MayWard 14

2.5K 119 1
                                    



"May, mahal mo pa ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ni Maymay. "Halla uy! Hindi na man! Grabe!"

Nginusuan siya ni Pat. "Dapat lang 'no. Ayokong masaktan si bebe boy."

Ibinato ni Maymay ang panyong hawak niya kay Pat dahilan para manukso ulit ang kaibigan niya.

"So, anong score nga ni bebe Edwardo sa'yo?"

Pigil ang ngiti ni Maymay habang iiling iling. "Bushak ka man uy! Walang gano'n."

"Maglolokohan pa ba tayo be? Halata ka naman kasi masyado kapag kinikilig ka."

Nakaramdam ng pangamba ang dalaga. Mabilis na hinawakan nito ang braso ni Pat. "'Di nga? Halata nga?"

"Oo nga. Kitang kita sa mukha mo. 'Di na nga kita binubuking pero nabubuking ka pa rin dahil sa expressions mo. Pustahan tayo, maski si bebe Edwardo, alam na lagi kang kinikilig sa kanya. Ayiiiie!" Nanukso pa ang kaibigan niya.

"Maymay. . ."

Sabay na napatingin ang magkaibigan sa pinanggalingan ng naglalambing na boses na 'yon. Si Edward na may napakalaking ngiti ay may dalang dalawang plato na puno ng pagkain.

"Here, Pat." Agad na tinanggap ni Pat ang binigay na plato ni Edward t'saka nito inabot ang kay Maymay.

"Salamat. Nasa'n sa'yo?" Tanong ni Pat sa kanya.

Itinuro ng binata ang hawak ni Maymay na plato. "We can share. Coz I'll make sure that she'll eat the vegetables."

Nakangising tumango tango si Pat. Lagi na lang siyang nasusurpresa sa mga pampakilig-moves niya kay Maymay. Kung kinikilig si Pat ngayon, imagine na lang kung anong level ng kilig ang nararamdaman ni Maymay na ngayon ay nakikipag-make face kay Edward.

Tumayo si Pat para bigyan ng alone time ang dalawa. Hindi na nila namalayan 'yon dahil masyado silang focus sa isa't isa.

"C'mon May. Eat the carrots already."

Mabilis na umiling si Maymay. "Yung chicken na lang."

"No. I'm not gonna give you that. Eat this first then I can give you some of my chicken."

Yamot na ngumuso si May.

"Dali na. I've been gone for five years and you still don't eat a lot of veggies. It's not healthy, May. C'mon, open your mouth."

"Halla uy. Ako na." Kinuha nito ang kutsarang hawak ng binata at sinubo 'yon.

"And now you don't even want me to take care of you." May himig ng pagtatampo si Edward na agad namang nabosesan ni Maymay. Imbis na sagutin niya ito ay naisip niya na lang na bumawi sa binata.

"Grabe. Grabe siya. Na-buang na man! Oh, nganga."

Bahagyang kinagat ng binata ang ibabang labi niya. Pigil ngiti itong humarap kay Maymay at ibinuka ang bibig. Nang masubo ang pagkain ay pumikit pa ito na para bang sarap na sarap sa pagkaing isinubo sa kanya ni Maymay kaya naman natatawang hinampas ng dalaga ang hita niya.

"What? It's good. Masarap, sobra."

Pinipigilang ngumiti ng bonggang bongga ni Maymay. "Anong lasa?"

Si Edward naman ang ngumiti ng pagkalaki laki kasabay ng ilang beses niyang pagtaas taas ng dalawang kilay. "Lasang pagibig."

Kaagad na lumobo ang pisngi ni Maymay, nagpipigil tumawa pero sa huli ay ang lakas na ng tawa niya. Sa isip niya ay hindi na nawala ang expression na 'yon ng binata. Sa isip niya, para bang wala talagang pinagbago si Edward, kaya naman patuloy itong nagbibigay ng kasiyahan sa kanya sa araw araw na nakakasama niya ito.

Day 8 na nang taping nila, at hindi inaasahan ni Maymay at Edward ang kanilang surprise guests sa ginagawa nilang movie.

"Bro! Cora!" Bulalas ni Edward.

"Kuya Tanner! Ate Cora! Ohmigosh!" Bulalas din ni Maymay.

Akala mo ay nakakita na naman ng artista ang dalaga nang makita nga sina Tanner at Cora. Sobrang higpit ng yakap ang binigay nito kay Cora na may kasama pang paghalik sa pisngi.

"Grabe! Ang ganda ganda mo pa rin talaga ate Cora!"

"Ikaw din naman," nakangiting sabi nito t'saka ulit niyakap si Maymay.

"What's up bro? We haven't seen each other for years."

"I know, I know," pag-sang-ayon ni Tanner sa binata. "So how have you been?"

"Good. I'm feeling great and happy. How about you?"

"Well, as you can see, I'm gwapo pa rin." Tanner made his signatured lopsided smile and looked at Maymay. "How about you and her?"

Edward knows what he meant by doing that kind of smile that's why he can't help but smile big. "Well, I hope everything is okay between us. Like, I can't really tell right now what's going on between me and her. But, soon enough, I'll make a move."

"Ohh. . . Someone sounds so manly and macho already." Nakangiting nakipag-fist bump pa si Tanner kay Edward.

Edward made his signature hawak-ilong, using his thumb finger brushing on his nose, looking like he's so proud of his self that made Tanner laugh. He even hold his collar up like he's fixing it to look gwapo, nodded his head up and smiled.

"Okay, okay. I get it already. You're a man now." Natatawang lumingon ito kay Maymay. "Look at her though. She have blossomed into a beautiful and fine woman."

"Yeah. I know." Nakangiting tinignan din ni Edward si Maymay. Proud man ang binata, hindi pa rin matatanggal sa kanya ang mangamba. Alam niya kasing nagustuhan din noon ni Tanner si Maymay.

"Tignan mo sila oh. They're staring at us," bulong ni Cora sa dalaga.

"Sus! Ikaw lang man ang tinitignan nila ate. Ang ganda ganda mo kasi."

"Hay nako. Hanggang ngayon you're still like that? Why can't you just accept it na lang, okay? You're beautiful too dear. Inside and out."

Nginitian na lang ni Maymay ito t'saka muling niyakap si Cora at pinanggigilang halikan.

"How about me? Where's my kisses and hugs?" Pukaw ni Tanner sa dalawa habang naglalakad ito palapit sa kanila.

Pa-cute namang tinitigan siya ni Maymay, niyakap at nakipag-beso beso. Matapos no'n ay pinisil pisil ang bisig ni Tanner at pinaggigilan ito.

"Macho ka pa rin kuya ah!"

"Yes naman," nakangiting sagot ni Tanner.

"Aren't you gonna give me hugs and kisses and just stare at Maymay?" Ngingiti ngiting pukaw ni Cora sa binatang walang ekspresyon ang mukhang nakatingin kina Maymay at Tanner na ngayon ay nagkukulitan.

Agad na ngumiti si Edward nang mapagtantong siya ang tinutukoy ni Cora. Lumapit siya dito at niyakap ito matapos bigyan ng halik sa pisngi.

"Ang gwapo gwapo mo na. How are you?" Tumangkad ka rin ha."

"I'm okay. I'm doing great. How about you?"

"Good. Everything is good."

Tumango tango ang binata. "Yeah. I know. I've seen you a lot of times in different kinds of magazines. You're doing pretty good like your like this." Nag-pose si Edward ng sexy pose na madalas niyang nakitang pose ni Cora sa magazine kaya naman natawa silang dalawa.

Sa kabilang banda, kahit pa kinakausap ni Tanner si Maymay, pasimpleng tumitingin ito kina Cora at Edward na ngayon nga ay nagtatawanan. Ayaw niyang makaramdam ng selos. Hindi raw siya magseselos.

Pero sadyang traydor ang puso niya nang maramdaman niyang bumilis ang pintig no'n na nagdudulot ng 'di kanais nais na pakiramdam sa kanya.

To be continued..

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon