Childhood Friend!

279 23 3
                                    

Glaiza's POV

Kakauwi ko lang galing meeting with Ms. Medina, Naupo muna ako sa couch para magpahinga saglit at naisipan kong icheck ang phone ko.


Wala namang ibang nagmessage sakin bukod kay amiga at nagtatanong about the meeting. Kaya napasilip muna ako sa facebook at messenger ko..




**1Friend Request**

**1 message**




Yan ang bumungad na notification sakin. Tinignan ko kung sino ung nag message..


[Ruru Madrid -Sent 9:15am]
Hi Bruuuu! Still remember me? Ang laki na ng pinagbago mo. Artista ka na ba?

[Ruru Madrid -Sent 10:06am]
Uy! Kamusta ka na? Natatandaan mo pa ba ako? Ung kapit-bahay niyo dati.

[Ruru Madrid -Sent 10:07am]
Bru!

[Ruru Madrid -Sent 10:12am]
Glaiza!!!

[Ruru Madrid -Sent 10:46am]
Snob ka na ngayon. :(

[Ruru Madrid -Sent 1:20pm]
Okay. Siguro hindi mo na nga ako naaalala.




Nagtaka ako bigla kung sino ang lalake na iyon. Para kasing familiar ung name niya.. and Bru? Tinawag niya kong BRU? Sa pagkakaalam ko isa lang ang natawag sakin nun..





**Flashback**

-Elementary Days-

"Glaiza Thankyou nga pala sa pagtatanggol mo ulit sakin kanina sa mga kaklase natin ah." Sabi sakin ni Ruru, lagi kasi siyang binubully ng mga classmates namin dati dahil narin sa weird niyang itsura. Naka salamin na kasi siya ang bata bata pa malabo na ang mata niya.


"Wala yun, Ano ka ba syempre hindi kita hahayaan kuyugin nung mga yun, bestfriend kaya kita! Wag mo na lang pansinin ung mga yon, wala na naman silang magawang matino." Sagot ko sa kanya. Siya ang lagi kong nakakasama sa school dati, dahil hindi ko rin masyado trip makipaghalubilo sa mga classmates kong babae na maaarte.



"Talaga bestfriend mo na ako?" Tanong ni ruru na napangiti ko na sa mga pagkakataong ito dahil kanina pa siya malungkot sa pambubully sa kanya.


"Oo naman! Ikaw nga lang ang lagi kong nakakasama eh. Tinutulungan mo pa ko sa mga homeworks ko lagi. The Best ka talaga" sagot ko sa kanya at nakipag-apir ako.



"Yehey! Pero diba pag magbestfriends mayroong tawagan?  Kasi naririnig ko ung iba nating mga classmates beshie, bes, bestie ung mga tawagan nila diba." Paliwanag sakin ni ruru.




"Oo nga, Ano kayang magandang tawagan natin? Gusto ko ung kakaiba." Sagot ko naman sa kanya Na ngayo'y nag-iisip narin ng magandang tawagan namin.



"BRO! Yun na lang glaiza, gusto mo?" Sigaw ni ruru ng makaisip ng callsign namin.



"Bro? Hindi ba parang panglalake lang yun ruru? Eh babae ako eh. Hmm.. alam ko na! Gawin na lang nating BRU! Para kakaiba sa pandinig hindi ba?" Pagsisiwalat ko ng naisip kong ideya sa kanya.




"Sige! Sige! Maganda nga yun. Simula ngayon, Bru na ang tawagan natin! Yehey!" Masayang pagpayag ni ruru.

**End Of Flashback**







SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon