Chapter 4

2.2K 66 0
                                    

Nicole's POV

Patuloy pa rin akong nakatulala habang nakatingin sa doktor ng biglang may dalawang nurse na lumabas galing sa delivery room.

"Doc you need to see this right away, it's a miracle" - hindi makapaniwalang balita nang isang nurse

Ibinigay agad nung doktora sa nurse yung batang hawak niya at dali-daling pumasok sa delivery room kung saan naroon si Steph. Dahil sa narinig ko ay mabilis rin akong sumunod kahit na bawal. Kaibigan ko na ang pinag-uusapan dito kaya dapat alamin ko rin kung anong nangyari sa kanya.

Nang makapasok na ako ay doon ko nakita ang kaibigan kong naka-higa sa kama,nang tignan ko ang monitor for the heart beat ay nakita ko ang unti-unting pagbabago. Galing sa flat line ay gumalaw ito unti-unti hanggang sa nagtuloy-tuloy na ito. Sinusuri ng doktora ang aking kaibigan gamit ang kanyang stethoscope.

"Unbelievable,her heart is now functioning " - tila ay hindi makapaniwalang pahayag ng doktora.

Dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman. Tuwa at kaba. Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga maiinit na tubig galing sa aking mga mata. Buhay ang kaibigan ko at alam ko na lumaban sya para sa kanyang dalawang gwapong Anghel.

DR. Abby's POV

I can't believe it.

Yan agad ang mga salitang nabuo sa aking isipan ng makita ko ang pagbabago sa monitor. Hindi ako makapaniwala na kinaya niyang labanan ang bingit ng kamatayan,at alam kong para iyon sa mga atak niya.

FLASHBACK

"Congratulations mommy you have a healthy two baby boys"- naka-ngiting sabi ko sa kanya.

Pero napawi ang ngiting iyon ng marinig ko ang pagtunog ng monitor at bigla na lang itong naging straight line. Binigay ko muna ang batang hawak ko sa isa kong assistant nurse at sinabing pasuotan ng damit.

"Clear"- sabi ko

"Clear" - utos ko ulit

"Clear"- utos ko na naman sa pangatlong pagkakataon pero hindi parin ito nagbabago.

Nawalan na ako ng pag-asa ng hindi pa rin ito nagbabago,ipinahinto ko na iyon at napag-pasyahang lumabas para masabi ang masamang balitang ito sa kanyang kasama. Hindi ko na muna ipinagalaw yung mga apparatus na naka-kabit sa kanyang katawan. Ang mga bata muna ang aming mas pinagtuonan ng pansin. Inutusan ko rin ang mga ilang nurse para magbantay muna sa kanyang katawan bago ako lumabas.

He Left Me With BabiesWhere stories live. Discover now