Day 2 (norweigian escape)

327 18 17
                                    






Marx's POV




Nagising ako sa alarm ng phone ko. 4am na at magja-jogging sana ako, ngunit hindi ako makakilos sa pwesto ko ngayon..






Pagkat magkayakap kaming nakatulog ni glaiza ngayon, at ayokong gumalaw dahil baka magising si glaiza at masira ko pa ang tulog nito.






Kung kaya't hinalikan ko na lamang ang noo nito.. nagulat naman ako nang bigla itong gumalaw. "Hey.. gising ka na, what time is it?" Tanong ni glaiza. "Its 4am, sige lang magpahinga ka lang maaga pa naman." Sabi ko sa kanya at niyakap ko na ulit ito ng mahigpit.








"Ang sarap naman po ng yakap mo" sabi ni glaiza. "Siyempre naman, yakap ng may kasamang pagmamahal yan eh." Sagot ko sa kanya at niyakap ko pa ito lalo ng mahigpit. "Ang aga aga Mr. Topacio puro ka bola." Sabi nito at tinapik niya ng mahina ang braso ko.







"Walang halo ng pangbobola yun, sadyang minamahal na talaga kita ngayon. Sana naman kahit yun lang, paniwalaan mo." Sabi ko sa kanya. "Bakit ang seryoso mo? Nagbibiro lang naman po kaya ako." Sabi nito habang ikinikiskis ang ilong niya sa pisngi ko. Napakasweet talaga niya..






"Anyway, parang narinig ko nag ring ung phone mo kanina.. may kausap ka ba kanina?" Tanong ni glaiza. "Ah wala, lagi lang talaga akong nag-aalarm kasi nagja-jogging ako every morning." Paliwanag ko sa kanya.






"Oh really? Eh bat hindi ka nag-jogging ngayon?" Takang tanong nito. "Ayoko kasing umalis sa pwesto ko baka magising ka at maistorbo ko pa ang tulog mo." Sagot ko sa kanya. "Ganon ba, okay lang naman eh." Sagot niya.









"Ang totoo talaga nun, ayokong mawala ka kahit isang minuto lang sa tabi ko. Mas gusto kong sulitin ang pagkakataong kasama kita, ung pagwowork out andyan lang naman yan anytime eh. Pero ikaw, bibihira ko lang nakakasama." Paliwanag ko sa kanya. Nakita ko naman sa mukha nitong medyo napangiti ko siya sa mga itinuran ko.








"Kung ganon, halika. Sasamahan kita mag jogging at magwork out." Sabi nito. "Ha? Sigurado ka ba? Wala ka pang masyadong tulog.." sagot ko sa kanya. "Its okay, i want to enjoy every moment din na kasama kita. Kaya halika na. Magready na tayo." Pag-aya nito. Kaya tumayo na kami at nagpalit ng pang work out na damit.







Pagkatapos naming mag ayos ay lumabas na kami ng cabin at pumunta na kami start ng jogging track.










Nagsimula na kaming tumakbo ni glaiza, napansin kong mabilis din pala itong tumakbo. "Mabilis ka pa lang tumakbo no." Pagpuna ko sa kanya, napabaling naman ang atensyon nito sakin. "Sadyang nasakin lang talaga ang atensyon mo kung kaya't hindi ka makatakbo ng matulin." Nakangiting sabi ni glaiza.






"Sino ba namang hindi mapupukaw ang atensyon sa napakagandang babae na kasama ko ngayon." Sabi ko sa kanya. Halata naman na bigla itong namula sa mga sinambit ko. "Agang bola ha!" Sagot nito habang napakalapad ng mga ngiti at ilang saglit pa ay nagpatuloy na kami sa pagtakbo.








Nakailang laps narin kami at maya maya pa ay nakarating na kami sa gym.








"Hayyyy! Grabe yon, naka-ilang ikot din tayo sa buong barko. Woo!" Sabi ni glaiza at natawa naman ako sa itsura nito ngayon..













SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon