Chapter 38

2.3K 60 49
                                    

Jaze's POV

Pagpasok ko pa lang sa Jollibee ay ang dami ng tao agad ang nakita ng aking mga mata. Ang daming tao dito,specifically mga magkaka-pamilya na kumakain, nagtatawanan,nag-kukulitan at masayang na kwe-kwentuhan.

Hindi rin magpapahuli d'yan ang mga magka-kasintahan, mga magba-barkada na maingay na kumakain at syempre ang mga taong loner kung tawagin, at isa na ako dun.

Pumila nalang ako at nang matapat na sa counter ay nag-order rin agad.

"1 Jolly Super Meal, 1 Yum Burger with Fries and 1 Sundae"- sabi ko sa cashier at inabot ang card ko

"Okay sir, we'll serve it in a minute"- sagot naman ng cashier at ang lapad-lapad ng ngiti nang ibinigay n'ya sa akin ang card.

Umalis na lang ako agad dahil baka ma-sita at mapagalitan pa s'ya ng ibang customers. Humanap ako ng bakanteng mesa at hindi rin nang tagal ay may nakita rin ako na malapit sa glass wall, kaya umupo agad ako.

Habang hinihintay ko ang aking inorder ay tumingin tingin muna ako sa mga tao sa paligid. Pero habang ginagawa ko iyon ay biglang napako ang tingin ko sa dalawang batang lalaki, yung isa ay ang dungis kung kumain kaya napangiti ako ng bahagya, samantalang yung isa ay ang linis kung kumain,parang limitado yung mga galaw nya. Spaghetti yung kinakain nila at parang sa kanilang dalawa mas nakikita ko yung sarili ko doon sa batang ang dungis kung kumain.

Naalala ko tuloy nung unang punta namin dito ni Steph ng oras na ng kain ay ako yung walang paki kung madungisan ang damit basta't maka-kain lang samantalang si Steph naman ang naaalala ko dun sa isang batang lalaki na ang linis kung kumain. Minsan nga noon na pagalitan ako ni Steph dahil wala daw akong table manners at para daw akong bata kung kumain.

Dahil sa kakatitig ko sa dalawang bata ay hindi ko namalayang inilalapag na pala ng waiter ang mga order ko.

"Here are your orders sir"- sabi ng waiter at naka-ngiting umalis

Anong nangyari sa waiter na yun.? Bakit kung maka-ngiti wagas,kilala n'ya ba ako.?

Well 'wag nalang nating pansinin ang isang 'yon.

Habang kumakain ay hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa mga batang lalaki. Ewan ko ba pero parang may hawig sila sakin. Yung hugis ng mukha nila, kilay, at lalong-lalo na ang ilong nila, hindi ko sina-sabing 'di matangos ang ilong ni Steph pero iba talaga eh. Tsaka ko lang rin napansin ang babaeng nasa harapan nila,bale nakatalikod sya sa akin. Blonde na buhok, makinis at maputi ang kanyang balat, at ang sexy n'ya yung tipong sexy na malaman.? Ay mean natural lang ang kanyang pangangatawan hindi mataba at lalong hindi buto-buto.

Sa kakatitig ko sa kanya ay nakikita ko ang features ni Steph sa kanya, kamusta na kaya s'ya.? Ayos lang kaya s'ya.? Kumakain kaya sya ng maayos.? Yung baby namin sana naman hindi nya pinalaglag.

Iilan lang yang mga katanungan na gusto kong malaman ang kasagutan at itanong sa kanya. Sana naman ay matanggap niya pa ako pagbumalik ako sa kanya.

Sa kakatitig ko sa likod ng babae ay hindi ko namalayang nakatitig din pala sa akin yung isang batang lalake,yung ang linis kung kumain,ewan ko ba pero bakit ang talim ng titig n'ya sa akin at nakita ko ring parang nagtanong sa kanya yung babae at sinagot naman n'ya ito dahil bumubuka din ang bibig n'ya habang nakatingin parin sa akin ng masama.

Hindi ko na kaya ang mga matatalim n'yang titig kaya ayun yumuko nalang ako at nilantakan ang pagkain ko,kailangan ko pa palang magmadali dahil bukod sa naghihintay si manong ay bibili na lang din ako ng bagong cellphone.

Steph's POV

Enjoy na enjoy ako sa kinakain ko ng bigla akong mapatingin ky Jaceth na parang may tinititigan sa likuran ko at ang mas malala dun e ang talim ng kanyang titig at ang nakasalubong n'yang kilay, hanla anong nangyare sa batang to.? Ngayon ko lang nakita ang ganyang side at eksprisyon ng mukha nya. Dahil sa hindi ako sanay na ganyan s'ya ay tinanong ko nalang s'ya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Left Me With BabiesWhere stories live. Discover now