MayWard 18

2.4K 124 8
                                    



"May?" Sinimulan niyang akbayan ang dalaga. Nang lingunin siya ni Maymay ay agad niyang pinunasan ang luha nito.

"Nagsimula na."

"What do you mean?"

"Nagsimula na yung kinakatakutan ko noon."

"Takot? From what?"

"Sa mga kagaya ni Sky."

Naintindihan agad ni Edward ang senyas ni Maymay sa dibdib niya. Nasasaktan ang dalaga dahil sa narinig nga nito kanina.

"But, I'm here May. I'm here to protect you."

"Pero hindi mo pa rin mapipigilan ang mga taong manghusga. Alam kong si God na ang bahala sa kanila, pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan ba."

Edward patted her head and gently kissed her forehead. "I know. But you're strong, right? And you will become stronger kasi I'm with you. Hindi kita iiwan, May."

Kumalma naman ang dalaga nang marinig 'yon kay Edward. Alam na niya. Alam niya nang maraming pwedeng mangyari na pwedeng makapanakit sa kanya. Ngunit sa ngayon, para kay Maymay ay importante na ring malaman ng binata kung ga'no siya kahalaga dito at handa na siyang sumugal.

"Bakit ba kasi ako?"

"Hmm?"

"Bakit nga ba ako ang minahal mo?"

Magiliw na ngumiti si Edward. "Kasi--ano--uhmm. . ." Nakaramdam ng hiya. "I don't know. It just happened. Maybe because you're always there for me. And I know that, my Mom, my Dad, my sister can't always be there, and I'm thankful that you are. So, thank you. Thank you for staying."

"Ang layo naman ng sagot mo." Ngumiti ang dalaga. "Pero, you're welcome."

Ngumiti ang binata. "Why? What do you wanna hear ba?" Bahagya niyang pinisil ang ilong ng dalaga.

"Hindi lang kasi ako makapaniwalang nagkagusto ka sa'kin."

Bahagyang kumunot ang noo ng binata. "Why? What part of you makes you think that you're hard to love? I fell in love with you. Simple as that. But if you're asking me what I love about you?" Pinisil muli ng binata ang ilong ng dalaga. "I love your nose. I love your teeth." He started laughing. "I love your personality 'coz you're always crazy." She started laughing too. "I just love everything about you, so stop asking already. Even your flaws—everything, Maymay."

Pinigilan ni Maymay ang kilig nang palobohin niya ang pisngi niya, pero sa huli ay hindi na siya nakapagpigil pang tumawa dahilan para matuwa ang binata sa reaksyon niya.

"What about me, May? What do you like about me?"

"Bushak!" Nasampal ng dalaga ang binata pero agad din niyang hinimas 'yon nang malakasan niya. "Sorry."

"It hurts," pag-i-inarte ng binata.

"As in? Hala! Sorry."

"Ang sakit din dito." Itinuro ni Edward ang dibdib niya. "'Coz you don't love me."

Binigyan ng tumigil-ka-nga-diyan-look ng dalaga si Edward. "Hindi ka naman mahirap mahalin, Edward. Pero kasi--"

"No. Stop right there. Don't say that pero word. I'm contented knowing that I'm madaling mahalin."

Hinampas ng dalaga ang balikat ng binata. "Ang kire mo!"

Ngumisi ang binata. "It's because of you, okay? Any complaints?"

"Wala na. Panalo ka na."

"Hindi pa. You're not my girlfriend yet eh."

"Ang kire talaga! Bushak ka!" Natatawang sabi ng dalaga kaya naman natawa na lang din si Edward.

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon