MayWard 30 - Last Chapter

4.1K 170 34
                                    



"Papa Joe, I know you're here somewhere. And I know, na mamayang maglalakad na po si Maymay, you'll be there, with her." Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Edward. Mabilis namang iniabot ni Marco ang tissue na hawak nito kahit alam niyang tinawanan lang siya ni Edward kanina nang sabihin niyang maiiyak ito. "I wanted to thank you. Thank you for raising Maymay so well. So well that she have this very big heart to love me, my whole family, my friends and everyone that's important to me." Suminghot ang binata at halos pumiyok ang boses niya nang simulan niyang magsalita ulit. "I promise you that, I will never ever leave her again. Yung promise ko po sa inyo ni Mama Ludy noon na aalagaan ko po siya, I will do it for the rest of my life." Tumingala si Edward. Kasabay no'n ay ang pagtaas niya ng kamao at pagyukong muli na para bang si Papa Joe talaga ang kinakausap niya.

Masaya ang lahat para kina Maymay at Edward nang sandaling 'yon. Lahat ay excited nang makita ang bride of the day na ngayon nga ay kitang kita na mula sa dulo ng simbahan.

Napangiti si Maymay nang iangat niya ang ulo. Inilibot niya ang paningin sa loob ng simbahan nang simulan niyang maglakad. Kitang kita niya ang masasayang mukha ng mga taong nandoon. Ang pamilya niya. Ang pamilya ng binata. Ang mga kaibigan nilang dalawa. At siyempre, ang nag-iisang lalaking naghihintay sa kanya sa harap ng altar.

"Edward. . ." Mahinang sabi niya kasabay ng paulit ulit niyang pagpisil sa bouquet ng bulaklak na hawak niya.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang balikan ang alaala nilang dalawa ng nobyo. Lalo na nang mag-propose ito na para bang kailan lang nangyari.

Pagbukas ni Maymay ng pinto sa loob ng bahay ay madilim doon. Pinakiusapan siya ni Mommy Cathy na bumili ng cake dahil nagke-crave raw si Laura nang dumating ito sa bahay nila. Agad namang pumayag ang dalaga dahil tulog naman si Edward nang oras na 'yon.

Ang pinagtataka niya ay kung bakit parang walang tao nang buksan niya ang pinto.

"Halla. Baka umalis sila! Pero--" Tumalikod siya at nilingon ang pinto "Hindi naka-lock ang pinto." Inilapag niya ang hawak na cake sa may maliit na mesa malapit sa pinto bago siya nangapa dahil madilim nga sa loob.

Kunot noo siyang nagpatuloy na kumapa sa may pader para buksan sana ang ilaw, ngunit laking gulat niya nang may makita siyang sunod sunod na umilaw na candle lights. Salit salitang kulay blue, pink at yellow ang mga 'yon. Ilang sandali pa ay may nahulog mula sa itaas na flower petals na ikinagulat niya.

"Anong nangyayari?" Kunot noong muli napukaw ang atensyon niya nang may makita siyang tao na may hawak na kandila.

"Maymay. . ."

Unti unting napalitan ng gigil na kilig nang makita ang mukha ni Edward na siyang may hawak ng kandilang 'yon. Bawat paghakbang ng binata ay siyang pagsilay ng ngiti sa labi ng dalaga. Idagdag pang ang mga kandilang isa isang nagsisisindi kanina ay hawak ng pamilya ni Edward at ng pamilya niya.

Gamit ang dalawang kamay ay napatakip na siya sa bibig. Kung anong bilis ng tibok ng puso niya ay siya namang bonggang bonggang kilig ang nararamdaman niya sa buong katawan niya.

"Edward. . . Bakit ka ganyan?" Malambing ang pananalita ni Maymay na mas lalong nagpangiti sa binata.

"Because I love you, babe."

"Edward!" Napatakip na siya sa mukha. Ramdam niya na ang pag-init ng pisngi niya at ang makapigil hiningang kilig niya lalo na nang tuluyang makalapit si Edward sa kanya.

"Hold this for me, May." Tukoy ni Edward sa kandilang hawak nito. Nang hawakan naman 'yon ng dalaga ay mabilis na nilabas ni Edward ang bracelet na nasa bulsa niya.

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon