MayWard 6

3.1K 147 9
                                    



"Darating ba si Maymay, Edward?"

Nilingon ng binata si Miss Peachy. Kasama niya itong naghihintay sa airport para nga sunduin si Maymay.

Nag-kibit balikat ito. Naka-crossed arms ito habang nakasandal sa pader. Patingin tingin sa paligid at umaasang makita ang dalaga.

"Akala ko nag-usap na kayo?"

Bumuntong hininga ang binata bago ito nagsalita. "Ate Peachy?"

"Oh?"

"How bad was it?"

"Yung ano?"

Matamang tinitigan ng binata si Miss Peachy na ngayon ay naguguluhan sa tinatanong sa kanya.

"How bad was it when me and Maymay suddenly left showbiz industry?"

"Ahh. . ." Nginitian ni Miss Peachy si Edward at sinenyasang maupo sa tabi niya. "Halika nga rito." Sumunod naman ang binata. Malamlam ang mga matang naghihintay ng kasagutan sa tanong niya.

"Nasaktan si Maymay. Nasaktan ako. Ang pamilya namin. The ABS, kayo na nag-alaga sa'ming dalawa. Even those fandoms that really loved us, they were hurt--disappointed. . ." He shook his head and closed his eyes. "I wish I could turn back time and made a better decision. A wise decision. A selfless decision, ate Peachy."

"Well, sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Gets mo?" Tumango naman ang binata nang mag-angat ito ng tingin. "T'saka alam mo, hindi naman lahat ng nagiging desisyon natin tama. Na gaya nga ng ginawa niyo, isa pa, hindi niyo nabigyan ang sarili niyo ng time na maging totoo sa isa't isa. Oo, totoo kayo sa lahat ng fans niyo, pero sa sarili niyo? Naging totoo ba kayo? Kaya siguro hindi niyo na nakaya. The pressure, the bashers, ang mga tukso na sumira sa loveteam niyo, marami Edward. Napakaraming dahilan." Ini-emphasize pa ni Miss Peachy sa pamamagitan ng kamay niya na parang gumihit ng napakalaking bilog sa kawalan para lang makuha ng binata.

"Naging totoo ako kay Maymay, ate."

"Hmm. . . E si Maymay?"

"She knows me. Hindi ko magagawa lahat ng 'yon, coz I never wanted to hurt her."

"Alam nga ni Maymay 'yon, Edward. Kaso hindi mo naman pwedeng makontrol ang nararamdaman ng isang tao. Hindi mo pwedeng sabihin na, 'Uy, huwag kang masasaktan ha?' Nakakaloko lang 'di ba?"

Tumango tango ang binata. "So it was really bad then."

"Hindi pa rin ba kayo okay?"

"I don't really know ate Peachy. I hope we're okay now. I want Maymay back in my life, coz she's already a part of it. Everyone knows that already. And you probably know that too."

Napa-awe na lang si Miss Peachy sa sinabing 'yon ng binata. Wala talaga siyang masabi sa katapatang meron ito. Edward is the most honest person she ever met. He knows what to say just to clarify things that he wanted to clarify, lalo na kapag si Maymay ang pinaguusapan.

"I'm serious here ate Peachy."

"Nako! Love na love mo ano?"

Napakalaking ngiti lang ang sagot na binigay ni Edward sa kanya, ngunit hindi nakaligtas ang pamumula ng tenga nito kaya naman isinenyas ni Miss Peachy ang pamumula ng tenga niya habang tinituro 'yon.

"Kanina pa po kayo ate Peachy? Sorry po, kung late ako. Sorry, Edward."

Sabay na nag-angat ng tingin ang dalawa sa boses ng dalagang pumukaw sa kanila. Mabilis naman na tumayo si Edward at lumapit dito.

"Ah-okay lang." Mas lalong gumanda ang ngiti ng binata nang masilayan si Maymay na nakatitig na rin sa kanya. Ilang minuto pa silang gano'n hanggang sa tumayo si Miss Peachy at pumagitna sa kanila. Ngingiti ngiti at hindi maitago ang kilig na nararamdaman dahil sa nakikita.

"Aba. Kung magtititigan na lang kayong dalawa, mauuna na ako sa studio."

Sabay na napatingin sa kanya sina Maymay at Edward na animo'y nakaramdam ng hiya nang sandaling 'yon.

"Grabe kasi ano? May sarili na naman kayong mundo." Pinaringgan ni Miss Peachy ang dalawa pero busy silang pareho na pinakakalma ang sarili nila kaya naman hindi na nila nabigyang pansin pa ito.

Napag-usapan na nga ang nasabing pelikula na pagbibidahan nilang dalawa. Final na ito at ready na silang magpa-press conference.

"How about your work, May?" Concerned na tanong ni Edward sa dalaga.

"Hmm, nag-leave na ako ng 2 weeks notice."

"Kailan last day mo, Maymay?" Tanong ni Direk Rory.

"Sa August 6 po."

"Good. Meron tayong 2 weeks for preparation." Nang tumayo si Direk Rory ay tumayo na rin silang lahat. "I'll see you all next week for the press conference." Humarap ito kina Maymay at Edward. "Aasahan ko kayong dalawa, okay?"

"Opo Direk. Maraming maraming salamat po sa pagtitiwala niyo po sa'min ulit, Direk. Thank you po talaga." Lumapit ang dalaga at nakipag-kamay siya dito. Sumunod naman sa kanya si Edward at gano'n din ang ginawa.

"Pagbutihin niyong dalawa. Hangga't maaari, dumalo kayo ulit sa workshops na available this week and next week, okay?"

"Opo Direk. Thank you, thank you po ulit." Nakangiting pasasalamat ni Maymay.

"Direk Rory, thank you so much for this great opportunity." Hindi na nawala ang ngiti sa labi ng binata mula nang mag-umpisang pag-usapan ang pelikula hanggang sa matapos ito.

Nakaalis na ang lahat. Sina Maymay at Edward na naglalakad palabas ng building na kahit walang imik ay panay lang ang tinginan sa isa't isa.

"Bushak! Huwag ka ngang tumingin!" Kulang ang irap para kang maitago ni Maymay ang kilig nang sandaling 'yon. Naiinis siya sa sariling hindi niya na naman makontrol 'yon. Kakaiba kasi talaga ang titig na meron si Edward. Yung tipong pakiramdam mo, ikaw na ang pinakamagandang babae para sa kanya. Yung para bang ikaw lang ang nakikita niya.

Kaya, sinong hindi kikiligin do'n 'di ba? Kahit hindi mo gustong kiligin, maki-kilig ka! Bushak! Sa isip-isip ng dalaga.

"Bakit? Kinikilig ka?" Nakatikim ng bahagyang sapak sa mukha ang binata dahil sa sinabi nito.

"Baliw ka uy! 'Di ako kinikilig!"

"Don't worry. Tsk. That's okay, Maymay." 😎

"Grabe siya!" Tinakpan niya ang bibig. "Hindi nga!"

Natawa na lang ang binata dahil sa pagme-make face ng dalaga sa kanya. Aliw na aliw pa siyang ginagaya ito.

"Brad?"

"Hmm?"

"Ready ka na?"

"For what?"

"Sa ano--sa lahat ng pwedeng mangyari. Soon."

Nginitian siya ni Edward. "Of course. I'm with you, Maymay. Why wouldn't I be okay?"

Yan na naman. 'Yang mga salitang 'yan e. Diyan ako nadedehado e, sa isip ng dalaga.

"Ewan ko sa'yo, Edwardo."

Bahagya itong natawa. "What?"

"'Yang mga banat mong 'yan."

"Banat?"

"Ang corny mo, brad."

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Corny? May, if I'm corny, then you're super super corny. You watch Korean dramas all the time. You loved every kind of romantic movies. You even told me that Chewbacca loves you!"

"Oo naman."

"May, he's not real. Me? I am real Maymay." Tinuro turo pa niya ang sarili na kulang na lang yakapin pa niya si Maymay para lang iparamdam ang presence niya.

Then, there she goes again with her signature pressed lips with takip bibig to stop herself to feel kilig because of Edward's words.

Hindi rin kasi siya makatawa ng malakas nang sandaling 'yon dahil inakbayan siya ni Edward nang makarating sila ng parking lot.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon