MayWard 19

2.5K 116 4
                                    



Araw ng pahinga. Parehong late na nagising ang dalawa. Si Maymay na papunta sa banyo para maligo ay pakanta kanta pa dahil sa magandang gising niya. Para sa dalaga, isa na sa mga importanteng gawa niya sa buhay ay ang makatulog ng bongga. Si Edward naman ay ready nang lumabas nang matapos ayusin ang sarili with matching spray-all-over-the-body perfume.

"Amoy pagibig!" Bulalas niya pa nang amuyin ang sarili.

"Anak."

"Yes, Mom?"

"You going out with Maymay?"

"Yes, Mom."

"Out for dinner ba? Darating ang Daddy mo mamaya. Kung pwede lang naman, dito na lang kayo mag-dinner. 'Coz your dad wants to see Maymay too."

Ngumiti ang binata kay Mommy Cathy. "Sure, sure. I know that you guys love Maymay more than me already. That's fine."

"Asus! Nagtatampo ka ba talaga? O gustong gusto mo rin na gusto namin siya?"

Malaking ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "Do you really have to ask that Mom? Siyempre, both." Natawa na lang ang kanyang ina sa sagot nito.

Naabutan ni Maymay ang ina at ang Mama Ludy niya sa kusina. Amoy na amoy niya ang niluluto nilang sinigang kaya naman mabilis siyang tumakbo papunta ro'n.

"Ang bango!" Sabay na napalingon sina Mama Ludy at Mama Lorna sa dalaga. Humalik siya sa dalawang ginang t'saka nito tinikman ang sinigang. "Ang sarap. Walang pinagbago."

"Nambola ka pa. Oh siya, nasaan ang Edward natin?"

Nag-kibit balikat ang dalaga. "Hindi ko pa siya natatawagan."

"Heto na ang Edward niyo," pukaw ni Vincent na kasama nga si Edward. May dala itong dalawang bouquet ng bulaklak. Ang isa ay ibinigay kina Mama Ludy at Mama Lorna t'saka siya nagmano sa mga ito. At ang isa naman ay ibinigay niya kay Maymay t'saka niya hinalikan ito sa pisngi na nagpalaki ng mga mata nina Mama Ludy, Mama Lorna at Vincent.

"Sina Mama na lang ang bigyan mo next time."

"No. I'll still give you flowers whenever I wanted to see you." Bahagya niyang hinawakan ang ilong ni Maymay. "I want you to feel that you're special in any kind of way."

"Eherm!" Sunod-sunod na parinig ng dalawang ginang at ni Vincent kaya naman sabay na napatingin ang dalawa.

"May extra special na pagmamahal eh. . ." Hawak ni Vincent ang baba at hinihimas himas 'yon na akala mo naman may balbas kahit wala naman.

Nahihiya namang nagpapalit palit ng tingin si Maymay sa kanila at kay Edward. Ang hindi mapakaling kamay ng dalaga ay nagawa pa ngang hawiin ang buhok niyang bahagyang nakaharang sa pisngi at isabit 'yon sa likuran ng kanang tenga.

Nang mapansin ni Edward ang ginagawa ng dalaga ay ginaya niya ito na ginawa naman niya sa kaliwang tenga ng dalaga.

"Sabi na e. Iba e!" Bulalas ulit ni Vincent. "Kayo na 'no?"

Si Edward naman ang nahiyang tumingin sa kanila. Napahawak pa 'to sa batok at napayuko. Ngunit agad din siyang nag-angat ng ulo at ngumiti.

"She said she loves me so I said we should date."

Kaagad na hinampas ni Maymay ang balikat ni Edward. "Ano uy? Grabe!" Umiling iling si Maymay. "Ganyanan na pala!"

"I'm kidding, May." Lahat sila ay tumawa. "But, seriously. . . Me and Maymay are dating na po. Like, finally," bumuntong hininga niyang balita sa kanila kaya naman nakatikim ulit siya ng sapak sa mukha galing sa dalaga.

"Ang tagal mo kasing hindi bumalik. Naudlot tuloy nung gusto ka na niyang sagutin," biro ni Mama Lorna.

"Oh. . . Really?" Nilingon ng binata si Maymay na ngayon ay nakalobo na naman ang pisngi. "You should've told me that before."

"You should've told me-told me ka d'yan! Eh ni wala nga akong kontak sa'yo!"

"Look, May." Inilahad ng binata ang kamay niya at sinimulang magbilang. "You know my Instagram account, my Twitter, my Facebook--and you even know how to contact me because you're always talking to Laura, my Mom and my Dad. You just choose not to talk to me. Right?"

Lumabi ang dalaga. "E kasi. . . Ah basta!"

"No. Tell me why. I was actually wondering too."

"Kasi, sabi niya, pagbubutihin niya raw muna lahat ng ginagawa niya bago ka niya kontakin. Kailangan daw kapag nagkita kayo, kahit papa'no raw magka-level na kayo. Yung tipong naiintindihan niya na lahat ng English mo. Ang tagal kayang pinag-aralan 'yan ni Maymay dahil 'yan talaga ang weakness niya."

Sabay sabay silang lahat na napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Si Pat. Kabubukas nito ng ref at may hawak na water bottle.

"What do you guys mean?" Nagpalipat lipat ang tingin ni Edward sa dalawang magkaibigan na ngayon ay nagtititigan at nagtuturuan. "May? Ano 'yan?"

She rolled her eyes and took a deep breath then let it go. "Ayoko kasing laging nasasabihan ka na ang pangit ng taste mo sa babae. Na pinipilit lang ako ng management sa'yo. Kaya nag-decide ako, na kahit papa'no, kailangan kong tulungan ang sarili kong sumagot ng tama. Intindihin ka nga para hindi tayo nagkakaroon ng misunderstanding. Ayokong nakakarinig ng mga negative tungkol sa'yo lalo na kung dahil sa'kin. T'saka para na rin sa'kin 'yon para ma-improve ko pa ang sarili ko. Pero, ang main reason nga e, ikaw Edwardo."

"Kire!" Sigaw ni Pat dahilan para magtawanan sila at tuksuhin si Edward na ngayon ay pinamumulahan ng tenga.

"But, May. . ." Hinawakan ni Edward ang magkabilang braso ng dalaga at hinimas 'yon. "You don't really have to do that. You're more than enough."

"Para sa'yo, gano'n. Pero ako kasi, hindi gano'n ang tingin ko sa sarili ko. T'saka ano ka ba. Alam ko naman talaga kung anong kaya ko at hindi ko kayang gawin. Kaya nga willing akong matuto 'di ba?"

Bahagyang ginulo ni Edward ang buhok ni Maymay. Napangiti na lang siya dahil sa ugali nito. Hindi rin siya makapaniwalang magiging ganito ang dalaga para sa kanya.

"Oh siya. Halina't ayusin na natin ang mesa nang makakain na tayo." Pukaw sa kanila ni Mama Ludy.

"Ay, Ma. Lalabas po kami ni Edward," agad na sagot ni Maymay.

"Aba. E 'di kumain muna kayo bago lumabas. Mas makakatipid pa kayo."

Tinitigan ni Maymay si Edward. Tumango naman ang binata. "Okay lang. C'mon, let's eat."

Nang magsimulang mag-prepare ang lahat ay lumapit si Maymay sa binata. "Sorry."

"Okay lang. Don't worry about it."

"Bawi na lang ako sa'yo. Promise."

Ngumiti ang binata. "Good."

Mag-a-alas dos na nang makalabas sina Maymay at Edward. Habang abala ang dalaga sa phone niya, ang binata naman ay nakatuon ang paningin sa daan, hawak-hawak ang kaliwang kamay ng dalaga.

"Babe?"

"Hmm?"

Nang mag-stop sign ay agad na nilingon ng binata ang girlfriend niya. "Babe!"

"Oh ano?" Hindi pa rin lumilingon dito ang dalaga.

"What are you doing?"

"Binabasa ko 'yong article tungkol sa'yo." Ipinakita ng dalaga ang phone niya at 'yon nga ang ginagawa niya. "Pagkatapos nitong movie, anong balak mo? Sa ABS mo ba gustong mag-work kaya ka assistant director ngayon under Star Cinema?"

"Hmm. . . I don't really know. What do you think?"

Nginitian siya ng dalaga. "Kahit namang anong gawin mo, nandito lang ako to support you."

Napangiti ang binata. "Really?"

"Oo naman. Malakas ka kaya sa'kin." Kumindat si Maymay kasabay ng saranghae sign niya gamit ang hintuturo at hinlalaking daliri na nag-form ng heart shape. Hinalikan naman ng binata ang likuran ng palad niya at sinabihan siya ng I love you nito bago ulit pinatakbo ang sasakyan.

Ngunit talagang hindi mo aasahan ang susunod na pwedeng mangyari sa buhay ng isang tao. Sa isang iglap, malakas na busina ang narinig at malakas na pag-preno ang nangyari dahilan para itakbo sa hospital ang dalawa.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon