Glaiza's POV
Nagising na lamang ako ng may umuugoy sa balikat ko..
"Amiga! Amiga! gising na, hindi mo na naabutan ang sunrise sayang napakaganda pa naman. uy gising na.." Pang-gigising sakin ni angel.
Jusko! ano ba namang trip netong bestfriend ko. Pagtapos nila kong puyatin sa paglalasing nila balak pa ko isama sa pagsaksi niya sa sunrise. huhu malala na talaga tong bestfriend ko eh. Idadamay pa ko.
"Amiga please let me take some rest" Pakiusap ko sa kanya. Sobrang inaantok pa kasi talaga ako.
"Amiga sayang naman kung matutulog ka lang dyan, nagpunta ka lang ba dito para matulog. edi sana sa condo mo na lang ikaw nagpahinga, sayang kaya ung magandang tanawin sa labas. tara na please." Pangungulit nito sakin. Hindi niya talaga ako titigilan. huhu
Daig ko pa may hangover sa sakit ng ulo, dahil kulang ako sa tulog. but i think may point naman siya, pumunta kami dito to enjoy the place at wala akong choice dahil alam ko namang hindi rin ako titigilan netong si amiga.
"Oo na amiga eto na babangon na ko." sabi ko sa kanya at bumangon na ko para maghilamos. "Yey! Tama yan amiga, maghilamos ka na muna at magbreakfast na tayo sa baba." Sabi ng bestfriend kong napaka-hyper as always.
Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na kami para magbreakfast. Pagdating naman namin sa dining area ay andun na silang lahat liban sa isa.
Oo siya talaga ang una kong hinanap, si marx. siguro ay tulog pa ito hanggang ngayon dahil late narin siyang natulog kasabay namin, kung di lang naman talaga dahil kay angel ay hindi ko pa din muna gugustuhin pang bumangon.
"Goodmorning bru! kamusta ang tulog mo?" bati sakin ni ruru. "Goodmorning din bru! eto medyo masaket ang ulo ko." sagot ko sa kanya. "Goodmorning girls!" bati ko naman kila sanya, gabbi at kylie na ngayo'y nakain na ng breakfast. Nginitian naman nila ako.
"Goodmorning Glai. Grabe ang saya last night. mamaya ulit ah." Pabirong sabi nito. my god! magpapakalasing na naman sila mamaya! Napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
Sinta
Hayran KurguThis story is about a Girl na Successful na ang buhay at ang tanging hinihintay na lamang niya ay ang kanyang makaka-partner sa buhay. ❤ wanna join her journey sa paghahanap niya kay the One Great love? Sino kaya ang makakatuluyan nya? 😊 Abangan! ❤