Nicole's POV
Pagkatapos ng kulitan namin ni Steph ay natahimik na lang kami. Nung sinabi kasi ni Stephanie sa akin na niyaya sya ni Dred na mag dinner ay bigla akong na inggit at the same time natutuwa rin ako.
Na-iinggit ako dahil buti pa sya ay may dinner date pero ako bantay bata ang papel ko sa buhay. Huhuhu. Asan ang hustisya.!! Kahit na dinner lang yung sinabi ni Steph sa akin, alam kong dinner date na iyon para kay Dred. Napansin ko kasi noon na parang may lihim syang pagtingin sa best friend ko. Tsaka natutuwa rin ako dahil sa wakas ay magkakaroon na rin ulit ng panibagong love life ang bessy ko.
Nangangamoy love life na kasi eh. Hahaha. Okay na rin yun para naman may karamay sya sa pag-aalaga sa dalawang bata at kung si Dred man ang mapili nya ay susuportahan ko talaga sya. Okay narin naman si Dred eh. Mabait,maasikaso,matalino at ang mas lalong nagustuhan ko sa kanya ay yung gwapo niyang mukha. Hihihihi.
Pagtingin ko kay Stephanie ay nakita kong natutulog na pala ang loka. Pinabayaan ko na lang sya dahil baka nag bu-beauty rest yan para hindi mag mukhang haggard sa harap nung crush nya. 5:00 pm pa naman eh sabi nya kanina 7:30 pm yung dinner nila Dred.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-laro na lang ng Clash of clans.
Laro dito...
Pindot duon...
Attack dito...
Loots duon...
Luto ng mga troops...
Attack ulit...
Chat dito...
Chat duon...
At dahil sa na bored na ako kakalaro ng coc ay nag exit na lang ako naisipan ko namang mag-facebook na lang ako. Kaya ayun
Scroll dito...
Scroll duon...
Like dito...
React dito...
Post duon...
Comment dito...
Ang bilis ko talagang ma bored. Nag log-out na lang ako at tinignan kung anong oras na. 6:59 pa naman pala. ANO!? 6:59 pm?? Ang tagal ko ata naglaro at nag facebook. Tsaka 31 minutes na lang para mag 7:30 pm e hindi pa nga nagising si bessy at wala pa syang ligo. Agad kong niyugyog si bessy para magising,hindi naman nag-tagal ay nagising rin ang loka.
"Oh bakit bessy?"- tanong nya sa akin
"Anong bakit? Maligo ka na bruha dahil 7:00 pm na,aayusan pa kaya kita"- sabi ko sa kanya
"What?! Bakit hindi mo ako ginising ng mas maaga. Nicole naman eh"- sabi nya at tumayo.
"Kasalanan ko ba yun kung hindi ka nag alarm,ako pa talaga yung sinisi mo ah"- mataray na sabi ko sa kanya
"Aiiisshh,Ewan ko sayo"- sabi nya
Kinuha nya yung towel nya sa gilid ng kanyang closet at nagmamadaling pumasok sa banyo. After 10 minutes ay lumabas na sya.
"Wow Stephanie ang bilis mo namang maligo,baka hindi kana nakapag-shampoo at sabon nyan"- nang-aasar na sabi ko sa kanya
"Eh sa nagmamadali yung tao eh,tsaka FYI nag-sabon at shampoo kaya ako noh. 'wag mo ako itulad sayo"- sagot nya
Aba't suma-sagot pa tong bruhan to ah.Nilagyan ko muna ng unan ang magkabilang gilid nung natutulog na mga bata bago lumapit kay Steph.
"Hahaha. Naniniwala na ako na nag-sabon at nag-shampoo ka nga kasi may proweba ka eh"- natatawa kong sabi sa kanya
Tinuro ko ang leeg nya na may bakas pa ng sabon at yung buhok niyang may kaunting bula pa ng shampoo. Agad syang lumapit sa body size mirror at ayan nakita nya ngang totoo yung sinabi ko.
"Aiisshhh,ano ba naman kasi yan eh!"- maktol nya at bumalik ulit sa banyo
Ako nalang ang pumili ng damit na isusuot nya. Kinuha ko ang isang above the knee sky blue dress at kumuha na rin ako ng flat shoes para sa kanya. Mas mahilig kasi sya sa flats ayaw na ayaw nya yung mga heels. Kaya nga minsan lang yan nagmo-modeling eh. Ang Arte kasi. Hahaha. Paglabas nya ng banyo ay inabot ko agad sa kanya yung inihanda kong damit at flat shoes.
"Iyan suotin mo at sumunod ka sa make up table. Aayusan kita,tsaka 'wah mong kalimutang mag-suot ng undies ah"- pang aasar na sabi ko
"NAKAKAINIS KANA NICOLE AH,KANINA KA PA!!"- naiinis na sabi nya
Dali-dali naman syang nagbihis,hang ako naman ay naka-ngiting nagtungo sa make up table nya. Ilang minuto rin ang lumipas bago sya lumapit sa akin. Pinaupo ko sya at nagsimula na sa pagpe-paint ay este paglalagay ng mga kolorete sa mukha nya. Light colors lang naman ang nilagay ko at kaunting red lipstick tsaka inilugay ko na lang yung black na may pagka-blond na buhok nya and HOLA.
"Your very beautiful bessy,credits to me"- masayang sabi ko
"Maganda naman talaga ako nohh,kahit na wala pa tong mga ka-artehan na nilagay mo sa mukha ko"- pag-tataray nya sa akin
"Dapat magpasalamat ka nalang sa akin noh. Inuboos ko kaya lahat ng natutunan at effort ko dyan.Hmmpp!!"- sabi ko at nagkunwaring nagtatampo
"Salamat ah,sige alis na ako Bessy, I'm 5 minutes late. Baka mamuti na yung mata ni Dred kakahintay sa akin"- sabi nya
Tumayo na sya at pinuntahan muna ang mga anak niyang tulog parin. Hinalikan nya ang dalawa sa pisnge bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napangiti na lang ako dahil sa aking na isip. Nangangamoy pag-ibig na nga. Love is in the air.
Hayssstt sana naman si Dred na talaga ang the one para sa bessy ko. Dahil na sisiguro kong hindi nya talaga sasaktan at iwan sa ere ang kaibigan ko.
Minsan nga naisip ko kung bakit hindi nalang si Dred ang naging ama ng mga bata. Pero sa kabilang banda approve rin naman ako kay Jaze. Mapagmahal rin naman sya,mabait,ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit nya iniwan ang kaibigan ko. Anong rason mo Jaze? Kung mabibigyan mo ako ng isang valid na reason ay bibigyan kita ng pagkakataong angkinin at magalit ulit si Steph. Kung hindi pa huli ang lahat.
———————————————
ANG KULIT ng dalawang to 😂 😅
YOU ARE READING
He Left Me With Babies
Teen FictionLet's witness the life of Jaze Smith and Stephanie Wynn. Many people said that these two are almost perfect couple. Rich and Professionals. But what if one day Stephanie will declare a news to Jaze that she's pregnant, will he accept the Babies .? O...