KABANATA 3

1.4K 109 8
                                    

N/A : First of all maraming salamat po sa paghihintay sa update ko. Maraming salamat po sa mga patuloy na nag co comment at message sa akin na naghihintay sila sa update  na ito. Sa totoo lamang po ay nahihirapan na akong sundan sya. Lalo na noong nagkasakit ako at ilang linggo ako sa hospital. Maraming salamat po sa paghihintay. Susubukan ko pong laging mag update para di kayo mainip sa paghihintay. Maraming maraming salamat po.

KABANATA 3

Dinama ko ang halos namamanhid ko ng braso. Dulot ng matagal nag pag aayos ng mga files na kailangan na kailangan ni Sir ay kinailangan ko pang buhatin iyon para mailagay sa kanyang lamesa.

I opened my phone to see if there is any text from my brother Nonoy. Sinabihan ko syang I text ako kung may problema sa bahay dahil hindi agad ako nakauwi.

"Inumaga ka Ma'am" bungad sa akin ng Security na naka toka ng oras na iyon.

I smiled at him. "Daming utos ng Sir eh." Sabi ko sa kanya.

Ipinagpara nya ako ng taxi sa labas ng company. I thanked him for that, alas tres ng madaling araw.

Napabuntong hininga ako sa pagod na nararamdaman ko. Ayokong isipin na ginagawa nya lamang iyon dahil gusto nya akong pahirapan dahil base sa nakita ko sa kanya ay tila wala syang paki alam sa ano mang tungkol sa akin.

Patuloy kong minasahe ang aking braso at kamay, papasok pa ako mamayang alas otso. Puyat na naman ako nito.

A part of me aches. Nasasaktan sa katotohanang napakalapit nya sa akin ngunit hindi ko sya mahawakan.

Ibang iba na nga ngayon. Kaming dalawa ay pinagtagpo ng tadhana upang matuto sa mga desisyon namin sa buhay.

Ngunit si Edward.. siya ang pinaka magandang regalong ibinigay ng may kapal sa akin.

Sa mga sandaling minsang akong naging masaya dahil sa kanya. Sa mga panahong siya lamang ang naging kasama ko sa hirap.

Siya ang pinakamagandang bahagi ng aking nakaraan.

He thought me how that money can't buy the happiness I felt. He thought me to dream big for myself.

He thought me how to love the way I want to.

Because of him I slowly learned that life is not that bad. That life gives us trials for us to understand its cycle.

Sana ay kaya ko pa din maging masaya kahit na nanjan sya. Kahit na nakikita ko sya at may pinong kirot akong nararamdaman para sa pag ibig na minsang naging akin.

Pinalis ko ang luhang pumatak mula sa aking mga mata. Tapos ko nang iyakan yan pero bakit hindi napapagod ang puso ko sa pagdadalamhati? Bakit hindi napapagod ang mga mata ko sa pag luha?

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa taxi. Sarado na ang ilaw kaya't nasisigurado kong tulog na ang mga kapatid ko.

I opened the door slowly, dahan dahan upang hindi ako makagawa ng anumang ingay na magpapagising sa kanila. Lalo na sa bunso naming si Chanchan.

Nang makita kong nahihimbing sya sa pag tulog sa ay napangiti ako. I sacrifice my happiness for them. I sacrifice my own happiness so that I can give them a better life.

Hindi na rin masama. Pareho kong naisagawa ang misyon ko noon kahit na nagka durog durog ang pagkatao ko dahil kailangan kong iwan ang isa para isalba ang aking pamilya. Para isalba si Edward.

This is the price I gain. The path I chose isn't the best but it's worth it.

Tatlong oras lamang ang naging tulog ko. Kinailangan kong gumising ng maaga upang ipag luto ang mga kapatid ko. Dalawa sa kanila ay papasok pa sa eskwela at si Chanchan ay maiiwan sa kanyang taga alaga.

"Anong oras ka nakauwi ate?" tanong sa akin ni Nonoy, sya ang sumunod sa akin.

"Alas tres na" sagot ko sa kanyang habang sinusubuan si Chanchan.

"Inumaga ka, bakit ka naman hinayaan ng boss mo na ganong oras umuwi?" aniya.

Ngumiti ako "Ganon naman talaga matagal syang walang secretary kaya tambak yung trabaho. Ayos lang naman may bayad naman yung overtime."

Dahil siguro sa halos magkalapit lamang ang edad namin ay ganon nya akong tanungin. He's taking Engineering. Ilang buwan na lang ay makakpagtapos na sya. Makakatulong na sya sa akin sa pagpapaaral kay Laly pati na din sa kinabukas ni Chanchan ay matutulungan na niya ako.

"Delikado ang panahon ngayon kapag disoras ka na uuwi, I text mo ko susunduin kita."

"Ano ka ba! Uy mag cocommute ka pa sayang sa pamasahe tsaka walang kasama ang mga kapatid mo dito!"

Sinimangutan nya ko na sya namang ikinatawa namin ni Laly.

"Di ba SuperWoman ako? Wag nyo na kong isipin ang importante nandito na kayo at binabatayan itong si Chanchan."

Para namang naintindihan ng bunso namin ang sinabi ko dahil tumawa sya at hinawakan ang mukha ko.

Iniiwasan kong isipin ang tungkol sa Mama ko. Pero tuwing makikita ko ang mga kapatid ko ay hindi ko maiwasang maghinanakit. Dalawang taon lamang itong kapatid ko pero nagawa nya itong iwanan sa amin at sumama sa ibang lalaki. I tried to understand her pero habang tumatagal ang pang unawang iyon ay napalitan ng galit at sakit.

How could she leave this little boy? Paano nagawa ng isang ina na iwan ang sanggol nyang anak para sumama sa iba. Pero siguro ganon talaga sya? She left me when I was still a child para sumama sa Papa nina Laly at Nonong. And then she left the two para sumama sa Papa ni Chan. At wala pang isang taon ang bata ay iniwan na nya ito sa amin.

Galit ako. Galit na galit ako, di bale sana kung sa akin nya lang ito ginawa pero inulit nya. Inulit nya sa dalawang kapatid ko, at sa walang muwang na sanggol.

I blinked my eyes, dahil sa matagal na pagtitig k okay Chanchan ay daang alaala ang sumagi sa isip ko. I hate it.

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa harapan namin ang dalawa.

"Laly, maaga ka mamaya ha. Wag kang magpapagabi para may kasama sina Ate Miya dito."

Tumango ito at nilapitan ang karga karga kong si Chan.

"Kita tayo mamaya buchoy." Aniya tsaka hinalikan ito.

Ganun din ang ginawa ni Nonoy. Kahit papaano ay hindi nila ako binigyan ng sakit ulo. Nagpapasalamat ako na lahat ng sakripisyo ko para sa kanila ay nakikita at pinahahalagahan nila.

Pagalis nila ay sya naming pagdating ng mag aalaga kay Chan. Katulad ng madalas kong gawin ay iniwan ko muna sa kanya si Bunso at nag ayos na sa pagpasok sa trabaho. Puyat na puyat ako at pagod na pagod.

"Goodmorning Ms. Entrata." Bati sa akin ng guard maging ang ibang empleyadong kagaya ko ay maaga din ang pagpasok.

"Ma'am di pa yata nakatulog?" Anang guard

I slowly noded. Before I could say something ay bahagya itong lumayo.

Tumingin ako sag awing banda upang tingnan ang pagdating ni Sir Eward.

He's wearing his corporate attire na bagay na bagay sa kanya. He matured a lot. Ang noong medyo mahabang buhok nya ay naka clean cut ay well polish ang pagkaka ayos. Makintab na makintab ang mga sapatos at napakalinis tingnan.

Sino nga bang mag aakala na ang isang Edward Barber C.E.O ng MDE Company ay minsan kong nakitang madungis at punong puno ng dumi ang damit?

I shook my thoughts away. I don't want to think about that part of our past. Masyadong malungkot at mahirap ang mga napagdaanan naming. I had no regrets. I don't regret leaving him lalo na ngayon nakikita kong sobrang successful na sya sa larangan na tinahak nya.

Our life without each other is better that we're together.

I greeted him goodmorning, tinanguan nya lamang ako at nilagpasan. Mabilis akong sumunod sa kanya upang pagbuksan siya ng elevator.

Huminga ako ng malalim nang pareho na kaming nasa loob ng elevator. A place with him is suffocating. 


MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon