Chapter 6

54 4 2
                                    

Chao’s POV

Nasa may parking lot na’ko ngayon sa school. Sinadya ko talagang maagang pumasok ngayong araw kasi naman ‘tong si Arthur ubod ng kulit, ang daming tinatanong. Di ko na lang iniintindi.

Matapos kong mai-park ang kotse ko dumiretso na’ko sa room ko. Hindi naman ako nahirapan na hanapin yun. May room assignment naman na nakalagay sa COR.

Tuesday ngayon kaya, no boring subjects. Algebra class to kaya siguro naman di na’ko aantukin? Paborito ko kasi ang Math. Aba syempre dapat lang, ba’t pa’ko pumasok ng Engineering kung hindi diba?

“Good morning Sir.” bati ng mga kaklase ko sa kakapasok pa lang na Prof.

Medyo matanda na siya pero halatang matalino at magaling magturo. Halos lahat kasi ng professor namin dito ay registered engineers, yung iba nga may master’s at doctorate degree pa eh.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang ngayon ko lang siya nakita kahit na pangalawang linggo ko na’to dito yun ay dahil ngayon pa lang siya papasok sa section namin. Ganun daw talaga dito sa Engineering department. May sa kung anong saltik ang mg profs.

“Ok, hindi na’ko magpapakilala pa because I expect lahat kayo ay officially enrolled sa klase ko. My name’s on your COR. Tingnan niyo na lang at ikabisado because you will surely don’t want to get a 5.0 from me. Sige, boardwork tayo ngayon!” ma-awtoridad niyang sabi.

Halos kaming lahat ay nganga! Di na nga pumasok ng isang linggo tapos boardwork agad? Ang saklap na naman ng kapalaran ko, di ako nakapa-aral kagabi.

-.-

“Write you name on a 1/8 index card. Isabay niyo rin ang subject code and description. That will serve as your class cards. Palabunutan ang style ng boardwork ko. Lahat naman kayo ay tatawagin, so don’t worry lahat ay makakapagpasikat sa’kin.” dagdag pa niya.

Shet! I should’ve studied last night. Bakit ba kasi puro SNS inaatupag ko.

Ipinasa na namin ang index card na may pangalan namin. nagsimula na ring magbalasa si Sir. Puno rin ng tensyon ang room. Halos walang nagsasalita eh.

“First will be Mr. Bermudez. Go on the board and answer item no. 17 on your book.”

“Yes sir.” sagot naman nung kaklase ko.

Habang nagsususlat siya at nag-iexplain ng kanyang solution sa problem ay tinawag siya ni Sir.

“Ok, sit down. Your grade is 5.0.” sabi niya.

At talagang iaannounce niya pa? Hindi ba pwedeng siya na lang ang nakakaalam? Pero nagtaka naman kami kung bakit 5.0 yung binigay ni Sir na grade eh tama naman siya. Nagsosolve din kasi ako sa upuan ko eh.

“As you heard I gave him 5.0 because of a mistake. You should not use the word ‘transpose’ para ma-eliminate ang term sa kabilang side para makakuha ng value ng ‘x’. Ano yun magic?”

Ang arte naman nitong prof namin. Di ba pwedeng nag-add/nag-minus ka both sides ng value para ma-eliminate yung nasa isang side para makuha mo finally yung answer pero di mo na sinulat sa board kasi sayang ng tinta ng white board marker?

Tsk. -.-

“Next is Ms. Zamora. Uhm your surname sounds familiar. Kaano-ano mo si Mel Bryan Zamora?” tanong niya sa’kin.

 “He’s my Dad po.”

“That’s why you really looked like him. By the way he was once my student, do not disappoint me young Zamora. On the board, item number 33.”

Oo nga pala aside from being a businessman, engineer din si Dad. Na-pressure tuloy ako dahil sa sinabi ni Sir. So dumaan din pala si Dad sa terror prof na’to.

Occupation: FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon