Okay. tapos na po mga special chapters hahahaha. enjoy! btw iffast forward ko na ah. last quarter na daw.
----------------------------------------------------------------------------------
Kath's POV
hi! namiss ko kayo. hahaha jk pero alam niyo ba this past few weeks, sobrang sweet na ni Dj sakin eh. parang ang hirap iwasan na mahulog ka, kasi di ba alam niyo naman na dare lang pero nahuhulog na talaga ako kaso walang sasalo sakin. yun yung masakit dun. anyways, tignan mo 'tong mga gagang 'to, may mga boyfriend na at tropa pa talaga ni Dj. okay lang, masaya na naman sila eh. pag masaya sila, masaya na rin ako. chos. so eto ngayon nagagala sa mall kasama si Daniel at ako dahil takot akong mahulog, tintry kong maging cold sakanya, kahit mahirap.
"Babe, san mo gusto kumain?" ayan na nagsisimula na. kaya ko 'to!
"kahit san." tipid kong sagot.
"Uy. Okay ka lang? may nagawa ba ko?" kita niyo? paano ko magiging cold kung ganito?
"di. pagod lang ako. uwi na tayo"
"Okay."
tas pumunta na kaming kotse niya at hinatid na niya ko pauwi. pagkadating namin sa bahay, tinanggal ko na seatbelt ko at lalabas na sana ako ng kotse.. ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Oh? Problema mo?" sabi ko sakanya, bigla bigla ba namang manghahawak ng braso eh. higpit kaya.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko" sabi niya.
"Ginawa ko sayo?"
"Bakit ka ba kasi ganyan ha?" sumigaw na siya. gulat ako.
"Kahit naman malaman mo, walang magbabago eh!" ayan sumigaw narin ako, feeling ko maya maya iiyak na ko eh.
"Bakit? sino ka ba para masabi yan?"
"ako si Daniel. kaya sabihin mo na." kalmado na ang pagkasabi niya dito.
"hindi. ayoko kaya bitawan mo na ko." mahinhin na ang pagkakasabi ko nito, ngunit di parin niya ko binibitawan.
"putek naman Kathryn eh! sabihin mo nalang sakin pwede ba?!" sumigaw nanaman siya. naiiyak na ko. boom ayun na lumuha na ko.
"Di mo ba gets? kaya ako nagiging cold kasi ayoko na! kaya bitawan mo na ko!" pagkasabi ko nung ayoko na. natulala siya at nabitawan na ko, eto na ang chance ko. pumasok na ko sa apartment diretso sa kwarto ko at umiyak.
nasa kalagitnaan ako ng kadramahan ko, ng biglang may tumunog sa bintana ko, napatigil ako sa takot, paano kung magnanakaw yun? paano kung multo pala? hay kathryn, kaya mo yan! naglakas loob akong pumunta sa may bintana nung sumilip ako wala namang tao o kahit ano. ano kaya yun? ng biglang may tumalbog sa bintana ko na ikinagulat ko. bato? sino namang magbabato ng bato sa kwarto ko sa hating gabi? aba matibay. ng sumilip ako, o diba tapang ko. omg! nakakita ako ng tao, manghoholdap yata to. biglang nagsalita
"Wala ka bang balak papasukin ako? ano? titigan tayo dito?" boses palang. kilala ko na to.
"Sabi ko nga pagbubuksan ka ng pinto di ba?"
pagkasabi kong iyon, sinarado ko na ang bintana ko, at bumaba para pagbuksan siya ng pinto. sana nga lang hindi magising yung mga babaitang yun aba kung hindi magrarambulan yun. pagbukas ko ng pinto. may nakatayong lalaki hala sino to? dejoke. si daniel.
"Tagal mo" aba't demanding ang loko.
"Oh edi ipagsasarahan ulit kita ng pinto, alis" sasarado ko na sana yung pinto biglang hinarangan niya. epal, psh.
"pagkatapos kong maghintay, papagsarhan mo lang ako?" lakas magreklamo. nga naman oo!
"sino ba kasing may sabi sayong maghintay ka?" sumigaw ako ng pabulong. anodaw?
"sabi ko nga wala eh, papasukin mo na ko." binuksan ko na yung pinto, ano pa nga bang magagawa ko?
pagkabukas ko ng pinto, dumeretso kami sa kwarto. wag kayong ano, wala kaming gagawin. maguusap lang kami. nakaupo kami parehas sa kama, walang nagsasalita. hangga't sa nagsalita siya.
"Bakit ba ang cold mo?"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hephep! bibitinin ko muna kayo. HAHAHAHA. sinipag ako mag-update ngayerns. hanggang dyan lang muna, comment, vote at like kung pwede. salamat! :)
