KABANATA 11

1.5K 110 9
                                    

N/A : Goodevening. Happy Valentines day sa inyong lahat. Pagpasensyahan nyo na yung tulang ginawa ko haha. Pati na sa mga typo at error. Cellphone lang kasi gamit ko hehe. Enjoy reading!

**
Kabanata 11
Special

“Para sa mga nagmahal, nasaktan, at umaasa.”

Mula sa isang banda ng Isla Apulit kung saan naroroon ang Noah Hotel ay dinig na dinig ko ang mumunting hiyawan mula sa mga kabataang naroon yata para sa isang Team Building Activities.

Namalayan ko na lamang na naglalakad na ako papalit sa kinaroroonan nila. May maliit na stage doon n aka set up. Mga banda at mga upuang kahoy. Ang iba ay naka upo sa buhangin habang pinapanood ang isang dalaga na nakatayo sa entablado.

At sa kabilang banda ay tanaw no mula roon sina Edward pati ang mga kasama nya, mga kaibigan nya na nakilala ko rin kanina.

Pagbaba namin kanina ay hindi na kami nakapag usap dahil agad din siyang sinalubong mga mga business man na ka meeting nya para sa umagang iyon.

Basta na lamang nya sinabi na dalhin ko na ang mga gamit ko sa isang VIP Suite na ipina reserve ko. Gusto ko mang tumutol dahil hindi ko naman ine expect na ako pala ang gagamit ng kwartong iyon.

Ang mga pag po protesta ko ay nabalewala nang dumating na ang mga kasama nya. Di na kami parehong nagkapagpalit ng damit dahil dumeretso na din kami sa restaurant na ipina reserve ng mga kameeting nya.

Nagsulat ako sa mga importanteng bagay na kailangan at mga dapat tandaan. Iniwasan ko na din ang makipag interact sa mga kasama niyang madalas ang pagtingin tingin sa akin. Ngingiti ako ngunit hindi na magsasalita pagkatapos non.

Naubos yata ang buong lakas ko sa nangyari kanina sa loob ng van. Pagkatapos non mas naging maingat kaming pareho sa pagkilos. Para bang ang mahikang bumalot sandali sa pagitan namin ay agad ding naglaho.

Lumapit ako sa ibang naroon. Naupo ako sa isang upuang kahoy, katabi non ay isang bakanteng upuan din.

Hindi ko magawang masabi sa kanya ang lahat ng dahilan ko noon dahil na din alam kong magugulo lang nito ang parehong buhay naming dalawa. And I think this is not the right time.

Nararamdaman kong hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin iyon sa kanya. Siguro darating din ako don. Mahirap kasing magsabi sa taong sarado ang utak sa mga paliwanag. Mahirap magpaliwanag kung ang tanging nakikita lang nya ay ang mga mali mo, at ang paniniwala nya ay nababalot ng galit at poot.

Ang daling sabihin pero ang hirap hirap gawin.

“I want to dedicate this piece for those people who always want to say sorry for leaving. Para sa mga taong gustong humingi ng tawad pero huli na.”

Kinagat ko ang aking labi nang magtama ang mga mata namin ni Edward. Kahit may kausap sya ay nananatili ang titig nya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Dahan dahan kong pinakawalan ang namumuong paghinga mula sa aking lalamunan.

Itinuon ko na lamang ang aking tingin sa entablado at nakinig sa babaeng mag uumpisa na sa kanyang performance.

Pumalakpak din ako.

“Mahal alam kong masaya ka na ngayon,
nakikita kong sa kabila ng naranasan mo noon, Ika’y bumangon at nagpatuloy sa
pag ahon mula sa mga alaala at pagmamahal na akin namang binaon.”

Lalong nagpalakpakan ang mga naroroon nag sabayan iyon ng mahinang kanta ng Quest.

“Mula sa aking paglisan ay iyon ang naging lakas mula sa pag ibig na bigla na lang nag wakas. Na sa isang iglap ang pagmamahal na puno ng pangarap ay nawala at nawasak.”

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon