Chapter 34

1.2K 35 2
                                    

Stephanie's POV

Nakamot ko nalang ang aking ulo dahil sa dalawang bata na nasa harapan ko. Ano ba naman yan kahit toothpaste pinag-aagawan pa nila. Si bale next time,bibilhan ko sila nang isang sakong toothpaste -_-

Kinuha ko ang toothpaste na pinag-aagawan nila,kaya ayun tinignan nila ako ng masama. Aba’t ang sarap pag-untugin ng dalawang toh.

“Give me that mommy ”- sabay pa talaga nilang sabi

Na naging dahilan upang magsamaan sila ng tingin. No wonder,kambal nga sila. Mamamatay ako ng maaga dahil sa kunsomisyon :/

“No,I will be the one to put toothpaste on you toothbrushes, Jaden give me your toothbrush ”- sabi ko na agad din n'ya namang sinunod

Pagkatapos kong lagyan yun ng toothpaste ay nagtungo agad si Jaden sa sink area,sunod ko namang binalingan si Jaceth na kunot ang noo

“No,I'm big already and I know how to put toothpaste,so mom give that”- sabi n'ya at tinuro ang toothpaste

Grabe tong batang to,hindi pa nga ako nakakapagsalita,inunahan na agad ako. Binigay ko nalang sa kanya ang toothpaste para wala ng full ang mangyari. Lumabas na ako ng  banyo para i-handa ang kama dahil papatulugin ko sila.

Yan kasi ang daily routine ko sa kanila,pinapatulog ko sila pagkatapos kumain at pagkagising naman nila ay nagbe-bake ako ng cookies o cake para sa snacks nila.

Upang lumabas ng banyo si Jaden kaya pinahiga ko na s'ya sa left side ko nang lumabas na si Jaceth ay pinahiga ko narin s'ya sa right side ko at ako yung nasa gitna nilang dalawa. Nag-aaway kasi yan pag-wala ako sa gitna nila kaya ito na ang pwesto naming tatlo.

“Mommy can you sing a song for us so that we can sleep immediately,please”- sabi ni Jaceth sa akin

Sa anim na taon na lumipas ay ngayon lang ako pinakanta ng mga anak ko. Tumango nalang ako sa kanya at nasimula ng kumanta ng isang lullaby. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog narin ang dalawang bubwit,kinuha ko ang kanilang kamay na naka&-yakap sa akin bago ako bumangon.

Hinalikan ko muna ang noo nalang dalawa at bumaba. Nakarinig kasi ako ng pag-buzzer kaya bumaba ako,baka sina Nicole at Dreyden na kasi yun. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko sina Nicole na may tig-aapat na bit-bit ng plastic.

“Hooo grabe tong araw na ito bessy na-stress talaga ako,lalo na dun sa mall natin na pinamumugaran ng  ibat-ibang uri ng hayop”- agad na sabi ni bessy at nag-marcha na papuntang kusina dala-dala ang apat na plastic bags

He Left Me With BabiesWhere stories live. Discover now