KABANATA 19

1.8K 104 11
                                    

Note: Humihingi po ako ng pasensya dahil natagalan itong update ko, May importante kasi akong ginawa at ngayon lang ako na libre. Salamat sa paghihintay. Godbless us! 

KABANATA 19

Ilang minuto pa ang itinagal ni Edward sa loob ng mansion. Inabala ko ang aking sarili sa pagtitingin sa nag gagandahang estatwa ng mga angel na nakapalibot sa fountain ng kanilang garden.

Pumalibot ang matipunong braso sa aking baywang na naghatid ng init at ginahawa sa akin.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya

Ramdam ko ang pagtango nya.

"Uuwi na tayo para makapagpahinga muna tayo bago magpunta sa dinner party mamaya." Aniya

Ginagap ko ang kamay nya at pinagsikop yon, tinumbasan naman nya ng parehong higpit ang hawak ko. Pakiramdam ko ng oras na yon ako ang pinaka maswerteng tao sa buong mundo, dahil eto hawak ko sa mga kamay ko ang mundo ko.

Isang huling sulyap sa mansion bago kami tuluyang tumulak pabalik ng Maynila. Sa susunod na balik naming ditto ay bibisitahin naming ang ilang kakilala.

Edward plans a lot of things to do for the next days, hindi na ako nagtatanong dahil tiwala naman ako sa lahat ng ginagawa nya.

Nakarating kami ng sa bahay ni Edward bandang alas tres ng hapon.

"Sinong kasama natin sa dinner mamaya?" tanong ko sa kanya

"Some of my friends, I'd like you to meet them" aniya.

Di na ko nag elaborate, tumabi na ko sa kanya at hinayaang tangayin ako ng aking pagtulog.

Ginising lamang ako ni Edward noong mag a alas sais ng gabi,.

Binagayan ko lamang ang suot ni Edward, simpleng polo at jeans lamang ang suot ko na tingin ko ay tama lamang para sa okasyong iyon.

Hindi yata ako magsasawa sa pakiramdam na magkadaop ang aming mga palad. Kakaibang init ang nararamdaman ko sa tuwing hahawakan nya ang kamay ko at tinutumbasan nya ng mas mahigit na kapit.

God's really plans like a movie, all the good and bad things are arranged together for the good ending.

Dahil pagpasok pa lamang namin sa pintuan ng resto kung saan dapat kami mag di dinner ay natanaw ko na kung sino sino ang nakaupo sa family table.

Kusang tumigil sa paglakad ang mga paa ko at natulos sa kinatatayuan ko. Tumigil din si Edward.

"Baby, hindi tayo magiging kumpleto kung hindi natin makakasama ang pamilya mo sa importanteng okasyon sa buhay nating dalawa. Remember we will only move forward if we forgive the person who caused us pain." Aniya habang hinaplos ang aking likuran.

Pinilit na akong maakay papasok hanggang tuluyan na kaming matanaw ng mga taong naroon.

Edward went to my mom and kissed her cheeks for greetings, pati na din sa lalaking kasama ng aking mama. Nagtataka ako kung kailan nya pa sila nakilala?

Laly went to me and excitedly kissed me, niyakap nya din ako ng mahigpit. Si Nonoy na hindi ko alam kung kalian nakauwi ay naroon din, nakatayo sa tabi ni Laly at naghihintay ng pagkakataong mayakap din ako.

Bumulong ang masaganang luha sa mga mata ko ng pumaloob ako sa yakap ng mga kapatid ko. Parang pakiramdam ko ay napakahabang panahon akong nawala sa kanila.

Sometimes good people make bad choices. It doesn't mean they're bad. It simply means they're humans.

Edward smiled at me, his eyes reflects how happy he was, like me. That finally I was making peace with my broken pieces.

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon