KABANATA 13

1.6K 96 12
                                    

N/A: Sa totoo lang po nahihirapan na po ako sa pagsusulat, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng emosyong ilalagay ko sa mga characters ko. This past months dumaan ako sa isang mahirap na part ng buhay medyo mahirapan akong maka recover. Pasensya na po at natagalan. At Salamat sa mga patuloy na paghihintay. Susubukan kong mag update sa mga susunod pa ng araw. maraming salamat po.


Problems


KABANATA 13

"Akala ko umuwi na kanina.."

As if my world stop moving for a seconds. My senses numb and the only thing I can do is to stares at Ate Miya's face. Her hooded eyes were red. Binaling ko ang aking tiningin kay Nonoy. Nakatayo sya malapit sa pintuan habang mahigpit ang hawak sa strap ng kanyang bag.

Ginising ako kanina ni Ate Miya. Nakatulog ako ng ilang oras dahil sa pagod na din sa byahe. Kumakatok si Ate Miya sa aking kwarto. Hindi nya kasama sina Laly at Chanchan kaya naman tinanong ko sya.

"Akala ko umuwi na sila May kasi sabi ni Laly nabasa daw ng gatas yung damit nya. Pinauna ko na kasi namalengke pa ko." Anito

Nagtataka man ay hindi ako nag isip ng iba dahil madalas namang gawin ni Laly ito. Yunh ilabas si Chanchan lalo na tuwing linggo.

Dumaan ang maghapon hanggang sa tuluyan nang dumilim ay wala pa din sila. I tried to contact her pero unattended ang kanyang cellphone.

Worried. Nag aalala ako kung bakit ala syete na nang gabi ay wala pa sila!

"Akala ko unuwi na kanina.."

Napatingin ako kay Ate Miya na kanina pa naiiyak dahil na din sa pag aalala. Bumaling ako sa pintuan. Akala ko ay sila na pero si Nonoy pala. Madilim ang kanyang mga mata.

"Noy, di ba tumawag si Laly sayo? Wala pa sila ni Chanchan nag aalala na ko" sabi ko sa kanya.

Tumuloy sya sa pagpasok at inilapag ang gamit sa upuan. Hindi nya ako sinagot. Mabilis syang pumunta sa kwarto ni Laly.

"May problema ba Noy?" tanong ko nang hindi maintindihan kung bakit sya naroon.

Humarap sya sa akin. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Ngunit hindi iyon ang nakapagpabigla sa akin. Tumingala siya at mabilis na sinalo ang luhang pumatak sa kanyang mata.

"Noy? May nangyari ba? Sagutin mo naman ako o!" sabi ko sa kanya. Parang tinatambol ang puso ko sa paghihintay sa sagot na kanina ko pa gustong makuha.

"Hindi na babalik sina Laly at Chan, Ate May." aniya

"Anong di babalik? Ano ba yang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko.

May kung anong pagdududa akong nararamdaman ngunit natatakpan iyon ng pag aalala.

"Hindi na sila babalik dito. Sumama na sila kay Mama..."

Bakit kahit minsan binigay mo naman lahat ng meron ka pero iniiwan ka pa din? Bakit kahit halos ibigay mo na ang buhay mo sa kanila ay magagawa ka pa din nilang iwan?

Halos kalahating oras akong nagiiyak sa kwarto ko habang pilit na tinatawagan ang numero ni Laly.

Hindi ko matanggap na ganon na lamang ang gagawin nya matapos kong ibigay lahat ng meron ako sa kanila. Gusto kong malaman kung saan ako nagkulang at bakit mas pinili nilang sumama kay Mama na iniwan sila noon.

Hindi maampat ang luha ko lalo tuwing sasagi sa isipan ko ang bunso naming kapatid. Hindi ko kayang hindi sya nakikita o nayayakap. Halos sa akin na yon lumaki kaya masakit sa akin na bigla na lang siyang kukunin na parang bagay lamang.

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon