Glaiza's POV
Nagising ako nang tila medyo nilalamig ako, nang aking pagmulat ay nasilayan ko ang mukha ng taong pinakamamahal ko, nakayakap ako sa malaking katawan nito ganun din naman siya sakin.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang mga naganap kagabi. Yun ang isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Ang ibigay ang buong pagkatao ko sa lalaking pinakamamahal ko. ❤
Habang tinititigan ko siya ay bahagya namang nagmulat ang isang mata nito at alam kong nakita niyang nakatitig lamang ako sa kanya.
"Matunaw naman po ako niyan sa mga titig mo kamahalan." Sambit ni marx at bumalik na ito sa pagkakapikit. "Hmm. Mr. Topacio bumangon na po tayo at mag breakfast, dahil ayon sa itinerary natin ay may land tour tayo sa st. Tomas today cause its our 4th day and marami na naman tayong adventure na gagawin po." Pangungulit ko sa kanyang bumangon habang pinipisil ko ang ilong nito.
"Hey, masakit." Nagtatampong sabi ni marx dahil sa pangungulit ko sa kanya. "Sorry na po. Halika na kasi, bangon na!" Pag-aaya ko sa kanya at kasalukuyan ko na siyang hinihila ngayon patayo.
Bigla naman niya kong hinila. Dahilan upang mapa-patong ako sa ibabaw nito. "Kiss ko muna." Nagpapacute na sabi nito. "Asus! Kiss lang pala ang gusto, hindi po kasi agad sabi-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko pagkat hinalikan na niya ako agad.
Muli kong naramdaman ang mainit na labi nito. Nagtagal din ng ilang segundo ang paghalik nito sakin.. "Alam mo, kahit kailan magnanakaw ka talaga ng halik ano." Sabi ko sa kanya. "Sorry na po kamahalan." Sagot ni marx. "Come on! Magbreakfast na tayo para makapag ready na tayo para sa mga activities today!" Sabi ko sa kanya.
**Fastforward**
Pagkatapos namin kumaen ng breakfast ni marx ay nagready na kami sa pagbaba ng barko, may land tour kasi kami today ng 12pm, so habang nag-aantay kami ng oras ay umikot muna kami ni marx at nagtingin sa mga souvenir shop dito.
Habang nag-iikot kami ay bigla akong kinabahan nang mapansin kong wala na sa tabi ko si marx, lumakad ako pabalik sa pinanggalingan ko at nakahinga naman ako agad ng maluwag nang makita ko si marx sa isang store at isinusukat ang isang shades na black.
"Marx!" Malakas na tawag ko sa kanya, agad naman itong napalingon sa kinaroroonan ko habang suot-suot parin ang shades na sinusukat nito.. Napangiti na lamang ako pagkat tila bumilis ang tibok ng puso ko ng ngitian niya ako.
"Bigla-bigla ka na lang nawawala. akala ko iniwan mo na ko." Kunwaring pagmamaktol ko dito habang papalapit sa kinaroroonan niya. "Sorry na po kamahalan, bigla ko kasing nakita tong shades eh" sagot nito at naglakad na kami papunta cashier para bayaran ang shades na gusto niya.
Pagkalabas namin ng store ay nagulat naman ako ng bahagya nang hawakan nito ang kamay ko. "Hahawakan ko na po ung kamay mo ng mahigpit para hindi na tayo nagkakahiwalay sa paglilibot, mahirap na baka may iba pang pumorma diyan sayo." Bulong nito. napakurot naman ako ng mahina sa tagiliran nito. "Ikaw kasi eh, nawawala na lang bigla ung atensyon mo sakin." Pagtatampong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Sinta
FanfictionThis story is about a Girl na Successful na ang buhay at ang tanging hinihintay na lamang niya ay ang kanyang makaka-partner sa buhay. ❤ wanna join her journey sa paghahanap niya kay the One Great love? Sino kaya ang makakatuluyan nya? 😊 Abangan! ❤