Glaiza's POV
Kasalukuyan akong nagpapahangin mag-isa dito sa baba ng resort nila ruru, wala naman akong ibang makasama tumambay dito dahil lahat sila ay pagod sa ginawa naming mga activities.
Naglakad-lakad lang ako dahil nag-eenjoy ako sa mga tanawin dito at napaka-peaceful talaga ng paligid.
"Anong ginagawa mo dito mag-isa?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko, boses pa lamang ay alam ko ng si marx iyon.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ano pa bang kailangan niya sakin, eh gayong nag-eenjoy na siya sa mga bago niyang kakilala.
"Glaiza, may problema ba? Galit ka ba sakin?" Pagtatanong ni marx sakin at humarang na ito sa dinadaanan ko.

BINABASA MO ANG
Sinta
FanfictionThis story is about a Girl na Successful na ang buhay at ang tanging hinihintay na lamang niya ay ang kanyang makaka-partner sa buhay. ❤ wanna join her journey sa paghahanap niya kay the One Great love? Sino kaya ang makakatuluyan nya? 😊 Abangan! ❤