KABANATA 1

3.4K 125 10
                                    


Maingat kong hinawakan ang kakaibang disenyo ng bakal na nakaukit sa malaking pader sa unang palapag pa lang ng building na minsan kong nagging kanlungan sa loob ng apat na taon. Kahit na parang ang hirap intindihin ng dalawang letrang naroon ay pinilit kong binasa iyon. MDE, stands for Mid-Division Estate.

Taimtim na ngiti ang pinakawalan ko. Napakalaki ng pagbabago sa building na ito. Dalawang taon simula ng huli kong punta rito. Dalawang taon na din kasi simula ng ma bankrupt ito at napilitang ibenta ng dating may ari.

Ang mga dating kulay puti lamang na kisame ay napalitan ng marmol at napakagandang disenyo ng chandelier.

Ang dating lumang reception area ay napalitan ng nakagandang disenyo at kulay teal green na kulay. Para itong tubig na makikita sa gitna ng isang malinaw na dagat.

Maging ang mga elevator na laging sira ay napalitan na ng bago. Sigurado kung sino man ang nakabili ng building na ito ay ubod ng yaman dahil hindi biro ang renovation na kanilang ginawa para dito. Pinaghandaan, pinagkagastusan at pinagplanuhan.

"Ms. Entrata?" tawag ng isang babae na pareho kong naka corporate attire.

Ngumiti ako sa kanya, si Mrs. Rivera. Sya ang nag interview sa akin noong orientation at nakausap ko tungkol sa trabaho kung saan ako ngayon lilipat.

Isinama nya ako sa taas kung saan ang magiging opisina ng aking bagong Boss. I'm going to be secretary of their new CEO.

Galing daw itong ibang bansa at nag resign ang dati nitong secretary due to a personal matter.

I got hired dahil na din sa recommendation ng dati kong boss na kaibigan yata nito. Lalo lang akong namangha pagpasok naming sa ika walang palapag ng building.

The whole place fascinates me. Ibang iba sa building na dati kong pinasukan. Lahat ng sulok nito ay nagsusumigaw sa karangyaan. Tila salamin ang sahig na nilalakaran ko sa sobrang kintab. Pati yata pores ko sa mukha ay masasalamin ko na doon.

"Dito ang magiging cubicle mo. At doon naman ang Office ni boss. Na orient ka naman tungkol sa mga gagawin mo at may experience ka na since naging secretary ka din ng isang CEO dati." Aniya

Tumango ako at kinuha ang papel na kanyang inabot. Schedule ito ngayong linggo na kailangan kong isaulo at tandaan, may mga phone calls din akong gagawin at ilang confirmation para sa meetings.

"I will immediately follow up Ma'am" sagot ko sa kanya matapos kong pasadaan ng isa pang tingin ang papel.

"Good, nasa loob si Boss babalikan kita dito para makapasok ka na sa loob at makilala sya. Make sure na memorize mo lahat ng schedules nya today." Bilin nya bago nya ako tuluyang iniwan.

Binuksan ko ang computer na nasa harap ko at agad na gumawa ng memo at ilang reminders doon. May ilang paper works na din na kailangan kong I arrange.

Magiging madali lang naman siguro ang unang araw ko dahil minsan ko na itong nagawa. Everything will be fine, maybe.

Bumalik ulit si Mrs. Rivera pagkatapos ng kalahating oras. Inayos ko ang aking suot at ang laking buhok bago sumunod sa kanya. Kabado ako dahil naririnig ko na istrikto daw ang bagong boss ko.

Isang malalim na buntong hininga ang kaing pinakawalan bago kami tuluyang pumasok sa marangyang opisina nito.

Lumibot ang mga mata ko sa loob, napakaganda ng buong silid. Parang opisina sa ibang bansa.

Ngunit ang akong pagkamangha at napalitan ng gulat at matinding paghahabol ng paghinga ng tumama tingin ko sa lalaking humarap sa amin.

Bahagyang umawang ang kaing mga labi at namanhid ang aking buong katawan.

Ang narakaraan ay parang biglang nagsulputan sa harap ko ngayon. Libong mga alaala ang nanumbalik sa isip ko habang nakatayo sa harap nito.

Paanong ang isang bagay na dati kong hiniling ay biglang susulpot sa harap ko sa hindi inaasahang pagkakataon.

Paanong ang mga alaala ay biglang nagkahalo halo ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ngayon.

Tumingin ako sa kanya, ngunit ang kanyang mga mata at hindi man lang nag abalang tumingin sa akin.

Pinagmasdan ko sya, napakaramot. Napakaramot ng tadhana. Napakaramot ng pagkakataon.

Kinausap nya ang babaeng kasama ko, malamig at tila walang buhay kung magsalita sya. Malayong sa lalaking minsan kong kinakitaan na punong puno ng sigla na kahit pagsasalita nya ay hinahangaan ko.

Nagulat pa din ako nang biglang sumagi ang tingin nya sa akin. Napa iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko pala kayang salubungin yon. Hindi ko pala kayang labanan ang tingin nya na biglang tumalim at parang galit sa akin.

Nanlalambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lang ay umupo muli sya sa kanyang Swivel Chair. Nakataas ang kanyang mga kilay ng nang pasadaan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Na trained mo ba sya ng maayos? Alam mong ayaw ko ng palpak na sekretarya." Aniya sa malamig na tinig.

Pakiramdam ko ang nainsulto ako sa sinabi nya, nanliit ako. But I remained calm. I need to calm down dahil sobrang kaba na ang nararamdaman ko dagdagan pa ng paraan ng pagsasalita nya na tila nang iinsulto sa pagkatao ko.

"Yes Mr. Barber, nasabi ko na lahat ng kailangan nyang malaman beside alam naman din ni Ms. Entrata ang mga gagawin nya dahil naging secretary sya ni Mr. Galo dati."

"Ok, I will call you after an hour. Do you have the copy of my schedule?" aniya

Hindi ko alam kung ako ba o si Mrs. Rivera pa din ba ang kausap nya, bahagya akong nagulat ng kalabitin ako ni Mrs. Rivera

"A-ah yes, Sir! I already have the copy." Mabilis kong sagot.

Umiling lamang sya,

"You may go." Wika nya na hindi man lang tumingin sa amin.

Gusto kong maiyak sa reaksyon na nakita ko sa kanya, gusto kong maiyak sa nakita kong malaking pagbabago sa kanya.

Pero inisip ko, hindi pala dapat. Tapos na kong umiyak dahil sa kanya, tapos ko nang iyakan ang kabanata ng buhay ko na yon.

Eto sya, siguro ay galit pagkatapos ng nangyari walong taon na ang nakakaraan. Kailangan ko na lang tanggapin na resulta ito ng mga bagay na ginawa ko noon, ang tanging konsolasyon ko lang sa lahat ng hirap at sakit na dinanas ko ay ang makita syang ligtas at maayos na maayos pagkatapos ng gabing iniwan ko sya.

Iyon lang ang tanging konsolasyon ko sa lahat ng ito. Gusto ko man lumayo katulad ng pinangako no noon ay hindi ko na magagawa. I can't lose this job. Marami akong utang na kailangan bayaran at ayokong magmukha akong unprofessional kapag umalis ako ngayon mismo. Mahihirapan akong humanap ng trabaho.

Kailangan ko na lang tiisin muna ito pansamantala. Kahit pa parang sampal ito sa pagkatao pagkatapos ng mga nangyari sa aming dalawa.

Para sa mga pangarap na pinili ko kapalit ang bagay na tinatamasa nya ngayon.

Ang makitang maayos sya at mabuti ang naging lagay nya ay nakakapag pagan ng loob ko. Kulang ang salitang maayos dahil noong gabing iniwan ko sya ay hindi ko na halos sya makilala sa tindi ng aksidenteng nangyari sa kanya.

I'm more than thankful dahil tinupad ng pamilya nya ang pangako nila na ipaapagamot sya kapalit ng paglayo ko.

Ganon ko sya kamahal noon, kaya kong tiisin lahat para sa kanya, para sa ikabubuti nya. Hindi na mahalaga sakin ngayon kung mayroon pa ba o wala na. Dahil ngayon pareho na kaming may sariling buhay. He's successful now. Masaya ako don, dahil iyon naman talaga ang dapat. 


MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon