MayWard 27

2.6K 114 3
                                    



Ang bumasag sa katahimikan ng dalawa ay ang pagpapatugtog ni Edward ng kantang "Closer You and I". Agad siyang nilingon ng dalaga kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi nito.

"Remember this song? Ito 'yong first theme song ng first movie natin." Nilapitan ng binata ang dalaga at walang pasabing hinawakan ang mga kamay nito. "Dance with me."

Marahang tumango si Maymay. Para sa kanya napaka-magical na ala-fairytale ang sandaling 'yon sa kanila ng binata. Who would have thought that something like this, meeting Edward--would be so everlasting. Ang simpleng pagsuklay ng binata sa buhok niya, pati na rin ang simpleng gesture niyang paghawak sa likuran niya para alalayan siya, at ang bawat titig na nilalaan ng binata sa kanya, kulang ang salitang kasiyahan para ma-explain ng dalaga kung anong pakiramdam ang dulot no'n sa buong sistema niya--euphoria. Never niyang in-expect ang isang Edward sa buhay niya at napaka-thankful niya sa Itaas dahil sa mga biyayang natanggap niya mula rito, kasama na nga ang binata.

"May?"

"Hmm?"

"Thank you."

Ngumiti ang dalaga. "Para sa'n?"

"Na nandito ka ngayon. To be with me."

"Ikaw lang e. Wala kang tiwala sa'kin."

Nakangiting umiling ang binata. Mas hinapit pa nito ang dalaga sa bewang dahilan para mas lalong silang maglapit. Pigil ngiting nakatitig naman ang dalaga sa mga mata nito, at kasabay no'n ay ang paggalaw ng mg braso niyang halos nakayakap na sa leeg ng binata.

"Thank you for loving someone like me."

"Ehe. . ." That signature smile of hers and giggling started to come out. "You're welcome, my prince."

Bahagyang natawa ang binata. Nang matitigan niyang muli ang mga mata ni Maymay ay agad na lumamlam ang mga mata niya. Gustong gusto niyang nakikita ang repleksyon ng mukha niya sa mga mata ng dalaga. He loves her so much, and so much that she can fill his life like no else can.

"Babe. . ."

"Yes, babe?"

"I hope you'll remember that no matter what, I'm here for you and I fully intend on staying in your life for like, everyday--"

"Edward. . ." Nagsimulang tumulo ang luha niya kaya naman isinubsob niya ang mukha sa leeg ng binata. "Ang tamis masyado. Pakiramdam ko, malulusaw ang puso ko sa mga sinasabi mo."

Mahigpit na niyakap ng binata ang dalaga kasabay ng bahagyang pagtawa nito. "I just wanted you to know everyday how much I love you. If my actions aren't enough, I want you to hear it from me. If only I can take out my heart and let you see it, it's beating for you, Maymay."

"Oo na! Gets ko na! Tama na! Kung may langgam lang dito, kanina pa tayo nilalanggam." Suminghot ang dalaga bago siya tumingala ulit at salubungin ang mga mata ni Edward na hindi niya inaasahang makikita niyang lumuluha. "Bakit? Bakit ka umiiyak?"

"I'm scared, May."

"Ha?"

"What if one day, I'll wake up and never see you again? What if--"

Kasabay ng paglapit ni Maymay sa mukha ni Edward ay ang pagpikit niya at pagdampi ng labi nito sa labi ng binata. He stopped talking, of course. Saglit pa ngang nanlaki ang mata ni Edward nang gawin 'yon ni Maymay pero agad din siyang pumikit para damhin ang labing 'yon sa labi niya.

"Huwag kang nega, okay?" Ani Maymay habang kumakalas sa pagkakahalik kay Edward. Mahina ngunit sapat lang para marinig ng binata. Hindi pa siya nakuntento nang ilang beses pa niyang paulanin ng paulit ulit ngunit mabilis na nakaw halik sa labi ng binata na para bang nanggigil dahilan para hulihin ni Edward ang ibabang labi ni Maymay at bahagyang kagatin 'yon dahilan para pareho silang matawa. Nang muling humiwalay ang dalaga ay pinanggigilan niyang pisilin ang tungki ng ilong ng binata. "Alab-I love you, babe. Alam mo bang matagal ko ng gustong gustong gawin 'yan sa'yo? Na papakin 'yang labi mo."

Tumawa ang binata. "I love it. Please continue."

"Aba! Sabi mo 'yan ah!" At inulit nga ni Maymay ang ginawang paghalik nito sa labi ng binata.

Ngumiti ang binata at hinalikan sa noo ang dalaga nang matapos ang dalaga. Nang gawin ni Edward 'yon, agad na napapikit si Maymay. Gusto niyang maging malakas para sa binata. Sa tuwing panghihinaan ito ng loob, gusto niyang maging suporta nito. Hindi niya kailangan ang panghihina ng kalooban nang sandaling 'yon, dahil gusto niyang siya ang maging lakas ni Edward hanggang sa malagpasan nito ang pinagdadaanan.

Lumipas ang isa, dalawa, tatlong buwan. Kumalat ang iba't ibang balita sa Pilipinas na magkasama na nga raw sina Edward at Maymay sa Germany at doon na nagpakasal. Sa tuwing mapapanood naman 'yon ng dalawa sa balita ay pareho na lang silang matatawa. Tatlong buwan na nga ang nakalipas at dalawang buwan na rin ang nagdaan mula nang mag-propose si Edward kay Maymay na tinanggap naman ng dalaga. Halos araw-araw ngang binabalikan 'yon ng dalawa dahil may video 'yon na kuha ni Laura, kasama ang pamilya ni Maymay nang gawin nga 'yon ng binata.

"I swear, May. Pagkatapos ng treatment ko this week, we can start planning our wedding. Para maging real ang news na 'yan." Kasalukuyang nakaupo sa sofa ang dalawa at nanonood nga ng balita.

Umiling ang dalaga. "Hayaan mo sila, t'saka isa pa, hindi kita tatakbuhan. Hindi ako mawawala. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya 'yang kasal na 'yan, hindi naman natin kailangang madaliin. Ang importante, maging okay ka muna. Maging ayos ang lagay mo. Sa ngayon, 'yon ang pinakaimportante para sa'kin."

Napangiti ang binata dahil sa laki ng pang-unawa ng dalaga sa kanya. Muli niya itong inakbayan at hinalikan sa buhok dahilan para lingunin siya ng dalaga ang bigyan ng signature pa-cute look nito kapag kinikilig. Bahagya namang pinisil ni Edward ang munting tungki ng ilong ni Maymay na nagpatawa sa dalaga.

"As long as we're together, May, the rest will fall in place."

"As long as we're together, Edwardo, hindi mawawalan ng sumasabog na fireworks sa puso at sikmura ko. Ang sweet-sweet kasi! Nakakainis!" Pareho na natawa ang dalawa. Hindi ata talaga sila mawawalan ng mapaguusapang hindi magpapatawa sa isa't isa. Palaging may sariling mundo kahit pa maraming nakapalibot sa kanila.

"May? Edward?" Nalingunan ng dalawa si Mommy Cathy na may dalang tray kaya naman agad na tumayo si Maymay para kuhanin 'yon sa ginang at inilapag nga 'yon sa mesa na nasa living room. "Mag-meryenda muna kayo bago kayo pumunta ng ospital mamaya."

"Thanks po, Tita."
"Thanks, Mom."

"Aba, Maymay iha. Baka gusto mong simulan na akong tawaging Mommy?" Nanunuksong tinitigan ni Mommy Cathy ang dalaga. Itinaas taas naman ni Edward ang dalawang kilay na nagpatawa sa ina.

"Ehe~~ uhm. . ." Kinikilig na napatakip ng bibig si Maymay. "Thank you po, Mommy Cathy."

"Yun oh. You're welcome anak." Niyakap ng ginang ang dalaga. Mahigpit namang ibinalik ng dalaga ang yakap na 'yon. Nang magbitaw sila ay hinimas pa ng ginang ang braso nito. "Tawagan mo mamaya sina Lorna at Mama Ludy. Sabihin mong dito na sila sa bahay mag-dinner."

"Sige po, Tita--eh, Mommy." Sabay na natawa ang mag-ina dahil sa naging tugon nito.

Napaka-swerte ko po talaga sa inyo, Lord. Sobra sobrang thankful po talaga sa inyo dahil nakilala ko ang pamilyang ito. Thank you po! I love you po talaga, sa isip ng dalaga ay hindi siya nagsasawang magpasalamat sa Itaas. Araw araw at halos oras oras ding nagdadasal ang dalaga para sa pinakamamahal niyang Edward.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon