Chapter 2

64 8 6
                                    

Chao’s POV

“I swear I’ll never gonna touch any slam book again. Like ever! Psh.”

Yun na lang ang tanging nasabi ko sa pintuang nasa harap ko ngayon. Nakakabadtrip kasi eh. Bakit ko pa kasi pinatulan yun. Yan tuloy inabot ako ng kamalasan.

Papasok na sana ako nang may biglang nagbukas ng pinto mula sa loob. Ano ba naman ang tao ngayon? Hindi ko alam kung bulag o tanga?

O.o

Wait lang ha? Processing pa. Shet! Grabe yung impact eh. Pero gosh! Muntik na’kong sumobsob sa abs niya! 

Opo. Nag-assume na’kong may abs siya! Hahaha. Landi alert eh. Sino kaya yun? Di bale may feeling na naman akong magkikita ulit kami. Instinct. 

Anyways, naalala ko na naman na nasa tapat pala ako ng guidance office. Ayoko ng atmosphere sa dito. Parang pinapalabas na ang sama-sama kong tao. Sorry, I get OA sometimes.

Pagpasok ko sa loob ng silid nakita ko agad si Mrs. Webena, yun ang nakalagay na pangalan sa may table n’ya. So siya pala ang aming guidance counselor. Pasensya first time eh. At ayoko nang umulit pa.

“Sit. Look Ms. Zamora, I do believe alam mo ang reason kung bakit andito ka ngayon.” sabi niya.

“U-uhm yes Ma’m. Sorry for that. I was completely out of my head to do such thing. Hindi na’po mauulit.” ang sagot ko sa kanya.

“That’s good to hear. But you do understand that what you’ve done deserves some compensation, right?”

“Yes Ma’m. I am fully aware of that. I'm so sorry again.”

“So it seemed you're a smart student. I’ll inform you next week regarding your disciplinary action. Now get back to your class. And behave Ms. Zamora. I don't want to see you here again.”

“Thank you Ma’m. I will.”

Rude GC. I don't want to see you too noh! Hmp. Sakit kaya sa bangs ang mapagsabihan, nakakababa ng self-esteem.

At yun nga. I returned to class na parang walang nangyari. Pero sa loob-loob ko grabeng kahihiyan ang nararamdaman ko. Akala ko ba sa high school lang nagkakaron ng papel ang guidance counselor? Sa college din pala.

-.-

Pero yung nakita ko kanina. Shet. Di na maalis sa isip ko yung abs niya. Haha. Talagang yung abs ang habol ko ha? Malandi! Nagtataksil yata ako!

Pagpasok ko sa next class ko, medyo nagbehave na'ko. Kunwari ay nakikinig na'ko sa lessons. I still find it boring though. Paulit-ulit ko na kasing narinog yung kwento ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Hay.

*fastforward, boring subjects day ehh

Pagkauwi ko ng bahay pumasok agad ako sa room ko. Wala pa yata sila Mommy at Daddy. After magpalit ng damit, hinanap ko agad ang tab ko at nagsimula ng mag-browse.

*searching Miguel Chen Lopez

If you’re wondering kung sino naman ‘tong si Miguel Chen Lopez, well he’s my fiancé. Mine alone! Hahaha. Ang totoo niyan super duper ultra mega to the universe and back na crush ko siya. Siya ay lead vocalist sa isang banda. Matangkad, chinito at charming. He’s perfect. Architect by profession. Singer by passion.

Crush niyo na rin? Sige binabawi ko yung bio niya. Hahaha Patay na patay talaga ako sa kanya. Kahit mas matanda siya sakin ng 4 years, siya pa rin ang papakasalan ko. Ang umagaw bubuhusan ko ng sulfuric acid sa mukha!

At nung nahanap ko yung page niya, agad akong nagtype dun sa ‘Ask Miguel’ fan space.

“How’s your day Migz bae? I hope it went well.”

I waited long minutes only to get no reply. Halos na-browse ko na nga all pages na related sa kanya. Kung sabagay andami kaya niyang fans, imposible naman yata na mapansin niya ako. Nakakalungkot isipin. Relate din ba kayo?

Actually siya ang dahilan kung bakit pumasok ako sa Engineering department. Malapit kasi sa profession niya. Malay mo one day, magkatrabaho kami sa isang project? Sana talaga one day mapansin niya ang existance ko sa mundo.

I closed my tab and went downstairs. Malamang andito na sina Mom and Dad.

I'm having dinner with my family. Me, mom, dad and my noisy and nosy brother Louis.

“So Charlin baby, how’s school?” dad asked.

“I got into some situation. Na-guidance ako Dad. I’m awesome, right?” sagot ko.

Isipin niyo nang sarcastic ang sagot ko but that was actually my goal everytime na kakausapin nila ako – to be as sarcastic as hell. Ewan, siguro nagtatampo lang ako sa kanila because they were always busy.

“Hey big sis, did you meet some awesome guy you can flirt with?” my brother.

“Hahaha. And I thought your school was teaching you some great English words.” I answered

“Listen everyone, kumain na tayo. At baka san pa mapunta yang usapan.” mom finally said.

After namin matapos kumain, nagligpit na si Mommy. Pumunta na rin si Dad sa study area niya. Tumulong naman kami ni Louis kay Mom. Wala kaming katulong eh, pinagbakasyon muna sila nina Mommy.

After almost 30 minutes, aakyat na sana ako nang may nag-doorbell.

“Sandali lang. Leshee, bakit may nang-iistorbo pa sa ganitong oras?”

Wait bubuksan ko ba? Baka naman modus to ng mga magnanakaw ngayon? Kunwari magddoor bell na sila tapos bubuksan ng may-ari and din gagawin nilang hostage tapos ipapakuha sa remaining house members yung pera pati na rin mga alahas tapos tatakas na? Natatakot na tuloy ako. Wait kukunin ko yung Baygon.

Ano ang gagawin ko? Shet naman oh.

“Anak ba’t di mo pa buksan? At bakit hawak mo yung Baygon? ” tanong ni Dad na pababa ng hagdan.

“A-eh ano… Baka kasi Dad magnanakaw. Mahirap na.” sagot ko naman sa kanya.

“Don’t worry, inaasahan kong bisita yan anak. Nagtext siya sa’kin na andito na daw siya.”

“Sige po pagbubuksan ko na.”

Dali-dali akong pumunta sa may pintuan. At sa pagbukas ko ng pinto tila ay napatulala ako ng mga 20 seconds. Anong ginagawa niya dito?

O.O

“Ikaw?” mahinang sambit ko.

>.> *Dad explain this to me look.

“Ah Charlin, meet Arthur Sean. Dito na siya titira sa bahay mula ngayon. Please get inside SON!”

O.O

“WHATTT?”

Yung atay at bituka ko, ayun nalaglag!

Occupation: FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon