Bel.
"Oo nga hehehe" sabi naman ni Ian na parang may tinatago. lilingon sana ako patalikod mamaya may tinatago sila sakin eh. eh biglang hinawakan ni Aela mukha ko.
"Uy! tignan mo oh di na masyado namamaga mata mo. tara na sa classroom."
"Sige bitawan niyo na ko." at binitawan naman nila ako, naglalakad kami papuntang classroom pero habang di pa kalayuan kung saan kami nanggaling lumingon ako at boom.
Wala akong nakita, deloko lang. Nakita ko si Liza at Daniel magkasama.. ang sakit. pero hindi, hindi ako magpapaapekto. kunyare wala nalang akong nakita. tumakbo na ko papunta kina Aela at pumasok na kami ng classroom. Lahat sila nagtinginan sakin, anong meron?
"NAMAMAGA LANG MATA NIYA. SHARE KO LANG" Pataray na sabi ni Cha. agad namang nagsi-alisan ang tingin nila sakin. naghiwa-hiwalay kaming mga babae at pumunta na sa kaniya kaniyang upuan. parang ayoko na nga pumunta sa upuan ko eh. pagkapasok ni ma'am, kinausap ko siya.
"Ma'am pwede po bang palipat ng upuan? di po kasi ako kumportable sa upuan ko eh." Pumayag ka ma'am! dali naaaa.
"Okay, I'll transfer you to the seat beside Mr. Gil" yown! sana friendly katabi ko huhuhu. lumipat na ko ng upuan. pagkalipat ko..
"Hello." bati ko.
"Hello."
"Kathryn nga pala, Kath nalang bagong seatmate mo hehe" napatawa siya. Anong meron? huhuhu.
"Enrique, Quen nalang." tas ngumiti siya. gwapo niya enebeyen. kaso Dj parin eh. chos.
"Friends?" alok niya.
"Friends."
pagkatapos ng usapan na iyon, nakinig na kami. hanggang recess..
"Uy Quen. gusto mo sumabay samin?"
"Okay lang ba? puro babae kayo eh."
"Okay lang yan!"
at sumabay na siya saamin sa recess, pinakilala ko na siya kina Bel. at ayun tawa lang kami ng tawa, parang
nawala yung sakit na dulot ni Dj kahit saglit. natapos ang klase ng ganun, hanggang maka-uwi na kami. kumakain kami ng..
"Uy girl. Okay yung Quen ha. Boto kami sa kanya mukhang masaya ka kapag kasama siya eh."
"Wow ha. HAHAHA. bahala kayo dyan, at ako'y matutulog na babush" napatawa nalang ako at umakyat.
pagka-akyat ko ginawa ko na rituals ko at natulog.
---------------
Oha! Done. Comment Vote. Thank you :)