KABANATA 17

1.3K 105 10
                                    

KABANATA 17

Present

Sa isang linggo na pananatili ko dito sa Iloilo ay nakasanayan ko nang gumising ng maaga at maglakad sa tabing dagat.

Yumayakap sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin, tinatangay ako aking buhok at sinasayaw kasabay ng mumunting mga alon.

Hindi pa tuluyang kalat ang liwanag, isa sa pinaka gusto kong gawin mula ng dumating ako dito ay ang panoorin ang sunrise.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko tuwing panonoorin kong yakapin ng mala kahel na liwanag ang buong paligid. Ang pagbibigay nito ng panibagong liwanag mula sa isang madilim na sandali.

Sumisimbolo sa bagong pag asa at bagong araw na mapayapa.

Sa pansamantalang pagmamahinga ko rito ay unti unti akong nakakabuo ng konretong desisyon at mga hakbang na gagawin ko pa sa susunod na araw.

Tinutulungan ko si Irish sa paggawa nya ng mga homemade bakes nya na isi nu supply nya sa malalapit na hotels dito.

Si Yong naman ay nagpapatakbo ng kanyang souviner shop nya malapit sa centro tuwing wala sila sa bahay ay kaharap ko naman ang laptop ko.

Marami akong company na pinasahan na Resume ko. Ilan doon ay agad akong inanyayahan para sa interview. Bago ko pagpasyahang puntahan iyon ay chini check ko muna ang background ng company at tuwing makikita kong may connection sila sa MDE ay tinu turn down ko iyon.

Nagpasa din ako ng Documents abroad. Kung sakaling mas may magandang oportunidad doon ay iyon ang pipiliin ko. Basta sa malayo. Malayo sa mga taong gusto ko nang alisin sa buhay ko.

Iniwasan ko din ang pagbubukas ng emails galing sa MDE, pati social media accounts ko ay naka de activate na din.

Ngumiti ako sa langit at pinagpasalamat ang bagong umagang tinatamasa ko ngayon. Pinagpapasalamat ang bagong araw na ibigay sa akin upang ituwid ang buhay ko at ayusin ito.

Tanaw ko mula sa aking nilalakaran ang bahay nila Yong, dalawang palapag iyon at Modern Two Storey Style ang pagkakagawa. Para syang vacation house.

Maingat kong inapakan ang bermudang nakalatag sa lupa. Tila ba masasaktan ko sila anumang oras na maglalakad ako kahit pa pakiramdam ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko ng umagang yon.

"Goodmorning Ate May" bati sa akin ni Irish, naroon sya sa may kusina.

Pinuntahan ko sya

"Goodmorning" bati ko pabalik

"Wala akong orders ngayon kaya makakapag kwentuhan tayo maghapon" excited na sabi nya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Wala pa ba kayong balak magka anak ni Yong?" tanong ko

"Nag iipon pa kaming pareho ate, gusto namin na ready kami emotionally at financially kapag bumuo kami ng pamilya." nakangiting sabi nya,

Naiinggit ako sa ngiti nya, her smile is full of love and passion

"Ikaw ba Ate May wala ka pa bang balak mag asawa? Balita ko maraming nanliligaw sayo" aniya

Umiling ako "Ayoko ng sakit ng ulo" biro ko sa kanya

Tumawa siya ng malakas at bahagya akong hinampas sa braso.

"Ang ganda ganda mo wag mong sayangin yan!" pang uuto nya sa akin.
habang hinahanda ang agahan,

Matapos ay nagpaalam akong maliligo lang muna bago kami kumain.

Sa bahay nila ay may sariling banyo sa mga guest rooms.

Mabilis akong naligo at nag ayos dahil ayoko silang paghintayin ng matagal. May narinig akong komusyon kaya naman nagmadali akong nagbihis. Saktong nag suklay at pulbos lang at agad na akong lumabas ng kwarto.

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon