MayWard 8

2.9K 133 14
                                    

"Edwardo. Tara raw sa taas! Do'n tayo sa veranda." Pukaw ni Pat sa binata kaya naman balik reality ito na ngayon nga ay sumunod na naglakad papunta sa may hagdanan.

Sa kanan niya ay kasabay niya umaakyat si Maymay. Nagkatinginan pa nga sila nang magbungguan ang kamay nilang dalawa. Agad na iniiwas ni Maymay ang kamay niya nang maramdaman 'yon, habang si Edward naman ay pangiti ngiting iiling iling paakyat ng hagdan.

I can't wait to hold you like I used to do, May, sa isip ng binata.

Kagagaling lang sa workshop nina Maymay at Edward kasama si Pat habang si Vincent naman ang tinawagan nila para sumundo sa kanila. Hiniram kasi nito ang kotse ni Edward dahil nasa pagawaan ng sasakyan ang kotse niya.

"Grabe. Tulog na naman si Maymay," puna ni Pat. Nasa front seat ito habang ang dalawa ay nasa likod.

"Pagod siya. She had to go to work early this morning then she had to do this workshop. Of course, it's gonna be hard for her."

Babarahin pa sana ni Pat si Edward, pero nang makita nitong dahan-dahan niyang ipinapatong ang ulo ni Maymay sa balikat nito ay ngingiti ngiting umiling na lang siya.

"Kailan mo sasabihin sa kanya na hindi ka nawalan ng contact sa'min?" Tanong na lang ni Pat dito.

"I don't know yet," sagot niya habang hinahawi ang buhok ni Maymay na humaharang sa pisngi nito.

Napatango tango na lang si Pat, habang si Vincent naman ay tahimik na pasulyap sulyap kina Maymay at Edward sa may rear view mirror.

Mula nang maghiwalay ng landas ang dalawa, hindi nawala ang contact ni Edward kina Pat, Vincent at Ryo para lang makamusta si Maymay. Edward doesn't want to. He wanted to know every little thing about Maymay. Masaya siya nang malaman niyang natanggap ito bilang isang stewardess. Masaya siya sa tuwing may malalaman na may magandang pangyayari sa buhay ng dalaga.

But Maymay doesn't know anything about that, dahil ayaw nitong ipaalam 'yon sa dalaga.

Kinaumagahan ay nagmamadaling umalis ng bahay si Edward. Alam kasi nitong walang pasok si Maymay kaya naman pinaplano nitong yayain ang dalaga na lumabas at mamasyal.

"Anak? Edward!" Rinig niyang tawag ng mommy niya kaya tumakbo siya papunta sa kusina para bigyan ito ng halik. "Where are you going?"

"To Maymay."

"Why?"

Nag-kibit balikat ang binata. "Gusto ko siya makita."

Napangiti na lang si Mommy Cathy sa narinig. "Alright. Take care."

"I will," nakangiting sagot nito t'saka niya hinalikan sa pisngi ang ina.

Wala pang 15 minutes na narating ni Edward ang bahay ng dalaga. Nang makapag-park ay agad siyang bumaba at dali daling naglakad papunta sa harapan ng gate nina Maymay.

First bell. Second bell. Third bell, hanggang sa may sumagot no'n.

Kamot ulong naglakad palabas ng bahay si Maymay. Isinigaw niya na ata lahat ng pangalan ng mga taong nasa bahay nila pero walang sumasagot sa kanya kaya naman napilitan itong bumaba para pagbuksan ang nag-d-doorbell.

It's Still You (MayWard) ||C O M P L E T E D||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon