MayWard 28

2.6K 117 4
                                    



"Huy!"

Naka-ilang pikit at dilat ng mga mata si Edward bago siya nagbalik sa huwisyo. "What?" Matagal kasi itong nakatitig kay Maymay na ngayon ay naka-suot ng puti at mahabang bistida at may korona ring gawa sa bulaklak na nakapatong sa ulo nito.

"Sabi ko, tama na 'yang tingin tingin mo."

"Why?"

Hindi na naman maitago ng dalaga ang kilig. "Kahit pa gustong gusto ko 'yang mga titig mong 'yan sa'kin, kailangan ko rin naman ng time out."

Natawa ang binata. "Ang ganda mo kasi. Sobrang ganda."

Alam ng dalaga na sincere ang binata dahilan para mapatakip siya sa mukha gamit ang maliit na bouquet ng bulaklak na hawak niya. "Tama na nga kasi."

Muling natawa ang binata dahil alam niyang kinikilig ang dalaga. Sa totoo lang ay gustong gusto niyang ginagawa 'yon kay Maymay. He loves to see her reaction when she's kinikilig.
"Don't do that. I wanna see your face, May."

Agad na iniharang ni Maymay ang palad sa mukha ni Edward. Kahit ilang beses 'yon ibinababa ni Edward ay panay ang harang niyang muli. "Isa, Edwardo ha!"

"Isa, Maymay."

"Dalawa!" May halong pambabanta ang pangalawang bilang ng dalaga kaya naman iniangat na sa ere ng binata ang dalawang kamay niya.

"Alright. Fine." Kunwaring nagtampo ang binata at hindi na nilingon ang dalaga. Si Maymay naman na napraning, akala niya ay totoo kaya naman agad siyang pumunta sa harapan ni Edward at kinindatan ito sabay pa-cute.

"Sorry na. Saranghaeyo, Oppa!" May pa-puso pa siya gamit ang daliri at flying kiss kaya naman pigil ang ngiti ng binata. Mataman lang siyang nakatitig kay Maymay kaya lumabi ang dalaga. "Sorry na, babe."

"Kiss ko muna."

"Halla siya! Huwag kang ganyan Edwardo, nasa kasal tayo ni Pat. Ang dami daming tao oh."

"No."

"Edward naman. . ."

Bumuntong hininga ang binata t'saka ito nangalumbaba sa mesang inuupuan nila at matamang tinitigan ulit ang dalaga. Kahit paulit ulit niyang gawin 'yon, hindi talaga siya magsasawa sa mukha ni Maymay.

"Bakit?" Nakaramdam na naman ng pagka-ilang ang dalaga.

"Bakit ganyan ka pa rin whenever you're with me and I'm like this, staring at you?"

"Kasi. . ."

"Kasi?"

Nangalumbaba na rin si Maymay at matamang tinitigan ang binata. "Kasi, crush pa rin kita hanggang ngayon. Parang hindi mo naman alam kung paano ako magka-crush. Siyempre, maiilang ako." Bahagyang pinisil ng dalaga ang pisngi niya. "Ang gwapo gwapo mo nga kasi. Gustong gusto mo lang naririnig 'yan e."

He brushed his right thumb on his nose and fixed his suit and tie. Nandoon na naman 'yong pa-pogi look niya kapag pinupuri siya na parang nagyayabang kahit na biro lang na naging dahilan para matawa ang dalaga.

"Thanks my future wife."

"You're welcome my future husband."

Nakangiti ang dalawang muling nilingon ang bagong kasal na si Pat at ang asawa nito. Inusog pa nga ni Edward ang upuan para mas lalong mapalapit sa dalaga at mahigit ang bewang nito.

"Nauna pa sila ikasal, babe," bulong ng binata.

"Okay lang 'yan. May plano naman na tayo. In God's time--right time, kapag okay ka na, magiging madali na lang sa'tin ang lahat. You're worth the wait, Edward." Tinapik ng dalaga ang hita ng binata. Nang maramdaman 'yon ni Edward ay agad niyang hinawakan 'yon gamit ang isa pa niyang kamay.

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon