MayWard 22

2.5K 121 1
                                    



Last day na ng shooting ng movie nina Edward at Maymay. Mabibigat na eksena ang huling kinuhanan nila dahil sa iisang lugar 'yon kinuha. Tahimik na nagre-rehearse ang dalawa, at seryosong nagbabatuhan ng linya. Nang matapos ay lumapit si Edward at inakbayan ang dalaga.

"This is it. Tutulong ako sa pagdi-direk mamaya. You got this, May."

Tinanguan ng dalaga ang binata t'saka ito sumandal sa balikat niya. "Kinakabahan ako. I think I will poop."

Agad na natawa ang binata. "Stop being so nervous. I'll be watching you so you don't have to worry. I know you can do it."

"Edward?"

"Yes?"

"Pagkatapos nito, ano na kayang mangyayari?"

"Hmm. . . I'll be with you and you'll be with me. Let's go and travel the world. 'Yon naman ang plano natin noon pa 'di ba?"

Napangiti ang dalaga. "Akala ko ba magkikita lang tayo sa airport?" Biro nito kaya naman bahagyang pinisil ni Edward ang tungki ng ilong niya.

"'Coz you said back then that, ikaw lang ang magta-travel. Hindi mo ako sinama."

"Siyempre, nahihiya ako."

"I know."

"T'saka ang laki kaya ng age gap natin."

"'Yan na naman. I already told you that, that doesn't matter. Do I look like a child to you?"

"Hindi 'yon. Baka kasi hindi ako makasabay sa trip mo or ikaw, sa trip ko."

He scoffed. "Yeah, right. We're both crazy. And I think, that's all that matters."

Ngingiti ngiting napapikit ang dalaga. Naramdaman pa nga niyang mas humigpit ang pagkakaakbay ng binata na para siyang niyakap nito gamit lang ng isang kamay dahilan para mas lalo siyang makaramdam ng kasiyahan. Nakadagdag kilig pa nang halikan ng binata ang buhok niya t'saka nito hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang nakaharang sa pisngi niya.

"Uy lovebirds! Skrengge much na kayo diyan. Ikaw na sasalang, May." Pukaw ni Pat na hindi mapigilan ang kilig dahilan para titigan niya si Edward ng may panunukso. Natatawa lang tuloy sa kanya ang binata. "Mag-ready ka na rin daw sabi ni Direk."

Tumango ang binata. "I'm ready. Punta na ako do'n." Tinanguan naman siya ni Pat t'saka ito lumabas na ng tent. Si Edward naman ay sinamahan ang dalaga na papalabas na rin bago dumiretso kay Direk.

Bago pa man matapos ang mga litanya ni Maymay ay nagawa na rin ni Edward ang dapat gawin. Masaya at naging successful ang huling taping nila. Meron pa nga silang munting salo-salo nang gabing 'yon.

"Congratulations to all of us!" Itinaas ni Direk Rory ang hawak na wine glass, at ginaya naman siya ng lahat.

"Ang bongga naman. Ang galing mo kanina, May," bulong ni Pat sa dalaga.

"Talaga? Hindi ba over acting?"

Umiling ang kaibigan niya. "Titig na titig ka kay Edwardo e. Totoong totoo."

Mabilis na nagbago ang facial expression ni Maymay from kinakabahan to feeling kilig kaya naman natawa na lang ang kaibigan nito.

Matapos ng ilang road tours in different cities and mall shows to promote their movie, nagawa na rin nilang makapag-picture for posters para sa movie. Idagdag pang inilabas na rin ang trailer at kabi-kabilang pre-order na ng block screening tickets ang sold out.

Sa kasalukuyang press conference na nangyayari para sa movie nila ay isa isang sinagot nina Edward at Maymay ang mga katanungang binabato sa dalawa.

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon