Departure

206 10 6
                                    







Glaiza's POV








Its 4am at kasalukuyan lang akong nanunuod ng tv habang naghihintay sa pagdating ni marx, ngayon na kasi ang alis namin papunta sa debut ng pamangkin niya na gaganapin sa cruise ship. 8:30am ang flight namin kaya maaga kaming naghanda, maya maya naman ay dumating na si marx dito sa condo.







"Goodmorning Glai" Bungad sakin ni marx, sobrang lapad ng mga ngiti niya parang ganito oh..










"Goodmorning Glai" Bungad sakin ni marx, sobrang lapad ng mga ngiti niya parang ganito oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Namiss ko siya. Ilang araw din kaming hindi nagkita dahil naging busy na kami pareho pagbalik namin galing sa bakasyon, masyado kaming natambakan ng trabaho kaya sa phone lang kami madalas nakakapag-usap noong mga nagdaang araw.









anyways! simple lang din ung outfit niya ngayon pero bagay sa kanya at amoy na amoy sa paligid ang pabangon nito. "Goodmorning din. Mukhang sobrang saya mo ata ngayon ah?" Pagpansin ko sa kanya, tinulungan na niya kong bitbitin ung maleta ko at umalis na kami. "Siyempre naman, makakasama ko ng matagal-tagal ung isang taong sobrang nagpapasaya sakin ngayon eh" sagot nito. "Ang aga aga Mr. topacio nambobola ka na naman." sabi ko sa kanya.








"sinasabi mo bang nangbobola lang ako at hindi naman talaga ako masaya pag kasama kita?" Tanong ni marx,  bigla namang naging seryoso ang mood neto. "Asus! Halika nga dito! Masyado ka namang matampuhin, eh nagbibiro lang naman po kaya ako." Sabi ko kay marx habang nilalaro ko ung ilong ko sa ilong nito. hindi ko alam ngunit mismong ang katawan ko na mismo ang nagkukusang gawin ang mga ito. Marahil ay sobra lang akong nasabik sa kanya dahil namiss ko din talaga ito ng ilang araw.







Binitawan naman na muna niya ang maleta ko at niyakap niya ko habang magkadikit parin ang aming mga ilong. "Kakaiba ka talaga Ms. Galura! napapabilis mo na naman ang pagtibok ng puso ko. Namiss kita." Malambing na sabi nito. "Namiss din kita" sagot ko sa kanya. Tila napakahirap ikubli ng nararamdaman ko sapagkat tunay naman talagang namimiss ko ito.


















Unti-unti namang naglalapit ang aming mga mukha..





















Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa mga labi niya.

























**Ting!**


















Bigla namang bumukas ang elevator at parehas na lamang kaming natawa dito. Hanggang makarating kami sa parking area ay hindi parin natatapos ang tawanan namin dahil narin sa mga pinag gagawa namin. 




























SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon