Dred's POV
Nung tinanong ko si Steph tungkol kanina ay nakikita ko sa mga mata nya na mahal nya parin si Jaze,na may epekto parin sa kanya ang isang Jaze Smith. Ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit ko na tanong 'yun. Bigla ko lang kasing naalala yung loko-loko kong kaibigan, nakakabakla mang pakinggan ay este basahin,pero nami-miss ko na s'ya. Siguraduhin nya lang talaga na sa pagbalik niya'y may sapat na rason s'yang maibibigay,bakit ba kasi bigla na lang syang nawala na parang usok (uso na kasi yung bula kaya usok naman sa akin)
Pagkatapos nung sinagot ni Steph sa tanong ko ay hindi na ako umimik at nagkakalikot na lang sa cellphone ko,maglalaro ako ng Mobile Legends. May itatanong sana ako kay Stephanie tungkol rito sa nilalaro ko pero nang iangat ko ang ulo kong nakayuko ay wala na s'ya sa kina-uupuan nya. Nilibot ko ang tingin sa buong kusina pero wala ni anino ni Steph akong nakita.
"Ganon na ba ako katutok sa mobile phone ko at hindi ko naramdaman ang pag-alis ni Stephanie? "- tanong ko sa sarili
Ay ano ba yan para naman akong siraulo nito. Tinatanong ko yung sarili ko. Ni-resume ko nalang yung nilalaro ko. Ayon ang taba-taba na ng hero ko.
"You have slain the enemy"- si cellphone
Malapit ko na sa nang mapatay yung isa ko pang kalaban ng may biglang umepal sa laro ko.
Calling......
090-9009-0909Kumunot ang noo ko dahil sa tumawag at dahil narin sa number. Ang weird lang,favorite number ba ng caller ang 0 at 9.? Kahit na hindi ko kilala kung sino ang 09 na ito ay sinagot ko parin.
"Yes,ano kailangan mo at sino ka?"- tanong ko agad sa tumatawag
1 minute.... 2 minutes... 3 minutes.... 3 minuto na ang lumipas pero hindi parin sya nagsasalita. Tinignan ko ang cellphone ko dahil baka tapos na yung tawag pero nakita kong on going parin ito. Dahil naiinis na ako at nababagot ay sinabihan ko ang tumatawag ng
"Kung ano mang trip mo sa buhay,wag mo naman sana akong idamay"- sabi ko (kailangan talaga rhyme)
Ilalayo ko na sana sa tenga ko ang cellphone para e-end yung call,pero nahinto ako sa narinig kong boses N'YA
[You're still a hot headed and impatient bro,nothing change]- sabi ng boses sa kabilang linya
Dahil sa mga narinig ko ay natulala ako. Totoo ba talaga ang pangyayaring ito? 7 months. Pitong buwan kong hindi narinig ang boses niyang to. Nababakla na ba ako? Hindi noh,sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala na sya pala tong tuma-tawag. Ang taong iniisip ko kanina kung bakit bigla na lang nawala. Ang matalik at loko-loko kong kaibigan. JAZE SMITH, sa wakas ay nagparamdam ka rin.
[Hey bro,are you still there? Ganyan mo ba ako ka-miss at na speechless ka]- natatawa niyang sabi sa akin
[Hoy loko,Ikaw na ba talaga yan?]- hindi makapaniwalang tanong ko
[Yeah it's me,your one and only handsome best friend]- mayabang na sagot nya sa tanong ko
[Ang hangin mo parin loko,parehas taong hindi nagbago]- sabi ko
[Hahaha. By the why where are you?]- tanong nya sa akin
Sasabihin ko bang nandito ako sa condo ni Stephanie? Parang ayoko,pero sabi nga nila "Honesty Is The Best Policy " kaya ayun sinagot ko ang tanong n'ya ng:
[Nandito ako sa kusina,kusina ng condo ni Steph]- sagot ko
Biglang natahimik ang kabilang linya,pero kalaunan naman ay nagsalita na s'ya
[Where is she? Is she alright? What about the babies? Are they healthy?]- sunod-sunod na tanong nya sa akin
Dahil sa dami ng tanong n'ya sa akin ay hindi ko alam kun ano o kung San dun sa mga tanong nya ang uunahin ko.
[Woahh easy there bro,isa-isa lang naman machina yung kausap oh] - pabirong sabi ko
[Okay fine,where is she,is she alright?]- tanong nya ulit sa akin
Nakamot ko na lang ang ulo ko dahil sa kanya. Ano ba naman yan sabi ko isa-isa lang eh,bakit dalawa yung tinanong nya sa akin? Ang kulit rin ng isang toh
[Well she's fine now. Tumatawa na sya at nasa kwarto nya sa taas kasama ang mga bata at si Nicole]- sagot ko sa tanong nya
[That's good to hear then]- kumento nya sa sinabi ko
[And about the banks,they're both healthy,kaka-panganak lang nga nya eh]- sabi ko
[Really?! Mabuti naman kung ganon]- masayang sabi nya
[By the way bro kailan mo ba balak bumalik at magpakita sa amin lalo na sa mag-ina mo?]- mahabang tanong ko sa kanya
[Soon bro,I have some errands here that I still need to fix]- sagot nya sa tanong ko
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ni Jaze ng may narinig akong mga yapak,parang nagmamadali. Hinanap ko kung San ito nang gagaling at nakita ko si Steph na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Bihis na bihis nga sya,parang may pupuntahan. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti sya at sinabing
"Den Ali's muna ako saglit ah,may pupuntahan lang ako. Kayo na muna bahala sa mga babies ko. Bye"- sabi nya at dumiretso na sa pinto at ayan lumabas,hindi man lang ako hinintay na sumagot. Well hindi naman kasi sya nagtatanong Dreyden kaya wag mo na sagutin.
[Bro is that Stephanie? Can I talk to her? Please give her your phone]- tanong nya
Duon ko lang naisip na may kausap nga pala ako.
[I'm sorry bro,I can't give her the phone right now. Para kasing may importanteng lamas sya eh]- sabi ko sa kanya
[Is that so? Maybe next time I can talk to her. Bye]- dismayadong sabi nya at inend ang tawag
Bigla akong nakaramdam ng away sa kaibigan ko,pagkakataon na sana iyon para makapag-usap ang dalawa pero nasayang lang. I save his new number at ibinulsa ko na lang ang phone ko. Umakyat nalang ako papuntang kwarto ni Steph.
YOU ARE READING
He Left Me With Babies
Teen FictionLet's witness the life of Jaze Smith and Stephanie Wynn. Many people said that these two are almost perfect couple. Rich and Professionals. But what if one day Stephanie will declare a news to Jaze that she's pregnant, will he accept the Babies .? O...