Chapter 33

1.3K 36 0
                                    

  Dred's POV

Andito ako ngayon sa mall na pagmamay-ari nila Steph, Nicole at Dreyden. Dito ko kasi gustong makipag-meet dun sa pinsan ng kaibigan ko. Ang sabi kasi nung kaibigan ko na gusto daw mag-invest nang pinsan n'ya sa kumpanya namin. Nung una hindi ko gusto,pero dahil sa pinilit ako ng kaibigan ko ay pumayag na lang ako.

Anim na taon na ang lumipas at ang masasabi ko lang ay sa anim na taon na iyon ay mas naging close kami ni Steph sa isat-isa lalo na yung dalawang bulilit. Para bang friends with benefits na yung status namin ni Steph. Nagde-date kaming dalawa,minsan rin pina-pasyal naming dalawa sina Jaden at Jaceth sa park,kuma-kain rin kaming apat sa labas. Kami ring dalawa ni Steph ang naghahatid sundo sa mga bata.

Isang araw nga nun,napagkamalan nga kami nung mga teachers ng dalawang bata na mag-asawa. Todo-todo ngang tumanggi si Steph nun habang ako ay tawa ng tawa dahil sa reaksyon ng mukha nya. How I wish I could be the real father of those two kids and also Steph's husband. I was in my deep reverie when someone snaps in front of my face. Kaya ayun napa-tingin ako sa taong gumawa nun.

"Oh sorry,kanina pa kasi ako tawag ng tawag sayo pero it seems that your in a deep thought that's why I snap my fingers "- paliwanag ng babaeng nasa harapan ko.

She's wearing a high waist black short and a white sleeveless shirt na naka tuck-in. Well maganda naman s'ya pero mas maganda parin si Steph, ang rare kasi ng beauty nang isang yun. Tsaka sino pala ang babaeng ito?

"By the way, I'm Keemmah but you can call me Keem,Fred's cousin"- sabi nya na para bang nabasa ang tanong sa isipan ko at inextend pa ang kanyang kamay na waring nakikipag-shake hands

"Hi,I'm Dred,so your Fred's cousin,please have a seat"- sabi ko bago inabot ang kamay n'ya

Tumayo na rin ako para hilahan s'ya ng upuan

"Thank you"- naka-ngiting sabi n'ya

"So let's start the discussion "- agad na sabi ko ng maka-upo na ulit ako

"Let's order first,malapit na rin kasi mag-12 kaya kumain muna tayo and after that we'll talk about the investment thingy"- magabang paliwanang n'ya at nag-tawag ng waiter

"Two Menu Books please"- sabi n'ya sa kakadating palang na waiter

"Here ma'am "- abot sa kanya ng waiter

Kinuha nya ito at ibinigay sa akin ang isa. Kinuha ko. Naman ito at nagsimula ng pumili ng pagkain,nang makapili at nalista na iyon ng waiter ay umalis agad s'ya para kunin ang order namin.

"Ikaw pala si Dred,tama nga yung sinabi ng pinsan ko that your handsome"- naka-ngiting sabi ni Keem

"Nako naman,baka kung anu-ano na yung mga sinasabi sayo nung engot na yun ah,ikaw rin naman Keem your beautiful "- sabi ko sa kanya

"Naku naman, I'll consider that as a compliment especially when it comes from the mouth of a handsome man"- sabi nya at ginawaran ako ng malapad na ngiti

Natawa na lang kaming pareho dahil sa sinabi n'ya. Nag kwentuhan lang kami habang hinihintay ang order namin. Natigil lang naman kami sa pag kwe-kwentuhan ng dumating ang waiter na dala-dala ang order namin.

"Here's your other Ma'am and Sir,enjoy your lunch"- sabi ng waiter nang mailapag na nya sa lamesa ang mga pagkain

"Thank you/Thanks "- sabay naming sabi na naging dahilan upang magkatinginan kaming dalawa

Umalis naman agad ang waiter habang ako ay ngumiti nalang kay Keem.

"So let's eat"- sabi ko nalang para mawala na yung awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa

"Okay then"- sabi nya at kinuha ang kutsara't tinidor

Kumilos na din ako at nag-simula na ring kumain. Habang kuma-kain ako ay nakikita kong sumu-sulyap sa akin si Keem. Naaw-awkwardan na nga ako dahil sa pag-sulyap nya,para bang bina-bantayan n'ya lahat ng mga galaw ko. Tsaka napansin ko rin na yung mga bawat galaw nya ay parang kalkulado. Binilisan ko na lang ang pag-ubos sa pagkain ko para matapos na toh. Nang matapos na kaming kumain ay nag-salita na agad ako.

"So let's start the discussion now"- sabi ko

"Well, I'm going to invest 5 million to your company"- sabi n'ya

Ang laki ng pera na yun,sobra-sobra yun pero malaki rin ang maitutulong nun para sa company namin. Hindi naman sa nalulugi na yung company namin but i just want to maintain the position of our company. Gusto kong manatiling top 3 ang kumpanya namin lalo na at ako ang naatasan ni Daddy na ma-mahala dun.

"So what's your decision,is it deal or not?"- tanong n'ya sa akin

"Deal"- sabi ko

"Good choice,so the discussion ends here,why don't we roam around"- sabi nya sa akin

Gusto ko na sanang umuwi para makita ang dalawang bata at si Steph pero parang ang rude ko naman pagganon diba? Kaya ayun tumango nalang ako sa kanya. Tumayo na narin kami.

"Yess thank you"- sabi n'ya at niyakap ako

Dahil sa ginawa nya ay nabato ako sa kinatatayuan ko

"Ahm sorry,na dala lang ako sa syang nararamdaman ko kaya na yakap kita"- paghingi nya ng paumanhin sa akin

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya at nauna ng mag-lakad. Sumunod naman s'ya sa akin at isinukbit ang kanyang kamay braso ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang naglilibot kami ay naka-salubong namin sina Nicole at Dreyden.

"Oh hi Dred"- bati ni Nicole

"Hello Nics,uy pare"- sabi ko sa jan ilang dalawa tumango lang naman si Dreyden sa akin

"Pauwi ka narin ba Dred? Sabay nalang tayo?"- sabi ni Nicole

"Hindi pa,sasamahan ko pa kasi si Keem na mag-libot"- sabi ko at tinuro ang ka tabi ko

Tumingin naman sa kanya si Nicole na nanliliit ang mga mata,para bang sina-scan nya ang kasama ko at lumaki ang mata nya ng makita ang kamay ni Keem sa braso ko na waring yun ang na-detect ng scanner nyang mga mata.

"Babe nakikita mo ba yung lintang nakikita ko?"- tanong nya kay Dreyden

Tumingin naman ang huli sa sahig sabay sabing

"Hindi babe,bakit saan mo ba yun nakita?"- tanong naman n'ya

"Nand'yan lang naman sila sa tabi-tabi"- saad ni Nicole

"Sya nga pala si Keemmah"- pagpapakilala ko sa kanila rito sa kasama ko

"Hi Keemmah,I'm Nicole bestefriend ng babaeng nililigawan ni Dred"- pagpapakilala ni Nicole

"Dred,una nalang kami ah,baka kasi madikitan ng linta itong boyfriend ko,bye"- sabi nya at nagmamadaling umalis


"Ang dami palang mga hayop na napadpad dito sa mall namin,dabat pa-sprayhan namin to ng baygon"- rinig ko pang sabi ni Nicole bago sila makalayo


 Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na kaming mag-libot

He Left Me With BabiesWhere stories live. Discover now