MayWard 2

3.8K 172 28
                                    



"Thank you for flying with MW World Airlines. Have a great day!"

Naka-ilang beses na bati na siya sa lahat nang sandaling 'yon pero hindi 'yon naging dahilan para mawala sa isip ni Maymay si Edward ng araw na 'yon.

"Great job, Marydale."

"Ay Ma'am! Thank you po, Ma'am." Hinarap niya ang katrabaho na mas matagal nang nagtatrabaho ro'n.

"Sabi nang huwag mo na akong tawaging Ma'am e. Rica na lang."

Ngumiti na lang si Maymay bilang pag-sagot dahil may tumawag kay Rica. Pasimple na rin siyang umalis para mag-handa ng bumaba mula sa eroplano.

Nasa kalagitnaan siya nang paglalakad at pag-te-text may Vincent nang may nakasalubong siya dahilan para magbanggan sila.

"Ano ba 'yan!" Inis na bulong ni Maymay. "Ang tanga tanga naman e." Huminga ng malalim si Maymay. "Kasalanan mo 'to kuya! Sabi nang mamaya na kita ite-text e!" Nanggigil pa niyang bulong.

"Oh sorry. Sorry." Tinulungang pulutin ng lalake ang nahulog na bag ni Maymay. "Okay ka lang?"

Hindi pa man tumitingala si Maymay ay nakilala niya ang boses ng lalaking 'yon. Hindi niya tuloy alam kung titingala pa ba siya para makita niya ito, o kung maglalakad palayo.

"Uhmn, your-uhm wait, your hair is--" Natigilan ang lalake nang makita ang mukha ni Maymay. Kasabay ng paglunok at paglaki ng mata ni Maymay, ay siya namang pag-silay ng ngiti sa labi ng lalake. "Maymay. . ."

"Ano--yung--kamay mo. Yung buhok ko--hawak--"

Agad na binawi ng binata ang kamay niyang nakahawak sa buhok ni Maymay. "Ah, yeah. Sorry."

"O-okay lang." Nainis ang dalaga sa sarili ng mabulol dahil sa kaba.

Napahawak sa batok ang binata. "Are you sure you're okay, May?"

Agad na tumango tango ang dalaga. Hindi niya pa rin alam kung tatakbo na ba siya o, ano na? Isip utak!

"Stewardess ka na talaga?"

Tinignan pa niya ang sarili mula ulo hanggang paa dahilan para bahagyang tumawa ang binata. "Ah--hehe--oo."

"Kamusta ka na?"

"Okay. Okay naman. Ikaw?" Napangiti na siya nang marinig ang tawa ng binata.

"Great. I'm great."

Hindi na nawala ang ngiti sa mukha ng binata at gano'n na rin kay Maymay. Magkahalong kaba at kasiyahan ang nararamdaman ngayon ni Maymay. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya na ang lalaking kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya.

Pero hindi rin maitago ng dalaga ang awkwardness na nararamdaman niya. Sa isip niya, may katanungan na kung may karapatan ba siyang makita ito.

"May?" Pukaw nito sa kanya.

"Hmm?" Nanlaki ang mata niya nang marinig muli ang pangalan niya mula rito.

"Ang mata mo, ang laki pa rin," tumatawang komento ni Edward dahilan para mapangiti si Maymay.

"Hindi ka pa rin nagbabago," mahina niyang sabi pero narinig 'yon ng binata kaya naman nginitian din siya nito.

"Medyo tumaba ka na," komento ng binata.

"Pumayat ka na rin," natatawang komento rin sa kanya ng dalaga dahilan para muli silang matawa.

"Hindi ka na manok?"

Umiling si Maymay. "Ikaw, hindi ka na baboy."

Natigilan sa pagtawa ang dalawa nang mag-ring ang cellphone ng binata. Sinenyasan pa niya si Maymay bago ito sagutin.

"Hello Mom? Yes. Kararating ko lang. I know. Oh yeah Mom, guess what?" Nilingon siya ng binata. "I'm with Maymay. She's a stewardess now. Yeah. Okay, okay. I'll ask her. Alright. I'll see you tonight. I love you too."

Nang ibaba ng binata ang tawag ay siya namang kaway na ni Maymay palayo. Ngunit agad siyang hinabol ng binata at hinawakan ang braso nito para pigilan.

"Where are you going?"

"Ano--uhm!" Sinubukan ni Maymay na mag-isip ng alibi para makaalis na ro'n. "May hinahabol akong flight."

"Huh? E 'di ba kabababa mo lang?"

"Hindi."

"May, you're not a very good liar. We both know that."

Bumuntong hininga si Maymay. "Oh sige. Sasabihin ko na ang totoo."

"Hmm?"

"Hinihintay ako ni kuya. Nagpasundo ako sa kanya."

Tinuro ng binata ang sarili. "At your service."

"Ha?"

Bahagyang tumawa ang binata. "Ako ang sundo mo."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Maymay. "Ano? Pa'no?"

"Teka, May. . ."

"Bakit?" Lumapit sa kanya ang binata dahilan para umatras siya.

"Don't move."

Dalawang salita. Dalawang salitang nagpatigil sa kanya para umatras.

"Your eyes." Matamang tinitigan ng binata ang mga mata niya.

"Bakit?"

"Are you wearing contact lenses?"

"Ah--oo." Halos amuyin ng dalaga ang buong hininga ni Edward dahil amoy mint 'yon. Idagdag pang napakabango ng binata na kung pwede lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib nito at amuyin ito ng paulit ulit.

"Hmm. . . Do you see me better now?" Nakangiting tanong sa kanya ng binata na halos makalimutan niya atang huminga nang sandaling 'yon. "Let's go." Hawak ang kamay ng dalaga ay kinuha ng binata ang dala niyang bag at maleta t'saka niya ito hinila palabas ng airport.

Hindi alam ni Maymay kung paano siyang naka-upo na sa front seat kasama ngayon ang binata na nagda-drive papunta kung saan. Ang alam niya lang ng sandaling iyon ay ang bilis ng tibok ng dibdib niya at pinagpapawisang kilikili niya.

Hindi pa man din ako nakapag-deodorant, sa isip ng dalaga.

"Mom is asking me if we can meet her later."

"Huh?"

"I already told her, yes we can. After nating maka-usap si direk Rory."

"Ano?" Mas lalo na siyang naguluhan sa sinasabi ni Edward. Naguguluhan na nga siya sa nangyayari, pati ata pag-e-english ni Edward ay hindi niya na maintindihan kahit pa pinag-aralan niya nang mabuti ang salitang English.

"Yes. Si Direk Rory. Remember her? Siya 'yong director na nakilala natin sa loob ng bahay ni Kuya sa PBB?"

"Teka, teka. Naguguluhan ako."

"Me too! I was surprised! Imagine? That's direk Rory!"

"Hindi ko ma-gets."

"Ma-ge-gets mo rin mamaya. She'll talk to you too. She don't really know how to contact you, kaya ako ang tinawagan niya."

"Edwardo, kahit anong explain mo ngayon, nawawala pa rin ako."

Saglit na nanahimik si Edward kaya naman pasimple niyang nilingon ang mukha niyang nakaharap sa kalsada dahil nga nagda-drive ito.

"Edwardo. . . It reminds me of--" He shook his head. Nang tumingin siya kay Maymay ay ngumiti siya sa kanya. "Na-miss kita, May. Hindi pa kita nayayakap."

And that made Marydale's heart burst.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon