MayWard 12

2.5K 130 5
                                    



Last day na ni Marydale sa trabaho kaya naman nagpa-farewell party ang mga katrabaho niya para sa kanya.

"So nagbabalik na ang MayWard tambalan? I can not believe this!" Kinikilig na sabi ng katrabaho niyang si Heidi.

"True! Napanood ko yung presscon niyo kagabi, ay susme! Kulang na lang kumuha ako ng oxygen mask!" Dagdag naman ng katrabaho niyang si Gael.

Sumingit sa usapan ang isa pang katrabaho ng dalaga, si Gracela. "Sabi ko naman sa inyo e. Iba talaga ang MayWard magpakilig e. Tignan niyo, ilang taon na nakalipas, ang bongga pa rin ng kilig na nararamdaman natin."

"Sana magkaroon din ako ng Edward John Barber sa buhay ko," singit din ni Charlena, katrabaho rin ni Maymay.

"Asa ka pa." Tumayo si Margie at hinawakan ang mukha ni Maymay. "Wala ka nito. Lalo na 'yang ilong niyang mahal na mahal ni dodong."

Nagtawanan silang lahat habang si Maymay naman ay napahawak sa ilong niya.

"Oh siya, good luck sa movie niyo ha?" Nakangiting sabi ni Catherine sa dalaga.

Tumango tango ang dalaga. "Maraming maraming thank you po talaga sa inyong lahat. Naging masaya po ako rito."

"Wala 'yon. Basta ikaw. T'saka mas napasaya mo kami 'no," singit ni Jorgie.

"Pinapaiyak niyo naman ako e. Pa-hug na nga lang." Isa isang naglapitan ang mga ka-trabaho niya ay niyakap siya.

Ang yakapan na 'yon ay biglang naudlot nang biglang naghiyawan ang dalawa nilang katrabahong sina Nica at Reneal. Napatingin tuloy sila sa sa hinayawan ng mga ito at nawindang sa nakita.

Nakatayo si Edward sa bungad ng pinto. Nakasandal ito doon at naka-crossed arms habang nakatingin sa kanila kani-kanina pa.

"Edward!" Sigaw nila t'saka sabay sabay na sinugod ang binata.

"Ay gano'n? Nakita niyo lang siya, nakalimutan niyo na ako?" Imbis na sagutin nila si Maymay ay may humila dito at itinabi kay Edward.

"Picture picture!"

Nagkagulo ang lahat. Natatawang sumabay sa trip naman sina Maymay at Edward nang sandaling 'yon.

Matapos makapagpa-picture ng lahat ay nagpaalam na ang dalawa. Sinundo talaga ni Edward ang dalaga para maagang makauwi ito at makapagpahinga. Maaga rin kasi silang luluwas sa Tagaytay para doon mag-shoot ng first scenes nila.

"I'll pick you up tomorrow." Inalis ni Edward ang seatbelt ng dalaga dahilan para hindi muna huminga si Maymay. Alam niyang amoy red wine siya, at kapag naamoy 'yon ni Edward ay magagalit ito dahil sinabihan siya kaninang hangga't maaari ay huwag siyang iinom ng beer, red wine o kahit ano pang alcoholic drinks. "Hey? Talk to me."

Nagtatakang tinitigan ni Edward si Maymay na ngayon ay halos iikot ang ulo ng 360 degrees para lang mailayo ng dalaga ang mukha niya sa mukha nito.

"May? What are you doing?"

Sinimulang buksan ni Maymay ang lock ng pinto pero hindi siya nagtagumpay dahil ni-lock yun ng binata.

"May, did you do something?" Nahala na ni Edward ang kilos ni Maymay kaya naman hinawakan nito ang mukha ng dalaga at iniharap sa kanya. Laking gulat niya nang maramdamang nag-i-init ang pisngi ng dalaga. "Hey! Breathe Maymay!"

Tinakpan ng dalaga ang bibig at huminga sa ilong. Kaagad namang naamoy 'yon ni Edward kaya kumunot ang noo nito.

"No, you did not. . ." May himig ng pagbabanta ang boses ng binata nang sandaling 'yon. Inilapit niya ang mukha sa dalaga at pinakatitigan ang mata nito. "Alisin mo kamay mo," tukoy niya sa nakatakip na kamay ni Maymay sa bibig niya.

Nanlaki ang mga ni Maymay. Hindi niya alam kung susundin niya ito o hindi. Kinakabahan pa siyang baka marinig ni Edward ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Isa, May."

Agad na umiling ang dalaga kaya naman nginisian siya ni Edward.

Sinimulang idikit ng binata ang noo niya sa noo nito at tinitigan ang mga mata ng dalaga. Nang hindi siya nakuntento sa ginawa ay ni-nose to nose niya ang dalaga. Si Maymay naman, animo'y parang naestatwa dahil hindi ito gumagalaw at pigil hiningang nakikipagtitigan kay Edward nang sandaling 'yon.

"Ayaw mo ha? Fine." Muling ngumisi si Edward habang itinataas taas ang dalawang kilay. Si Maymay na hindi pa rin alam ang gagawin ay mas lalong nagpigil ng hininga nang dumampi ang labi ng binata sa ilong niya. Nang pakawalan siya ni Edward ay mabilis niyang itinago inilihis ang mukha at maka-ilang beses na huminga ng malalim.

"Sinabi ko sa'yo na huwag kang iinom, but you did. That's your punishment."

Mabilis na tumakbo papasok ng bahay si Marydale nang makalabas siya ng kotse. Si Edward naman ay tawa ng tawa habang pinapanood siya.

"Bushak ka!" Sigaw pa ni Maymay sa kanya kaya mas lalo siyang natawa.

Pababa ng hagdan si Pat nang makita si Maymay na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pinto. Nagtatakang nilapitan niya ito.

"May? Anong ginagawa mo diyan?"

Nang mag-angat ng ulo ang dalaga ay tumayo siya at agad na niyakap ang kaibigan. "Na-buang na bai!" Sigaw niya. "Paktay na!"

"Dati ka naman nang baliw 'di ba?" Nang tumalon talon si Maymay ay nagtatatalon na rin siya kasama ito.

"Si Edward!"

"Bakit?"

"Bushak!"

Natawa ang kaibigan. "Ano ngang nangyari?"

Nang tumigil si Maymay ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Pat. Hindi niya alam kung tatawa o iiyak na masaya ang mukha ng dalaga. "Ayoko na."

"Si Edward?"

Agad na tumango si Maymay. "Hindi ko na kaya."

"Ang alin?"

Kinuha ni Maymay ang kamay ni Pat at ipinatong 'yon sa dibdib niya. Ramdam ng kaibigan ang bilis ng tibok ng puso niya kaya natawa na lang ito.

"Paktay ka na bai." Nagsimulang mang-asar si Pat. "Inlababo ka na. Ay! Mali. Matagal ka na pa lang in love sa kanya." Hindi pinansin ni Pat ang bawat hampas ni Maymay sa balikat niya dahil sa kakatawa.

"Ewan ko sa'yo. Diyan ka na nga." Naka-irap na sabi ni Maymay t'saka siya dali daling umakyat sa hagdan papunta sa kwarto.

"Edwardo! Hay nako! Ano bang gagawin ko sa'yo?" Mahinang bulong niya nang maisarado ang pinto.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon