Glaiza's POV
Andito na kami ngayon sa chateau royale. pagkababa ko ng sasakyan ay hinanap ko agad ang kotse ni marx. Nagulat na lang ako ng bumaba ito sa sasakyan na todo halakhak na parang wala ng bukas. Nagtaka naman ako dahil ngayon ko lang siya nakita na ganon kasaya.
bumaba narin sila gabbi, rocco at sanya. "Grabe marx, hindi ko napansin na andito na pala tayo. Masyado akong naaliw sa mga kwentuhan natin." sabi ni gabbi at napakasaya din nito. rinig na rinig ko sila dahil sa tabi lang ng kotse ni aljur nagpark si marx.
"Paanong hindi mo mapapansin eh puro kayo kulitan at asaran sa byahe." sabi ni rocco. Para namang nagpantig ang tenga ko nung narinig ko ang mga sinambit na iyon ni rocco.
OH! So now i get it! nagkukulitan at nag-aasaran sila sa byahe. kaya naman pala napakasaya ng mokong na iyon.
"Hmmm.. ang noo mo na naman ate girl kumukunot." Pang-aasar ni angel. napansin na naman siguro niya ang mukha ko. "ewan ko sayo amiga, halika na nga sa loob." Pag-aya ko sa kanya.
Pumunta na kami sa receptionist para mag-avail ng mga activities na meron sila. Pagkatapos ay inilagay na namin ang mga gamit namin sa locker.
Pagkatapos naming ilagay ang mga gamit namin sa locker ay nagsimula na kami sa mga activity. Zipline muna ang inuna namin. nagsuot na kami ng mga safety equipment para sa zipline.
wala akong kahit na sinong iniimik sa kanila lalong lalo na ung marx na yun! Alalang-alala ako sa kanya kanina dahil baka ma-OP siya sa mga kasama niya, hindi naman niya close ung mga friends namin. then yun pala sobrang nag-eenjoy siya sa byahe. hmp!
BINABASA MO ANG
Sinta
FanfictionThis story is about a Girl na Successful na ang buhay at ang tanging hinihintay na lamang niya ay ang kanyang makaka-partner sa buhay. ❤ wanna join her journey sa paghahanap niya kay the One Great love? Sino kaya ang makakatuluyan nya? 😊 Abangan! ❤