Hiiii! special chapter naman ito ni Katsumi at Isabel. sana magustuhan niyo! :)
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Isabel's POV
"Tara kath punta tayo mall! andun na kasi yung tatlo eh."
"sige sige! bihis lang ako."
pagkabihis ni kath, dumeretso na kami sa asdfghjkl mall. Sabay biglang tumawag si Cha.
"Oy! Dumeresto na kayo sa forever 21. doon nalang tayo magkita kita." sabi samin ni cha. So pumunta na kami sa forever 21 ng biglang nakasalubong namin si katsumi, JC at daniel.
Katsumi's POV
"pre sino ba yung kasama ni kath?" tanong ko kay daniel.
"Ah yun? Si isabel yun. ang alam ko katropa yan ni kath eh."
"Matalino yan pre! tsaka marunong pa ata mag gitara. Nung nagpunta kasi ako sa apartment nila may nakita kong gitara dun tas nakalagay yung pangalan niya." dagdag ni JC. Wow ang galing naman niya. Matalino na, mahilig pa sa music.
"oh, bat kayo nandito?"
biglang tanong ni kath.
"ah imemeet kasi namin si lester at seth dito rin banda." Sagot ni daniel.
"Ah ganun ba. Sige alis na kami."
"teka kath! Baka may makakita sating di magkasama ngayon kahit nasa iisang mall tayo at isipin na fake lang relationship natin. Tara na nga date na tayo!" sabay hila ni daniel kay kath. Talaga naman to si daniel oo.
"teka pano si isabel?" tanong ni kath.
"Ako na lang sasama sakanya. si JC kasi makipag date kay katrina eh." sabi ko sakanila.
"Date? Ha? Kelan ako may date?" Biglang sabat ni JC. Jusko makiride naman sana to. Gusto ko kasi sana masolo tong si Isabel.
"DIBA MAY DATE KA NGAYON?" Sigaw ko kay JC. Sana naman makiride na tong mokong na to.
"Ahh oo nga pala! Onga sige alis na ko" sabi ni JC. Nagets din niya sa wakas!
"O yun naman pala eh. Sige alis na rin kami ni kath." Ayun! Masosolo ko rin si Isabel sa wakas.
"TEKA OY WAG MO KO IWAN KATH! Di ko nga to kilala ehh!" Pahabol ni isabel. Kaya lang di na siya narinig wahahah. Magpakilala na nga ako.
Isabel's POV
"Hi. Ako nga pala si Katsumi Kabe." Sabay sabat nitong katabi ko. Ahhh wait pakilala nga rin ako.
"Hi, ako si Isabel Timog, from the North!"
"Hahaha! You're funny :)" sabay sabi niya. ay pupu. Kinikilig ako. Nahalata kaya niya blush ko? Hala!!
"Umm, sige tara samahanan mo na ko sa loob." Sabi ko.
"Sige, tara"
Sabay pasok na kami sa loob at tumingin tingin ako ng mga damit. Nakakatuwa rin pala tong lalaking to no? Tawa lang kami ng tawa buong time na magkasama kami. Nung papunta na ko sa cashier biglang nakita ko sina Ian, hala yung tingin nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/10133574-288-k920164.jpg)