This chapter is dedicated to you KRISTINE CURAMENG
———————————————Stephanie's POV
Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong may kamay na humahaplos sa mukha ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay kamay pala iyon ni Jaceth na pinaglalaruan ang mukha ko. Napangiti nalang ako dahil sa ginagawa nya. Hinawakan naman ng mga maliliit niyang kamay ang ilong ko.
"Baby that's mommy's nose stop playing it"- malumay na pagkakasabi ko sa kanya
Tinignan nya lang ako saglit at bumalik na naman s'ya sa paglalaro sa ilong ko. Hinayaan ko na lang sya sa ginagawa nya sa mukha ko. Sinilip ko naman si Jaden at nakita kong tulog parin sya. Tinignan ko naman ang wall clock na nasa left side ng ding-ding at nakita ko na 12:30 pm na pala. Umupo muna ako sa kama at kinuha si Jaceth nagli-likot kasi eh baka magising yung isa.Papadedehin ko na muna sya dahil baka gutom na to.
"Breast feed baby"- sabi ko sa kanya
Habang nagpapadede ako sa kanya ay may biglang sumigaw
"Bessy we're here!"- sigaw ni Nicole na nasa living room ata
Ang ingay talaga ng bruhang to,buti na lang at hindi nagising si Jaden dahil duon. Tulog mantika tong bubwit na to.
"Bessy may pagkain kaming tinake-out para sayo"- sabi nya ng makapasok sya rito sa kwarto ko
"Sshhh,h'wag maingay bessy. Natutulog yung mayor"- sabi ko sa kanya
"Ay sorry naman Bessy, bumaba ka na muna para kumain. Ako na bahala sa dalawang bulilit na to"- sabi nya
Umupo sya sa kama na nasa gilid ni Jaden. Dahil sa tapos kp naman ring padedehin si Jaceth ay inihiga ko na sya sa kama. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papuntang pinto
"Baby Jaceth pakabait kayo ah,pag may nabuntis kayo in the near future huwag nyong iwanan ah. Dapat panindigan nyo huwag kayong tumulad sa daddy nyong nalang kwenta"- mahabang sabi nya sa bata
Si Jaceth naman ay natigil sa kakalikot at nakinig sa ninang nya na para bang naiintindihan nya. Naku naman bata pa yang anak ko kini-kwentuhan na nya nang ganon.
YOU ARE READING
He Left Me With Babies
Teen FictionLet's witness the life of Jaze Smith and Stephanie Wynn. Many people said that these two are almost perfect couple. Rich and Professionals. But what if one day Stephanie will declare a news to Jaze that she's pregnant, will he accept the Babies .? O...