KABANATA 15

1.3K 94 18
                                    


Gamit ang makapal na balabal ay pinag igihan ko ang pagkukubli ko sa malaking puno malapit sa bahay ng mga Barber.

Pinapanood ko ang pagbubuhat ng mga kasambahay ng mga maleta at ibang gamit palabas ng masion.

Isang buwan ang itinagal pa nya sa hospital na iyon bago sya tuluyang makalabas at pinayagang bumyahe patungo sa ibang bansa. Malaki ang pasasalamat ko dahil kahit papaano ay naaambunan ako ng kaunting impormasyon tungkol sa kanya.

And now, I watch him leaving. Wala akong magawa habang pinapanood ko ang pag alis nya. Wala akong magawa dahil alam kong hindi ko sya pipigilan.

Mag isa kong dinamdam ang sakit. Mag isa kong nilabanan ang lungkot at pangungulila. Mag isa kong binuo ulit ang buhay ko.

Lumipas ang maraming taon. Maraming bagay ang nangyari sa buhay ko. Maraming bagay ang sumubok sa pananalig ko at sa pagkatao ko.

At sa tuwing iisipin ko sumuko na lang pumapasok ang imahe nya sa isip ko. Kung anong sinakripisyo ko para marating lahat ng ito.

Kaya kahit hirap na hirap na hirap na ko ginapang ko ang sarili ko para lang masabi kong kahit papano ay may nangyaring maganda sa buhay ko.

Years had passed kasabay ng pagbabago sa buhay ko ang pagbabago din ng sarili ko.

I never tried having relationship again. Dahil pakiramdam ko wala na akong mahahanap pa na saya sa kahit sino. Kahit na naka pag move on na ako parang hirap pa din akong sumugal ulit. Hirap akong magtiwala ulit sa iba.

Binuhos ko ang buong buhay ko sa pag aaral, pag iipon ng pera, pag aalaga sa mga kapatid ko.

Lumipas ang mabilis na panahon pero parang kahapon lamang iyon para sa akin. Sa balintanaw ko ay naaala ko ulit bawat salita at bawat pakiramdam nang pinagdaanan ko.

Everything passes, but nothing entirely goes away ika nga.

Matagal akong nakatitig sa harap ng malawak na dagat sa aking harapan kaya hindi ko namalayan na madilim na pala.

Bumalik ang diwa ko sa kasulukuyan nang matanaw ko ang maliit na ilaw na papalapit sa aking kinaroroonan.

"Kanina pa kita hinahanap." Aniya.

Ngumiti ako, sinikop ko sa aking mga kamay ang buhok kong malayang nililipad ng hangin.

"Kanina pa kita hinahanap, mabuti at may nakakita sayo na nagpunta dito" sabi niya nang hindi ako nagsalita.

Nagkukubli sa maganda nyang mga mata ang mga tanong na ayaw lumabas sa mga labi nya. Hinayaan ko sya, wala din naman akong lakas ng loob na magsalita tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na araw.

Mabuti na rin at hindi nila ako pinipilit na magsalita.

"Kakain na tayo, Ate May."

Mahina ang taong laging umiiyak, kaya siguro ganon ako. Dahil tuwing maririnig ko ang boses niya ay gusto kong umiyak at I confide lahat lahat ng nasa dibdib ko dahil alam kong makikinig lang sya, hindi nya ako huhusgahan kahit alam nyang mali ang ginawa ko.

Hindi nya ako itutulak dahil gumawa ako ng isang bagay na labag sa tingin ng ibang tao.

"Yong.." tawag ko sa kanya, humarap sya sa akin at tumigil sa paglalakad.

Sya lamang bukod tangi sa lahat ng kaibigan ko ang di nawala sa tabi ko. Kahit pa lumipat sila ng pamilya nya dito sa Iloilo ay hindi nawala ang komunikasyon naming dalawa. Naging mas matatag ang pagkakaibigan namin sa paglipas ng mga taon.

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon