Glaiza's POV
-Bedtime-
Kasalukuyan kaming nanunuod ng tv ngayon ni marx, sa couch siya nakaupo habang ako nakahiga na sa kama.
"Marx, dyan ka ba talaga matutulog?" Tanong ko sa kanya. "Ah, Oo.. para makapagpahinga ka ng maayos, baka kasi hindi ka sanay ng may katabi matulog." Sagot niya.
"Ano ka ba, okay lang naman. Tignan mo, mahihirapan ka lang matulog dyan." Sabi ko sa kanya habang natayo ako at papalapit sa kanya. "Okay lang ako, wag mo kong isipin." Sagot ni marx, naupo na ko sa couch sa gilid nito.
"Hey! Anong wag isipin, hindi naman pwede yon. habang ako masarap ang tulog, ikaw masakit ang katawan diyan. Wag ka ng mag-inarte dyan please, halika na. Tabi tayo sa kama." Pag-aaya ko sa kanya. "Pero baka mahirapan ka lang sakin, malikot pa naman ako matulog." Sagot niya. Napasimangot naman tuloy ako bigla.
"Ayaw mo ba kong katabi?" Malungkot na tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa ga-" hindi na natapos ni marx ang sasabihin niya pagkat hinala ko na siya papunta sa kama. "Wag na mag-inarte please, hindi po kaya binabagayan. Lika na!" Pangungulit ko sa kanya at hindi rin naman niya ko matiis kung kaya't humiga narin ito sa kama.
"Oh diba? Mas kumportable ang pwesto mo." Nakangiting sabi ko sa kanya at nahiga narin ako sa tabi nito. "Alam ko, lalo na katabi kita." Malambing na sabi ni marx. Tinapik ko naman ito bigla sa braso niya. "Ikaw! Ayan ka na naman, bumalik ka na nga dun sa couch! Hmp." Sabi ko sa kanya.
"Hindi pwede, touch move na." Pang-aasar nito. "Anong touch move, touch move ka pang nalalaman diyan ha." Sabi ko sa kanya habang kinukurot ko ang abs nito, este ang tiyan niya pala. 😂
"Ayan ka naman sa pangungurot mo! Teka nga!" Sabi nito at sinimulan na naman niya kong kilitiin. "Wag.. Ahhhh! Stop!!! Nakikiliti ako.. Marx......" sambit ko. Tila nanghina na ko sa ginagawang pangingiliti nito kung kaya't pinilit ko nang bumangon para makaiwas dito.
Ngunit maagap siya kaya nagawa niya kong hilahin pabalik sa kanya dahilan upang mapunta ako sa ibabaw nito..
Hindi parin ito natigil sa pagkiliti sakin, hanggang sa tuluyan na kong mapa-patong sa kanya at nang mahuli ko ang magkabilang kamay nito ay isinandal ko ito sa kama dahilan upang mapadapa na ko sa ibabaw ng mga bisig nito.
Bigla naman akong napatigil nang mapatitig ako sa mga labi nito, nagulat ako pagkat sobrang lapit na ng mga mukha namin, maging ang aming mga katawan ay magkadikit rin.
Tila nakaramdam naman ako ng uhaw sa mga labi nito at napalunok na lamang ako..
Nang mapabaling naman ako sa mga mata ni marx ay nakatitig din ito sa labi ko.. parang may nagmamanet sakin papalapit sa labi nito..
Nang bigla nang maglapat ang aming mga labi, tila kapwa kami uhaw sa mga labi ng isat-isa.
Binitawan ko na ang magkabilang kamay nito upang mahawakan ko ang pisngi nito dahil tila palalim ng palalim ang mga halik nito.
Tila napakatamis ng mga labi nito.
Naramdaman ko namang hinahaplos nito ang likod ko..
Tila nadadala narin ako sa mga halik nito..
"I love you." Biglang sinambit ni marx.. napatigil naman ako, tila hindi pa nagsisink in sakin ang mga itinuran nito.
Nginitian ko na lamang siya at idinikit ko ang ilong ko sa ilong nito. "Mahal mo ko?" Tanong ko sa kanya. "Oo, mahal kita. Sana hayaan mo lang akong maiparamdam yun sayo." Sagot nito.
Ngitian ko lamang siya at hinalikan ko siyang muli, sa pagkakatong ito ay smack lang sapagkat nais ko lamang damahin ang pagmamahal nito, kung kaya't umayos na ako ng higa at niyakap ko na siya..
Masarap sa pakiramdam ung ganito lang kami..
Dinadama ko lamang ang mga yakap nito at tila kuntento na ko sa ganitong buhay, ang kasama lang siya.
Hindi na namin namalayan na nakatulog na kami parehas, nang magkayakap..
....
Short chapter but a very
meaningful one.❤
Inabot ako ng 2days sa pagsulat ng chapter na ito, medyo hindi ko kinakaya eh. 😂
Sana nagustuhan niyooo..
Marami pang magaganap. 😁
Be ready sa mga susunod
pa na chapter. 😂Take note:
wag mawalan ng pag-asa,
first night pa lang naman.
1week ang cruise nila. ☺Godbless everyone! ❤
Best is yet to come. 🙂
BINABASA MO ANG
Sinta
FanfictionThis story is about a Girl na Successful na ang buhay at ang tanging hinihintay na lamang niya ay ang kanyang makaka-partner sa buhay. ❤ wanna join her journey sa paghahanap niya kay the One Great love? Sino kaya ang makakatuluyan nya? 😊 Abangan! ❤