MayWard 9

2.6K 132 4
                                    



"Ed-ward. . ." Hindi alam ni Maymay kung anong klaseng tono ng pagtawag sa pangalan ni Edward ang gagawin. Kanina pa kasi ito walang imik mula nang makalabas sila ng bahay. "Edwardo. . . Galit ka ba?"

Sinimulan niyang kalibitin ito pero wala pa ring epekto. Ni hindi talaga siya nililingon ng binata nang sandaling 'yon.

"Edward John Barber. . ." Naging malambing ang tono niya at patuloy pa rin ang pagkalabit ng dalaga.

"I'm not mad."

"Smile ka nga."

Inilabas lang ni Edward ang ngipin. Napipilitang ngumiti. Ayaw man magtampo nito ay wala siyang magawa sa nararamdaman. Hangga't maaari ayaw niya talagang magkaro'n sila ng ng tampuhan. Masyado nang mahaba ang limang taon para mag-inarte pa siya. Limang taon—limang taon na ang sinayang niya at ayaw niya nang magkaroon pa sila ng agwat ng dalaga.

Hindi na talaga mapakali ang dalaga nang makita ang binata na gano'n. Kaya naman hinawakan na nito ang braso at ipinatong niya ang ulo ro'n.

The moment he felt what Maymay is doing, his heart melted. The sadness, disappointment, devastation--all of the negative emotions that he felt a while ago, disappeared quickly. Daig pa niyang binuhusan ng rainbow-glitter feeling, in short happiness energy mula sa dalaga.

Gano'n kabilis ang epekto ng bawat galaw at sabihin ni Maymay kay Edward. Gano'n kabilis ang reaksyon ng katawan niya. He doesn't need to do anything, it just happens. With Maymay, her, doing that is just being herself. She makes people feel that she's really sincere and sorry for whatever mistake she did, and she'll sure to make it up to them.

Especially to him.

"Sorry na, Edward. Okay?"

"Sorry for what, May?"

"Sorry sa--teka nga." Binawi niya ang ulo na nakapatong sa braso nito at umayos ng upo. "Ang pa-bebe mo ha."

"What? Ako? Pabebe?" He scoffed. "No I'm not. Baka ikaw."

Pinanlakihan niya ng mata si Edward. "Bushak ka talaga, buang ka!"

"Blah blah-buang ka!" Panggagaya nito kaya inis na hinampas ni Maymay ang braso niya. "Stop, May. I'm driving."

"Hmp!" Inirapan na lang niya ito. "Sa'n ba tayo pupunta?"

"Sa puso ko."

"Corny mo uy!"

He laughed at her. "Corny kasi umiibig."

Si Maymay naman ang natawa. "Baliw!"

"To you."

Nag-make face na lang si Maymay dahil wala na siyang mai-sagot kay Edward. Hanggang ngayon, 'yon pa rin ang ginagawa niya kapag tinatago ang kilig. Ginagaya na lang din siya ni Edward dahil alam niyang hindi magpapatalo ang dalaga, at siyempre, gano'n din siya. Pasalamat lang ang dalaga dahil nag-green light kaya napilitang tumigil si Edward sa panggagaya sa kanya para makapag-focus magmaneho.

Halos dalawang oras din ang itinagal ng byahe hanggang sa marating ni Edward ang lugar kung sa'n niya gustong dalhin ang dalaga. Hindi pamilyar kay Maymay ang lugar na 'yon kung sa'n siya dinala ni Edward. Walang masyadong tao do'n at tago ang lugar kahit pa tabi ito ng baybay. Edward knows how Maymay loves going to the beach, kaya naman nang matuklasan niya ang lugar na ito, ang dalaga agad ang pumasok sa isipan niya.

Nang masilayan ni Maymay ang dagat ay agad siyang napangiti. Hindi niya maalala kung kailan siyang huling nakakita ng baybay. Matagal tagal na rin kasi siyang walang bakasyon sa Cagayan de Oro.

"Ang ganda. . ." Bulalas ni Maymay t'saka niya hinarap ang binata na ngayon ay sa kanya nakatingin at hindi sa view. "Nasa'n tayo?"

"Hmm, I think it's called Sea Prinsesa."

"Sea Prinsesa?" Natawa na lang si Maymay at muling minasdan ang napakagandang view na nakikita niya. "Ang weird lang ng pangalan."

Tumango tango lang ang binata. Ilang sandali pa ay nagsimulang maglakad lakad ang dalaga habang nakasunod naman si Edward sa kanya. Nang makita ng binata kung ga'no nagustuhan ni Maymay ang lugar ay inilabas niya ang cellphone niya para gamitin ang camera at kuhanan ang dalaga. Gusto niya kasing laging kinukuhanan ng picture o video si Maymay lalo na kapag memorable ang pangyayaring 'yon.

Tulad ngayon. Magiging memorable na naman ang pangyayaring 'to sa buhay niya at buhay ni Maymay dahil ito ang kauna-unahang beses na nagpunta sila sa beach ng silang dalawa lang.

"May! Tingin ka, May. Maymay!" Nang tumingin si Edward ay sunod-sunod niya itong kinuhanan ng litrato. Todo pose naman si Maymay. Halatang nag-e-enjoy din ito.

"Amina 'yan. Kukuhanan din kita." Mabilis na lumapit si ang dalaga sa kanya at kinuha ang camera. Nang makaayos si Edward ay agad na kinuhanan siya ni Maymay.

Bukod sa maririnig mong tawanan at kulitan ng dalawa, hindi mawawala ang tunog ng nagliliparang mga ibon dahil sa mga kakahuyang malapit sa baybay. Pati na rin ang tunog ng pagdampi ng alon sa buhangin ay rinig na rinig ng sandaling 'yon.

Naka-ilang selfies na rin sila bago nila napag-desisyunang maupo muna at pagmasdan ng maigi ang paligid.

"Ang ganda ganda talaga. Grabe. Super. As in. Ang galing galing mong pumili ng lugar."

"I'm glad you like the place."

"Hindi lang like no. Love. Love na love."

Napangiti ang binata dahil sa papuring narinig sa dalaga.

"You wanna go swim?"

"Huh? Wala akong dalang damit."

"We can go buy there." Tinuro ni Edward ang kubo na nandoon.

"Doon? E 'di ba kubo yun?"

"Well, it is a kubo. But inside, you can stay there 'coz they have rooms. And you can even buy a swimsuit, kasi they have a small store. Tapos, you see that another kubo?" Tinuro nito ang isa pang kubo na katabi no'n. "That's a restaurant."

"Ahh. . . Ilang beses ka na bang nagpunta rito?"

"I really can't count it."

"Anong ibig mong sabihin? Matagal ka na nagpupunta rito?"

"Yes."

"Kailan pa?"

"Five years ago. Nahanap ko 'to before I went back to Germany." Humiga sa buhanginan ang binata. Inunanan niya ang dalawang braso. "I'm planning to bring you here and surprise you. Malapit na kasi ang birthday mo that time, and yun nga. Something happened. Something that I don't even wanna think about, but I end up thinking about it anyway."

Kuha na agad ni Maymay kung anong ibig sabihin ng binata. Sasagot sana siya pero nakita niyang pumikit si Edward. Nanahimik na lang siya at matamang tinitigan muli ang dagat.

Kailan ba kami titigil na maalala ang nakaraan? Hindi ba pwdeng mag-move on na lang? Napabuntong hininga na lang si Maymay nang maisip 'yon.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon